DOS:BAGSAK ang balikat kong muling bumalik ng mansion pagkahatid ko kay Bagyo sa labas. Naiintindihan ko naman ang malaking obligasyong ginagampanan niya sa nayon nila kaya hindi ko na ito pinilit manatili pa dito kahit namimiss ko na itong kasama. Marami pa namang nexttime at kailangan ko na ring bumalik ng trabaho ko."Saan ka ba nagpupupunta, huh?! Ang dami na palang nangyayari sa'yo, wala manlang akong kaalam-alam." Napakamot ako ng ulo sa panenermon ng bestfriend kong sumunod din pala hanggang dito sa silid ko."Nanuyo ng katulad mong magandang dilag pero mainitin ang ulo sa aming mga JR Del Mundo, bakit?" makahulugang sagot kong ikinatigil nito at bahagyang pinamulaan. Pinaningkitan ko ito na ikinangiwi at iwas nito sa akin ng tingin. Napaghahalataang tinamaan sa sinaad ko."Hmm. . .anong nangyayari dito, Ange? Ikaw yata ang dapat magkwento ng mga ganap dito ah," tudyo kong inakbayan na itong iginiya paupo ng sofa. Napahalukipkip pa itong pinatulis ang nguso na pinakibot-kib
Read more