Gulat ang mga mata ng Ina ni Solen ng pag buksan sya nito ng pintuan nang makitang duguan ang anak at ang lalaking kasama nito. “Anong nangyari?!” natatarantang tanong ng kanyang Ina.Dahan-dahang pinahiga ni Solen ang lalaki sa munti nilang sofa. Hindi pa ito nag kasya dahil sa hubog ng katawan ng lalaki na parang kasing tigas pa ng bato ang balikat. “Sandro, kumuha ka ng maaligamgam na tubig at plangana!” pag uutos nito sa kanyang kapatid na agad naman nitong sinunod. “Natagpuan ko sya sa Satanas Bridge” maikling sagot ni Solen. Kaya tinawag na Satanas Bridge ang bangin ay dahil literal na sinusundo ni kamatayan ang mga dumadaan na mga sasakyan doon. “Ma swerte ka at hindi ka sinundo ni kamatayan” Mahina nyang bulong. Hindi nya ipag kakaila na nag aalala sya para sa kalagayan ng lalaki. Ngunit hinihiling nya na sana ay nakalimutan na ng lalaki ang nangyari sa kanilang dalawa, limang taon ang nakakalipas. Wala pang ilang segundo ay bumalik na ang kanyang kapatid na may hawak
Last Updated : 2024-02-27 Read more