Pagdating nila sa rancho ay sakto namang nagising si Jonie. Lumiwanag ang mukha nito nang makita ang kanilang kaibigan na naroon na at naghihintay sa kanila."Bestie!" sigaw ni Fe, sabay kaway sa kanila. Napailing na lang siya. Parang matagal nang hindi nagkita ang dalawa, kahit gabi-gabi naman silang nag-uusap tungkol sa preparation ng kasal nila.Pag-stop ng kotse ay agad bumaba si Jonie. "Slow down!" bilin niya sa asawa. Napalakas ang boses niya dahil pabara-bara itong bumaba, tila nakalimutan na naman na buntis ito. Napabuntong-hininga na lang siya."Bestfriend!" sigaw ng dalawa sabay yakap. Nagtinginan na lang sila ni Clark."Para kayong isang taon nang hindi nagkita ah!" komento ni Clark."Na-miss lang namin ang isa't isa. Hihihi..." sagot ni Fe.Nabaling ang atensyon nila nang pumasok ang kotse ni James sa rancho. Nakatuon ang mata nila roon."Himala! Nagpakita ka!" sigaw niya.Nakangiti pa ito habang papalapit sa kanila."Bakit naman? Over naman ang reaksyon niyo!" sigaw ni Ja
WEDDING DAY! Dumating na ang araw! Ngayon na ang araw ng kasal nina Jonie at Ken. Di mapakali si Jonie sa kanyang kwarto. Naroon na rin ang mga bisita, karamihan ay mga prominenteng tao na kilala nila. Isa ito sa pinaka-magarbong kasal sa kasaysayan!"Napakaganda mo naman, Madam!" nakangiting wika ng mga baklang nag-aayos sa kanya."Oo nga, daig mo pa ang mga artista, Madam. Talo mo sila sa ganda mo," sambit ng isa pa. Tatlo ang stylists na nag-aayos sa kanya para sa kasal na iyon, at manghang-mangha sila sa angking kagandahan niya.Napatingin siya sa salamin, at maging siya ay namamangha sa ganda ng pagkakaayos nila sa kanya. Para bang hindi niya nakilala ang sarili niya."Ang galing niyo kasi mag-ayos kaya gumanda ako," puri niya sa mga ito."Hindi, Madam! Natural lang talaga ang ganda mo, kaya lalo pang na-enhance.""Tigilan niyo na nga ako sa kapupuri. May bonus na kayo mamaya!""Yeeeh! Si Madam talaga, maganda na mabait pa. Napakaswerte naman ni Sir Ken!""Swerte din naman ako s
Kumpadre, salamat sa pagtanggap sa anak ko. Ako rin ay may pagkukulang sa panghihimasok sa relasyon ng mga anak natin. Matagal ko nang alam na may anak sina Ken at Jonie, pero hindi ko alam na anak mo pala ang nakabuntis sa anak ko. Kung hindi mo siya anak, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. Kaya patawarin mo ako sa pagtatago ko ng apo nating si Gray sa'yo. "You knew, Pa?" gulat na tanong ni Jonie. "Of course, iha. Pinaimbestigahan ko na siya agad noong sinabi mong buntis ka, kahit pa hindi mo sinabi kung sino ang ama." "Yun din ang dahilan kung bakit ayaw kong magkabalikan ang dalawa noon, kumpadre, dahil natatakot ako sa maaaring gawin mo sa anak ko. He's all I have, and I was scared na kung malaman mong nasaktan niya ang anak mo, baka parusahan mo si Ken," naluluhang sabi ni Papa Gilbert. "Hahaha! Mabuti na lang at naging anak mo siya at hindi nya natikman ang paghihiganti ko, kumpadre! Pero kidding aside, maswerte pa rin tayo dahil ang mga anak natin ang nagkatuluyan, kah
