Galit si Bjorn. He's totally ignoring me. I don't think puwede ko pang ayain ulit si Lianne para matulog ulit dito, para may katabi ako mamayang gabi. I have no other choice na naman, kung hindi makatabi si Manang. Umalis na si Lianne. Tinanghali pa nga siya ng gising, dahil nasarapan ata sa kutson at aircon. Hindi ko na siya nakausap pa dahil nagmamadali na din siyang umalis. Here I am, bored and busy thinking about my next step. Kung hindi maging successful 'to, Bjorn and I will end up in the altar. Ang only escape ko na lang ay ang annulment. Pero I'll try pa rin na magkabalikan silang dalawa. Sabi ng source ni Raffa, Bjorn was heartbroken. Ibig sabihin minahal niya talaga si Lia. And kapag naman pinili niya si Lia over me, hindi naman magtatagal ang galit sa kaniya ng kaniyang family. At sa family ko, ako na ang bahala sa bagay na iyon. Dahil ini-ignore ako ni Bjorn, mag-isa na lang akong pumunta sa manggahan. Humiram ako ng pera kay Manang. Bagong sahod daw siya at nakapasok
That was embarrassingly amazing. Yakap pa din ako ni Bjorn kahit nang matapos niya akong paligayahin. Ako naman ay nakapikit na sa sobrang hiya, ngayon na nahimasmasan ako. "Kumain na tayo," bulong niya. Kanina pa nagtawag ang maid na kakain na daw. Alas-siete pa lang ng umaga at hindi na din umuulan. Tumikhim lang ako. Nahihiya pa din sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ako babangon at lalabas. Hindi ko na alam kung paano siya pakikitunguhan pagkatapos nang nangyari. Come on, Reigna. This isn't the first time that you slept together. At saka finger lang naman iyon, hindi naman actual sex. Bumangon na siya at tinulungan niya akong tumayo. Nakatayo ako nang hindi tumitingin sa kaniya. Sinuklay niya pa ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri. Pinisil pa niya ang pisngi ko. I don't know, but I think something has changed. "Maghilamos lang ako." Tumalikod na ako agad at pumasok sa kaniyang banyo. Naghilamos din siya pagkatapos sa akin. Nagsuklay muna ako ng buhok at inayos ang suo
Napasinghap ako sa ginawa ni Kuya. He took off Lianne's necklace. At maging si Lianne ay gulat na gulat din sa nangyari. Hindi siya nakagalaw at namalayan na lang niya na hawak na ni Kuya ang kuwintas. "Bakit mo kinuha? Akin iyan!" inis na sigaw ni Lianne. Kuya just smirked. Akmang aagawin ito ni Lianne sa kaniya nang umiwas si Kuya. "Really? Paano naging sa'yo 'to? Tell me," mapaglarong sabi ni Kuya habang nakataas ang kaniyang kilay sa babae. "Binili ko iyan!" giit naman ni Lianne. I sighed and shook my head. Saan ba humiram ng mukha ang babaeng ito, dahil ang kapal! Grabe! "Are you sure? Magkano mo ito nabili at saang shop mo ito nabili?" Kuya was playing with her. At bilib na din talaga ako kay Lianne. "Oo nga akin nga iyan. Sa ano... Nabili ko iyan sa ano...""This is not yours, Miss. Alam mo ba kung paano at saan ito nabili?" Tumaas ang sulok ng labi ni Kuya, ngunit ang mga mata niya ay matalas na nakatingin dito. Napalunok si Lianne at ilang segundong nawalan ng imik. "K
