Lahat ng Kabanata ng Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo: Kabanata 41 - Kabanata 50

132 Kabanata

Chapter 41

“Gusto kita para sa anak ko.” “Po?” Gulat na sabi ni Alexandros na nakatingin sa kanyang ina. Pagkatapos kasi nilang kumain ay nagdesisyon sila na tumambay muna sa veranda sa second floor ng bahay nila. Para naman makapag kwentuhan muna sila. Si Raven at Sabrina ay nasa kabilang dulo nakaupo, nagpapaturo si Sabrina maggitara kay Raven. Habang sya naman ay katabi si Alexandros, nasa tapat naman nila ang kanyang ina na umiinom ng tea. “Sabi ko, gusto kita para kay Elaine ko. Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo kamahal ang anak ko. Sana lang talaga ay hindi sya masaktan.” May pag-aalalang sabi ng kanyang ina na tumingin din sa kanya. “Ma naman..” Ani nya at ngumuso pa. “Wag po kayong mag-alala Ma’am, hindi ko po sya sasaktan.” Ani ni Alexandros na nakatingin padin ng deretso sa kanyang ina pero hinawakan ang kamay nya. “Tawagin mo na lang ako Mama iho, mukha ka naman mabait na bata. Pero sana nga talaga at hindi masaktan ang Elaine ko. Masyadong mataas ang antas ng pamumuhay
Magbasa pa

Chapter 42

“Hindi ko na ba talaga kayo mapipigilan?” ani ng kanyang ina na may malungkot na tinig habang nakayakap sa kanya. Halos mag alas-nuebe nadin kasi ng gabi, kailangan pa nila bumalik ng MMC dahil may trabaho din sya kinabukasan sa restaurant, habang si Alexandros naman ay may kailangan din asikasuhin dun. Gustuhin man nyang matulog sa kanilang bahay ay hindi aari. Nakakahiya nadin kasi kila Celest at Selena dahil mula ng pumasok sya sa MMC puro absent na lang ata ang ginawa nya. “Pasensya kana Ma, gustuhin ko man ay hindi pwede. Alam mo naman kailangan ko mag trabaho para satin.” Malungkot din nyang sabi habang hinihimas ang likod nito. Bigla naman yumakap sa kanila si Raven at Sabrina. Mas lalo tuloy syang nalungkot. “Mamimiss ka namin Ate Elaine.” Ani ni Raven na nakayakap din sa kanya. “Ako din Ate, pasensya kana at kailangan mo pa magtrabaho sa malayo para lang matustusan mo kami, lalo na ang mga gamot ko.” Naluluhang sabi ni Sabrina. Kumalas naman sya ng yakap sa mga ito at
Magbasa pa

Chapter 43

Naalimpungatan sya ng maramdaman nyang para syang dinuduyan kaya kahit inaantok ay nagmulat sya ng mata. Una nyang nakita ang seryosong mukha ni Alexandros, napalingon sya sa paligid at dun nya napagtanto na buhat-buhat pala sya nito!“Hey sleepy head.” Malambing na sabi ni Alexandros sa kanya kaya napatingin sya dito.“Where are we?” Inaantok na sabi nya dito.“Manila Yacht Port.”“Ohh.. You can put me down, mabigat ako.” Sinubukan nyang bumaba sa bisig nito pero hinigpitan lang nito ang hawak sa kanya.“Just go back to sleep,” hinalikan sya nito sa noo. “I’ll carry you na lang, hindi ka naman mabigat. Tsaka malapit na lang naman tayo sa Yacht.”Naghikab sya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Inaantok pa talaga sya. Ngayon nya lang naramdaman ang pagod sa maghapon pagttrabaho at byahe papunta manila. Ambango talaga ni Alexandros, nakakaadik ang amoy! Ang sarap panggigilan.Bahagya naman natawa ang binata kaya kahit papikit pikit ay tumingin sya dito.“What?”“Narinig ko ang sina
Magbasa pa