Nang magkatabi na sila sa altar ay magkahawak ang kanilang mga kamay ni Ken. Halos hindi na niya maintindihan ang mga sinasabi ni Father sa sobrang saya.Panay din ang pisil ng asawa sa kamay niya. Napatingin siya rito nang tinutusok-tusok ng hintuturo nito ang gitnang palad niya. Hindi nito sinalubong ang tingin niya pero may malaking ngisi sa labi nito na nakakaloko. Alam niya ang gusto nitong mangyari... inaakit siya nito sa gitna ng maraming tao at sa harap ng pari! Napakapilyo ng asawa niya! Ginagawa ito ni Ken sa kanya kapag nasa publikong lugar sila o kapag maraming kasama at mag-aaya ito ng sex. Iyon ang kanilang hand signal bilang mag-asawa! Baka sabihin ng iba na naglalandian na sila kahit hindi pa tapos ang seremonya! Gusto niyang humagikhik dahil nakikiliti siya, kung hindi lang nakakahiyang gawin sa harap ng pari at mga bisita.Bumalik lang ang atensyon nila sa pari nang umpisahan na nitong basahin ang kanilang mga panata. Nagharap silang dalawa, hawak nito ang dalawa niy
***************KEN POV:Napakasaya ng kanilang after weddingg party kung saan ay doon din sa rancho ginanap. Lahat ng mga kaibigan at mahal sa buhay nila ay naroon. Sinayaw si Papa Gregore ang anak nitong si Jonie, pagkatapos ay ang Papa Gilbert nya naman ang nakipag sayaw sa asawa nya. Napatingin sya sa mga ito. pakiramdaan nya ay muling bumalik ang closeness ng ama nya at ni Jonie. Napangiti cya, ang sarap sa pakiramdam na ang dalawa nyang mahal sa buhay ay nagkasundo na. "Excuse me 'Pa, pwede ko bang mahiram ang aking esposa?" paalam nya sa ama at kinuha ang kamay ng nito. "Of course Iho, dance with your wife. Nagpapasalalamat ako at natupad ang dasal ko na kayo talaga ang nagkatuluyan, take care of your wife, anak. Magmahalan kayo" wika ng papa nya saka umalis na. "Ano ang nangyari ka Papa? bakit parang may kakaiba sa kanya?" Tanong nya sa asawa habang sumasayaw sila."Nagheart to heart talk na kami ni papa Gilbert kanina, babe and Im also happy dahil bumalik na ang dati nam
Tapos na ang party, at nagsiuwian na ang ibang mga bisita. Ang natitira na lamang ay ang mga malalapit nilang kaibigan na doon na makikitulog sa rancho.Maya-maya ay nag-vibrate ang cellphone sa bulsa niya. Naka-silent mode pa rin pala iyon. Sinilent niya iyon habang kinakasal sila ni Jonie, baka kasi may biglang tumawag sa kanya at nakakahiya.Nagtaka siya nang makitang number lang ang lumalabas—hindi naka-save ang number sa cellphone niya. Hindi niya ito pinansin at pinindot ang off button. Akmang ibabalik na niya ang cellphone sa bulsa nang muling nag-ring ito. Tumayo siya at lumayo nang kaunti sa mga kaibigan at asawa, baka importante iyon kaya napagdesisyunan niyang sagutin.“Hello?” tamad na sagot niya.“H-hello, Kuya Ken...”Pakiramdam niya ay ang lahat ng dugo niya ay umakyat sa ulo niya nang marinig ang boses ni Bebe.“Kuya, please, don’t hang up the phone... Alam kong ayaw mo akong kausapin, pero nakikiusap ako, pakinggan mo muna ako…”Humugot muna siya ng malalim na hininga
Magkahawak sila ng kamay habang paakyat ng pangalawang palapag. Pinipisil-pisil niya ang kamay nito."Are you happy, wifey?" tanong niya."Of course, I’m happy, hubby! It’s our dream come true!" sagot nitong nakangiti nang malapad. "Sayang nga lang at hindi nakapunta si Bebe, pero baka hindi pa siya handa." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang maalala ang pinsan."Halika, may ipapakita ako sa’yo," sabi niya saka tumungo sa kwarto ni Bebe."What are we doing here? Ano ang gagawin natin sa kwarto ni Bebe? Wag mong sabihing dito tayo magho-honeymoon?" tanong niya nang lumaki ang mga mata."Of course not!" natatawang sagot niya.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at nanlaki ang mga mata ni Jonie nang makita na nasa loob si Bebe, luhaang nakatingin sa kanila."Bebe!" umiiyak na sabi ni Jonie habang mabilis na niyakap ang pinsan. Pumasok din siya at isinara ang pinto, ayaw niyang may makakita na andoon si Bebe."Ate… huhuhu.." bumulahaw sa iyak si Bebe. Halos hindi na makapagsalita