"Oh my God, in two weeks na?!" Parang mas nag-pa-panic pa ang mga kaibigan ko kaysa sa akin. Nandito kami ngayon sa gym. Kailangan kong-maburn lahat ng mga pinagkakain ko these past few days.I don't want to look so mataba on my wedding dress. This is my first wedding so I need to look gorgeous. My head is aching na naman. Hindi ako gaano naka-take ng enough sleep last night. Tinatamad nga ako today, kaso I need to focus on the goal. "Yeah. So, we need to work out everyday.""Why pati kami? Nag-da-diet naman kami nang mga araw na lumalamon ka.""Really? Hahayaan niyo akong mag-isa rito? Kung ayaw niyo, hindi na din kayo ang bridesmaids ko.""Hindi ka na mabiro. Of course, sasamahan ka namin. Dapat sexy din kami sa mga gown namin, no!"After more than an hour na work out nakalabas din kami. Sa isang gym na located malapit sa mall at sa condo kami nag-work out ngayon. Gusto ko din kasing magpaayos ng nails. After magpa-nails, kumain kami pero salad lang, dahil we're on a very strict
Pagkatapos naming mag-gym tumambay kami sa condo ng aking mga kaibigan. Naka-off ang phone ko dahil kanina pa tawag nang tawag si Kuya sa akin. Hinahanap niya ako, pero hindi ko sinabi kung nasaan ako. Gusto ko lang mag-relax ngayon. "Wala man lang ba kayong prenup ni Bjorn?" Speaking of Bjorn. Naka-blocked na naman siya ulit sa akin. At hanggang ngayon naiinis pa din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang ginawa ko, at kung alam na niya wala din akong pakialam. Bahala siya sa buhay niya. Magpakasaya siya habang hindi pa kami naikakasal, I don't care. "Wala!" pairap kong sagot. I don't want to talk about that guy. Nasisira lang ang araw ko. "Tungkol pala sa sinasabi mo na Lia sa province nina Bjorn, hindi siya iyong babae na sinasabi ng pinsan ko. Maputi daw iyon at sexy at ubod ng ganda."Tumikwas ang isang kilay ko. Pinagloloko ba ako ng mga 'to?Tumawa sila kaya ang akala ko binibiro lang nila ako. "Totoo nga! Tapos matangkad din daw, baka kasing tangkad mo."
Kasama ko ngayon sina Mommy at Tita dito sa isang boutique ng kakilala nilang fashion designer. Dito kami kukuha ng mga damit na gagamitin para sa prenup bukas. Wala pa din ako sa mood hanggang ngayon, kaya mabuti na lang at wala si Bjorn. Hindi ito sumama, baka busy sa work. And what would I expect with that man? At kung ako lang din tinatamad din ako, kaso ayaw ko namang maging katawa-tawa ang prenup and wedding ko. Hindi ako makakapayag na basta-basta lang ito. Lima ang napili ko. Dahil may iba pa kaming kailangang asikasuhin, umalis na kami agad. Sunod naming pinuntahan iyong sa boutique naman para sa damit ni Bjorn. Wala akong nagustuhan sa shop sa kinuhanan namin, kaya maghahanap ng iba.Pagpasok namin sa shop ay sakto naman ang pagdating niya. Hinubad niya ang kaniyang necktie saka kinalas ang tatlong butones ng kaniyang damit. Mukhang pagod na pagod siya. At nang magkasalubong ang aming mga mata, biglang umaliwalas ang kaniyang mukha. I just stared at him blankly. Lumapit s
Inabot na kami ng gabi sa prenup shoot, pero hindi pa ito tapos, meron pa ulit bukas ng umaga. Ang buong team ng mga photographer, videographer kasama ang HMUA ay naka-check in sa hotel, including me. Si Bjorn naman ay nasa kaniyang office ngayon dahil may meeting siya. I feel so tired. Nakailang location din kami kanina. Mabuti na lang at may dalawang chopper kaming gamit kaya napadali ang lahat. Nagbabad ako sa bath tub habang umiinom ng wine. Napagod talaga ako. Ang sakit din ng aking katawan. Lumabas lang ako ng banyo nang mag-doorbell ang magde-deliver ng food. Nakasunod naman sa waiter si Bjorn. Akala ko hindi susunod dito. "What are you doing here?" Nakasimangot siya at hindi nagsasalita. Pumasok siya kahit na hindi naman siya welcome dito. Pagkaalis ng waiter saka lang siya nagsalita. "Why did you open the door while wearing that?" "Conservative much? Pagod ako, Bjorn. Ayaw kong makipagtalo."Sinimulan ko ng kumain. Madami akong in-order at hindi ko mauubos ang lahat
