"Mukhang hindi ka nakatulog, hija, ah..." "Opo, naglaro kasi ako ng game sa celphone ko magdamag," dahilan ko kay Tita. Hindi ko tinitingnan si Bjorn dahil naiinis ako sa kaniya. Siya pa ang may ganang magalit sa akin kahapon. At hindi ko din maintindihan kung bakit ba niya kinakagalit ang bagay na iyon. "Hindi ba kayo tabi natulog ni Bjorn?" "Ah, hindi po. Si Manang Biring po ang katabi ko kagabi." Nginitian ko si Manang na nakangiti kaya kita ko na naman ang ngipin niya na may absent."Talaga? Bakit hindi kayo tabi ni Bjorn?" "Malakas siyang humilik, ayaw ko siyang katabi," inunahan ako ni Bjorn sa pagsagot.Sumimangot ako pero hindi ko pa din siya tiningnan."Magkaaway na naman ba kayo?" "Hindi po, Tita." I fake a smile. Dahil kulang sa tulog ngayon ko lang napansin na wala si Lianne. "Busy sila ngayon, hija, dahil ngayon ang dating ng mga truck na babyahe papuntang syudad." So kahit puntahan namin siya sa manggahan hindi pa din sila makakapag-usap ng maayos ni Bjorn. I wa
Huling Na-update : 2024-04-05 Magbasa pa