Nakatayo siya sa likod ni Jonie... dahan-dahan niyang ibinaba ang zipper ng gown nito. Nang tuluyan na itong bumagsak sa sahig ay hinimas niya ang malalambot na balikat ng asawa. Mula sa leeg, dahan-dahang bumaba ang haplos niya patungo sa mga balikat at braso nito. Nakita niya mula sa salamin na napapikit ang asawa niya dahil sa kanyang paghaplos, kaya lihim siyang napangiti. Hindi na niya inalis ang tingin sa salamin, naaaliw siyang tingnan si Jonie habang hinahaplos ang hubad na katawan nito. Tanging panty na lamang ang suot ng asawa, walang bra dahil kasama ito sa gown na kanyang isinuot. Kahit buntis, sexy pa rin itong tingnan. Kaunti pa lang ang umbok ng tiyan nito dahil tatlong buwan pa lang itong buntis. Dinampian niya ng maliliit na halik ang leeg at balikat nito habang ang mga kamay niya ay patuloy sa paghaplos. "Ahhh..." ungol ni Jonie. Napapakislot ito sa tuwing tumatama ang mainit niyang hininga sa balat nito. Maging siya ay nadadala na rin sa sitwasyon. Ramdam niya ang
"Fuck! Napakasarap mo pala talaga, Amber... Kaya pala patay na patay si Alastair sa'yo! Pero hindi ako tutulad sa kanya... Hindi ako mahuhulog sa bitag mo... Ammhhh... Ammhhh... Aammhh..."Halos masubsob na siya sa kama sa pagkadyot nito sa kanya, pero wala siyang magawa. Hawak siya nito sa leeg, at kung mapatay niya man ito doon, siguradong hindi rin siya makakaligtas dahil marami itong bodyguard sa labas.Lihim siyang humahagulgol. Ano ba itong ginagawa niya sa sarili niya?"Ahhh...hhh..." mahabang ungol ni Douglas nang nilabasan na ito sa loob niya. Diring-diri siya, pero hindi niya maipakita dito.Nang makahuma ay tumayo ito at nagsara ng zipper. "Magbihis ka na at sasama ka sa akin," utos nito."S-saan?" tanong niya habang tinatakpan ng kumot ang hubad niyang katawan. Nandidiri siya sa mga titig ni Douglas sa kanya."Sasama ka sa bahay ko. Doon ka na titira simula ngayon."Napayuko siya. Ito ba ang gusto niya? Ang plano niya kanina ay hindi umayon sa kanya. Ang akala niya ay mauu
Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot sa nalaman na hindi naman pala siya totoong anak ng mga magulang niya. Sabagay, okay na din iyon para hindi siya makonsensya sakaling ipasara ng mga Blacksmith ang mga negosyo nito at maghirap dahil sa kanya.Muling nag-ring ang cellphone niya. Si Douglas na ang tumawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito."Hello, honey! Where are you?""Andito lang ako sa labas. Sigurado ka bang safe diyan?""Oo naman. Maingat ako, noh.""Sige, punta na ako. Sabik na ako sa'yo." Humalakhak pa ito na parang demonyo bago patayin ang telepono.Inayos niya ang sarili. Nilipat niya si Tyler sa sofa para hindi ito madistorbo sa gagawin nila mamaya ni Douglas.Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa pinto. Agad siyang lumapit at pinagbuksan iyon, pero napalis ang ngiti niya nang makitang hindi ito nag-iisa. Marami itong kasamang mga bodyguard."B-bakit ka pa nagdala ng bodyguard?" nagtatakang tanong niya. Nakakatakot ang mga bodyguard nito."Mahirap na... Alam