Mga 6pm, lumabas kami dahil kakain daw kami sa labas. Nagsuot ako ng kulay itim na sleeveless body hugging dress, na tinernuhan ko ng silver na strappy heels. Nakasuot naman siya ng itim na button down polo. Mukhang hindi talaga siya galit, kahit na binenta ko ang ilang furnitures dito sa condo niya. Paano niya nagagawang maging kalmado? Kung ako iyon, baka nag-file ako agad ng annulment. Habang nasa biyahe, napapaisip ako. Ngayon pa lang nagsimulang mag-sink in sa aking isipan na kasal na talaga kami ni Bjorn. And do I feel sad with my life? Ayaw sumagot ng isipan ko ng yes. Siguro dahil alam ko na wala ng maghihigpit sa akin na mga magulang.And I don't think there's nothing Bjorn can do, kapag gawin ko ang gusto ko. Magpa-party ako, pero syempre may limit pa din ako. No guys, no flirting. "Are you sad?" Nilingon ko si Bjorn. "Huh?""Are you sad?" ulit niyang tanong. Ngumuso lang ako. Bakit naman niya naisip na malungkot ako? Nag-iisip lang naman ako. I'm not sad, and I don'
Tulog sa maghapon at gising naman mula alas-sais o alas-siete ng gabi hanggang alas-sais ng umaga. Sinasabayan ko na lang si Dior ng tulog sa araw, pero minsan hindi ako nakakatulog ng maayos dahil may negosyo akong kailangang i-monitor. Nagdagdag kami ng maid pero hands on ako pagdating sa aking anak. Minsan kapag kaya ng oras ko, pinaghahanda ko ng almusal ang asawa ko, kahit sinasabi niyang huwag ko na siyang alalahanin pa dahil pagod at puyat ako. Syempre kailangan ko namang mag-effort para sa asawa ko, dahil hindi lang ako isang Mommy. I'm also a wife. And as a wife I have a responsibility or obligation to my husband. Funny how I mature as the days passed by. But I'm loving this new version of myself. I didn't know that I'm capable to be a wife, capable to be a good wife pala, dahil lahat naman tayo puwedeng maging asawa pero hindi lahat ay kayang maging maayos o mabuting asawa sa ating partner. Kasi dati, tinanggap ko na lang na ikakasal kami ni Bjorn but I promised him that I
Kung kailan matutulog na ako, saka naman gumising si Prince. Dumede na naman siya at nag-poop pa kaya pinalitan ko siya habang nakasuot ng face mask. Tama si Kuya, training ko nga itong anak niya. Sumuka pa kaya pinalitan ko naman siya ng damit. Tinimplahan ko ulit siya dahil naghahanap na naman ng dede. Nang maubos niya ay nag-poop na naman. Namewang ako. "Buti na lang love ka ni Tita," sabi ko bago sinisimulang linisan siya. Pinalitan ko na din ang kaniyang pajama bago ko siya binalot ng blanket. Hindi pa din siya inaantok. Nakadilat siya at umuungol kaya kinarga ko siya. Kawawa naman ang baby namin. Baka nami-miss na niya ang Mommy niya. Baka umiiyak na din ang kaniyang Mommy ngayon. I sighed. Sana bumalik siya. Sana hanapin niya ang baby at bawiin. Ala-una na ng matulog ang baby kaya natulog na din ako. Puyat na puyat ako kaya hindi na ako nakapaghanda ng breakfast ng aking asawa. Maaga din kasing gumising si Prince. Dumedede na naman siya habang karga ko siya. Mamaya-maya p
