Akmang aalis na siya at babalik sa kwarto nang makita niyang parating si Ken, buhat-buhat ang anak nilang si Gray."Babe, what are you doing here?" nakangiting wika ni Ken habang papalapit sa kanya."Nagpapahinga lang," sagot niya. Umupo ang dalawa sa tabi niya."Mommy, nag-horse riding kami ni Daddy! Tinuturuan niya akong mangabayo," masayang sabi ni Gray. Napangiti siya sa sinabi ng anak niya. Habang lumalaki ito ay lalong nahuhumaling sa pangangabayo, mana talaga sa ama at lolo nito."Mag-ingat ka palagi habang nangangabayo, anak ha," paalala niya kay Gray."Yes, Mommy! Nandiyan naman lagi si Daddy to guide me.""Don’t worry about your son, babe. Magaling ‘yan, mana sa akin," nakangising wika ni Ken sa kanya."Sino nga pala ang kausap mo sa telepono kanina? I’ve seen you from afar na may kausap ka.""Ha... ah, si Bebe ‘yun tumawag," nag-aalangang wika niya. Hindi pa rin ito komportable kapag si Bebe ang pinag-uusapan."Si Tita Bebe? I miss Tita Bebe already, Mommy! Where is she? Sa
Magbasa pa