AMBER'S POV:Nagmamaneho siya papunta ng siyudad. Nabibingi na siya sa iyak ni Tyler, paubos na kasi ang gatas nito. Hindi niya naman akalain na malakas pala itong dumede kaya mabilis lang maubos ang gatas na dala ni Shiela. Kailangan nilang lumabas para bumili ng gatas at pagkain. Tumigil muna siya sandali para padedein ito. Hindi naman ito titigil sa kakaiyak dahil gutom, kaya wala siyang magawa kundi tumigil muna para padedein ito.Ngayon niya lang narealize na mahirap pala ang maging ina. Pero okay lang, dapat masanay na siya dahil inako niya na ang maging anak si Tyler. Nang tumigil na ito sa kakaiyak at nakatulog na ay muli niya itong nilagay sa passenger's seat. May ginawa siyang harang na unan doon para hindi mahulog si Tyler sakaling nagmamaneho siya.Pinaandar niya ang maliit na TV para malibang naman siya habang nagda-drive. Sakto naman na balita ang nabungaran niya."Kita mo nga naman... nakita na pala ang bangkay ni Shiela?" aniya habang nanonood ng TV. Nakita na ng mga p
'Iho... ang pinakaimportante ngayon ay mahanap natin si Tyler. Kapag nakita na siya ay saka natin harapin ang iba pang mga problema. Kung talagang mahal mo ang mag-ina mo ay ipakita mo sa kanila at ipaglaban mo ang pamilya mo." Tumango siya at tila nabuhayan ng pag-asa, nagpapasalamat siya at andiyan palagi ang mommy niya na nakasuporta sa kanya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan na imbestigador. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yun dati pa? Napuno kasi ng pag-aalala ang utak niya sa anak at hindi niya naisip na tawagan ang kaibigang imbestigador. "Hello, bro." Bungad niya ng sagutin ni Froilan ang tawag niya. "What up, bro?" "I need your help. Kinidnap ang anak ko ni Amber Moray." "What? Was she supposed to be in a mental facility?" "Yes, pero nakatakas siya at kinidnap niya ang anak ko." "Damn!" mura ni Froilan nang marinig ang kwento niya. "Bigyan mo ako ng detalye at ng mapag-aralan ko ang kaso niya. Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong i
"Tumahan ka, Evelyn! Hindi makakatulong ang pag-iyak mo. Ang dapat nating isipin ay kung ano ang gagawin para lalo mapabilis ang paghanap sa baliw na Amber na 'yun at sa apo natin!" matigas na wika ni Tita Beth. Sandaling tumigil ang mommy niya sa pag-iyak. Nagpunas ito ng mga luha bago magsalita. "Tama ka, Beth. Magbabayad ang babaeng 'yun kapag nahuli natin siya. Sisiguraduhin kong liliit ang mundo niya. Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan!" galit din na wika ng mommy niya. "Iho, tawagan mo ang mga magulang ni Amber. Gusto ko silang makausap." utos ng mommy niya. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ni Leo Moray, ang ama ni Amber. "Iho, kamusta? Napatawag ka?" Sa tono ng pagsagot nito, parang wala itong alam sa mga nangyayari. "Mom wants to talk to you..." sambit niya saka pinasa ang telepono sa mommy niya. "Leo! Where is your daughter?" galit na sabi ng mommy nya "What do you mean where is my daughter? Di ba nasa mental facility siya?" "Nakatakas siya at k
Napabuntong-hininga na lang siya... "Officer, ano po ang pakay niyo? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Bebe sa mga pulis. "Ipapaalam lang po namin na nakita na namin si Shiela, ang private nurse ng anak niyo." "Huh? Saan niyo siya nakita? Nakita niyo din ba ang anak ko? Nahuli niya ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Bebe. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na wala nang buhay si Shiela nang matagpuan namin sa bangin. May saksak siya sa tagiliran, at mukhang doon ginawa ang krimen para hindi mahanap kaagad. Ang hinala po namin ay si Amber ang may gawa nun sa nurse." "Diyos kooo! Huhuhuh... si Tyler... saan na naman si Tyler? Baka wala na din buhay ang anak ko katulad ni Shiela, huhuhu..." hagulgol ni Bebe. Maging siya ay humagulhol na rin. Hindi niya lubos maisip na wala na ang anak nila. "Hindi pa naman tayo sigurado, Madam Beverly. Wala po kaming nakitang ibang katawan doon bukod kay Shiela. May posibilidad na buhay pa ang anak niyo at kasama ni Amber ngayon sa pagtatago." "Plea