Dahil pinapagawa namin ang room ng aming baby Dior, sa penthouse na muna kami tumira. Pinagplanuhan namin ng maigi ang kaniyang magiging kuwarto. Ang banyo pati na din ang kaniyang closet. Excited na kami ng Daddy niya. Gaya ko ay sobrang hands on din nito sa preparation para sa kaniyang paglabas. Nakapag-shopping na din ang aming mga magulang namin nang magpunta sila sa Europe. Si Kuya ay bumili din ng ilang pair ng luxury clothes para sa aming baby. Ito daw ang dapat na isuot ng kaniyang pamangkin for one month. Hindi pa man lumalabas, pero ramdam ko na ang love ng family namin para sa aming baby. Nag-iisang anak si Bjorn at dalawa lang din kaming anak ni Kuya kaya siguro doble ang excitement ng aming pamilya. Pati si Lolo ay bumili na din ng doll house na malaki. May ilang mga pinabili pa siya na hindi pa dumadating. Mabuti na lang at malaki ang room na pinagawa namin ni Bjorn. Maagang aalis si Bjorn papasok sa work kaya inagahan ko ng gising. Hindi ko na siya maaasikaso kapag
My late night cravings just started. I tried to ignore it but I can't, it just makes me more grumpy and moody. Tiningnan ko sa aking tabi ang asawa ko na mahimbing na ang tulog. Napagod siya, dahil hindi ko siya tinantanan hanggang sa hindi ako napapagod. Iyong isang cravings ko ay na-satisfy ko, pero sa pagod kaya siguro pagkain naman ngayon ang kine-crave ko. I want some hotdog, iyong grilled. Ayaw ko ng prito. I want also some dragon fruit. "Bjorn," mahinang tawag ko sa aking asawa ngunit hindi siya agad nagising. Niyakap ko siya at hinalik-halikan para hindi naman ma-badtrip sa paggising ko sa kaniya. "Hmmm, yes, baby." "Gusto kong kumain." Pinilit niyang idilat ang kaniyang mga mata. "Ano'ng gusto mong kainin?" Inaantok niyang tanong. "Hotdog." His eyebrows furrowed. Napaisip pa siya ng ilang segundo. Umungol siya. "Hindi ka pa ba pagod? Baka makasama na sa'yo ang sobra."Mahina kong tinapik ang kaniyang dibdib. "What are you talking about?" nayayamot kong tanong. Mukhan
Babalik na sa work si Bjorn at maiiwan ako dito sa bahay. Dahil galing kami sa bakasyon, kailangan ko daw magpahinga ng ilang araw pa. May kalayuan dito ang tailor at apartment ng mga live sellers, ko kaya hindi ko muna sila mabibisita. I want to visit and monitor them pa man din."Mami-miss kita, Bjorn," pagda-drama ko habang pinapanood na nagbibihis ang aking asawa. He chuckled. "Don't think too much about me, okay? Matulog ka at kumain sa tamang oras. Tatawagan ko si Manang para i-check kung kumain ka na." Sumimangot ako. "Ako hindi mo ako tatawagan?" "Of course, I'll call you from time to time when I'm not busy okay? I love you, Reigna.""I love you too, Bjorn. Hindi ako makapag-work kaya minu-minuto kitang mami-miss."Tumawa siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit."Ang sweet talaga ng asawa ko. Kaya mas lalo akong nababaliw sa'yo, e." Hinalik-halikan niya ako."Pupunta si Mommy dito mamaya. Mas okay na din iyon para hindi ka ma-bored." Bumuntong hininga ako."Hu
She saw me! She saw me fucking another woman. Agad kong pinaalis ang babae sa aking apartment. Inis na inis ito pero nawalan na ako ng gana. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin. Pakiramdam ko nahuli niya akong nag-cheat sa kaniya. Paano pa niya ako magugustuhan ngayon? Habang nag-iisip ako, nag-text sa akin si Barbie. At alam ko naman kung bakit niya ako naalala. Naisip ko kung na-turn on ba siya sa kaniyang nakita, dahil pumayag siya sa SOP. Pero hindi na naman kami natapos dahil na-wrong send siya. I should have ignored it and continue but I thought that it might change our relationship, but it didnt. Mas lalo pa siyang nainis sa akin at naging sanhi pa ng kaniyang pag-iwas. Naiinis ako dahil sa atensyon na binibigay niya kay Lance. I was getting paranoid. Paano kung magkatuluyan sila? Nakikita kong seryoso siyang kunin ang atensyon ni Lance. Ano ba ang nakita niya sa lalakeng 'to? Bakit hindi na lang ako? Nagulat ako nang madatnan ko siya sa aking apartment. She's wearing
Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi na ako nag-reply pa. Hindi na din muna ako umuwi ng apartment at sa bahay ng aking mga magulang. Sa condo ako umuuwi, galing trabaho para hindi ko makita si Reigna at para na rin makalimutan ko siya. Hanggang sa nakilala ko si Lia. She's simple, hard working at galing siya sa mahirap na pamilya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan, malayo ito sa mga babaeng naging flings ko at kabaliktaran din ni Reigna. Hindi man kasing ganda ni Reigna, pero malayong-malayo sa ugali niya. Sinubukan kong manligaw, susubukang sumubok sa isang relasyon pero hindi pa din naging kami. But we remain friends. Hindi puwedeng maging kami. Kung naging kami magiging unfair lang din siguro sa part niya, dahil hindi naman nawala sa puso at isip ko si Reigna. After almost a year, nag-text ulit si Barbie. Dalawang letra lang naman pero napangiti ako nito. Barbie: HiNagpalipas muna ako ng ilang minuto bago nag-reply. Derek: Who's this?Barbie: Sorry, wrong s
BJORN"Bakit niyo tinitingnan ang kapatid ko?" naiinis na tanong ni King sa amin. Humarang pa siya sa aming harapan.Ang bilis magdalaga ni Reigna, parang kailan lang ang liit-liit pa niya. Ngayon matangkad na siya at nagsimula nang magkaroon ng kurba ang kaniyang katawan.She look like a princess. Mukha siyang anghel, pero hindi umayon sa kaniyang ugali ang kaniyang mukha, dahil maldita siya at brat. But I can't blame her if she grew up like that. Nag-iisa siyang anak na babae ng mga Miguel. She's their princess, kaya naman nasusunod lahat ng gusto niya. Nandito kami ngayon sa garden ng mansyon ng mga Miguel. Alas-singko pa lang ng hapon pero nagsimula na kaming mag-inuman na magkakaibigan. Sina Reigna naman kasama ang kaniyang mga school mates ay nakaupo, malapit sa swimming pool. Mukhang may ni-r-rush na group project. She's wearing a barbie pink terno at pink na sandals. Nakalugay ang kaniyang natural brown and curly hair. Maganda na siya noon, pero habang nagdadalaga ay mas la
Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay na magising si Bjorn. Kulang ako sa tulog. At iyong inis na nararamdaman ko para sa kaniya simula kagabi ay hindi pa din nawawala.Gumalaw na siya. Mukhang pagising na ito. Tumagilid siya at kinapa ang kaniyang tabi, hanggang sa mapadilat siya ng mga mata dahil wala ako sa tabi niya. Nag-panic siya at mabilis na bumangon upang hanapin ako. At nang makita niya ako sa sofa, nakahalukipkip at nakatanaw sa malaking bintana, nilapitan niya ako. "Good morning. Kumusta ang mga baby ko?" Naupo siya sa likod ko at niyakap ako mula sa likuran. Hinaplos niya ang tiyan ko at hinalikan ang aking batok. "Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? Nasusuka ka ba? Nahihilo?" Umiling ako. Still not answering him. Niyakap niya ako nang mas mahigpit. "I love you..." Ngumuso ako at sinulyapan siya saglit. Nakakainis talaga! Walang pakiramdaman. Samantalang dati, maya't maya gusto niya akong galawin, ngayon na buntis na ako, parang wala na din siyang gana sa