******************JAMES' POV:Awang-awa na siya kay Bebe. Nasa kwarto na lang ito at nakatulala, minsan ay bigla na lang itong iiyak. Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nila nakikita si Amber at ang anak nilang si Tyler. Maging siya ay napanghihinaan na rin ng loob pero kailangan niyang magpakalakas para kay Bebe. Kung magpapakita siyang kahinaan, ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa?Nakakalabas na rin ang mommy niya sa ospital. Kinuwento nito na si Shilea na private nurse ni Tyler nga ang may gawa kung bakit ito nawalan ng malay sa garden. Pinainom daw ito ng inumin na may pampatulog kaya ito nawalan ng malay para maitakas si Tyler.Mabuti na lang at nakita ni Logan na nakabulagta si Mommy sa garden, pero wala na si Shiela at si Tyler. May sumundo daw dito na isang puting kotse na ang hinala nila ay si Amber. Napagplanuhan talaga ng dalawa ang gagawin para makidnap si Tyler. Tamang-tama naman sa araw na iyon na wala sila ni Bebe, at pinagsisisihan niya iyon dahil h
Nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan si Shiela na wala nang buhay sa ibaba ng bangin.Nang masiguradong wala na itong buhay ay muli siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at tulog pa ang anak ni Beverly at James, hindi siya mahihirapan sa pagmamaneho.Bilib din naman siya sa batang ito at hindi naman ito sakit sa ulo. Tulog lang ito nang tulog, di tulad ng ibang baby na iyak nang iyak.Pinaandar niya ang kotse at iniwan doon si Shiela. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kahit pa alam niyang walang makakakita sa kanya dahil masukal ang daan ay mabuti na yung sigurado.Tiningnan niya ang nasa front seat na mga gamit ni Tyler. Kumpleto naman doon... andoon na ang mga diaper at gatas nito. May mga damit na rin na pamalit si Tyler. Napangiti siya, kahit papaano ay concerned naman pala si Shiela kay Tyler. Kung siya lang kasi ay hindi niya ma-iisip na dalhan ng gamit ang batang kinidnap niya.Mga isang oras pa siyang nag-drive papunta sa bahay-bakasyunan niya. Sinigurado niyang mal
****************AMBER'S POV:Napangiti siya habang nagkakagulo na ngayon sa palasyo. Nasa likod siya ng kotse, hawak ang anak ni James at Beverly habang si Shiela ang nagda-drive ng get-away car nila."Good job, Shiela. May bonus ka sa akin mamaya." wika niya sa private nurse niya sa facility na binabayaran para tulungan siyang ilabas doon.Napangisi ito sa sinabi niya. "Salamat, Mam Amber. Pag nakuha ko na ang pera ay aalis na ako dito sa Scotland at magpakalayo-layo."Lihim siyang napangisi. Mukhang pera ang babaeng ito kaya nauto niya nang maigi. Tinapalan niya lang ito ng pera at bumigay na kaagad.Hindi naman kasi siya baliw. Nagbaliw-baliwan lang siya noong ikukulong na dapat siya dahil sa ginawa niyang panloloko sa mga Blacksmith.Mas gugustuhin niyang malagay sa mental facility kaysa sa kulungan. Mahirap na kapag sa kulungan... sa ganda niyang iyon ay baka pagpasa-pasahan pa siya ng mga pulis. Noon pa man ay nakikita na niya ang mga titig ng mga pulis sa kanya noong kasama n