Chapter 44

Halos isang linggo nyang hindi nakikita si Alexandros sa isla. Kadadating lang nila sa isla ng bigla itong nakatanggap ng tawag mula kay Marcus. Kinailangan nito bumalik sa manila dahil bigla raw nagka problema. Gusto sana sya nitong isama ulit pero tumanggi sya, kailangan nya magtrabaho para masustentohan ang pamilya nya. Nung una ay kinukulit sya nito pero sa huli naman ay napapayag din naman nya.Araw-araw ito tumawag sa kanya at nagttext para kamustahin sya. Kahit malayo ito sa kanya ay lagi nitong sinisigurado na okay lang sya. Minsan kahit busy sya sa restaurant bigla na lamang lalapit sa kanya si Selena para ayain kumain sa opisina, ibilin pala sya rito ni Alexandros. Dahil ‘don ay lalo silang naging malapit ni Selena. Lagi din silang tatlo magkakasama nila Olivia. Hindi padin kasi nya nakikita si Celest. Tinanong naman nya si Selena kung asan ito pero hindi din nito alam.“Sino nagluto nitong lunch natin?” tanong ni Olivia habang ngumunguya. Mukhang sarap na sarap ito sa kinak
Magbasa pa

Chapter 45

Lumingon sya para tingnan kung sino ang nagsalita. Dahil tumatama sa mukha nya ang liwanag ng araw ay hindi nya ito maaninag.“Sino ka?”Nakita nyang humakbang ito papalapit sa kanya, nang makalapit ito ay tumingala sya. Kunot noong tinitigan nya ang nakangiting mukha nito. Iniisip nya kung saan nya ito nakita.Mas lalo naman lumapad ang ngiti nito. Gwapo ito katulad ng ibang member ng MMC pero mas gwapo padin si Alexandros nya. Ngayon nya lang ito nakita dito sa isla, siguro ay isa sa mga guest.“You still don’t remember me, Elaine?” Sabi nito na bakas sa boses ang pagka amuse.Mas lalo naman kumunot ang noo nya. Maski ang boses nito ay familiar sa kanya…Nanlaki ang mga mata nya at biglang napatayo mula sa pagkakasalampak nya at tinuro ito gamit ang hintuturo nya.“Ikaw! Yung lalaki sa airport na sinundo ko! Yung pamangkin ng dati kong manager na si Ms Jovie! Halaaaa! Anong ginagawa mo dito!?” Excited nyang sabi dito. Halos hapuin sya sa sinabi nya dahil medyo napalakas ang boses n
Magbasa pa

Chapter 46

“Alexandros..” kinalas nya ang mga braso nitong nakayakap sa bewang nya at humarap dito. “Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa manila ka?”Napakamot ito sa ulo. “Akala ko kasi galit ka kaya iniwan ko muna yung trabaho ko dun.” Ngumiti pa ito ng alanganin.“Alexandros…” naningkit ang kanyang mga matang nakatingin dito.Hinapit sya nito sa bewang at binigyan ng mabilis na halik sa kanyang labi. “Babalik din naman ako dun mamaya. Marami pa kasing kailangan tapusin. Namiss lang talaga kita, ilang araw din kitang hindi nakikita at nayayakap e.”She just rolled her eyes and smiled. Ano pa nga ba ang magagawa nya? Andito na ito. Tsaka namiss din naman nya si Alexandros kaya nawala na ang tampong nararamdaman nya kanina. Umalis sya sa pagkaka hawak nito sa kanya at pinulit ang basahang nalaglag sa sahig bago bumaling ulit dito.“Kumain kana ba?” tanong nya dito.Umiling lang.“Ikaw talaga..” bumuntong hininga sya at hinawakan ang braso nito. “Tara sa office ni Selena at magpapadala ako ng
Magbasa pa

Chapter 47

“Namiss kita ng sobra.” Bulong ni Alexandros sa may tenga nya habang nakayakap ito sa kanya mula sa likuran. Naramdaman pa nyang ipinatong nito ang ulo sa may balikat nya.Humagikgik sya. “Parang 1 week lang tayo hindi nag-kita ah? Miss mona agad ako ng sobra?” ani nya habang naggagayat ng mga lahok para sa nire-request nitong caldereta. Gusto kasi nitong masubukan ang version nya ng calderetang niluto ng kanyang ina nung dumalaw sila.“Yun na nga ata ang pinakamahabang isang linggo nangyari sa buhay ko. Wala kaya akong ayos na tulog kasi hinahanap kita sa tabi ko.”“Aysus! Baka sinasabi mo lang yan ha?”Umiling-iling ito habang nakapatong padin ang mukha sa balikat nya. “Hindi ah, totoo kaya.”Kumalas ito ng yakap sa kanya at sumandal sa counter table ng kusina kung saan sya naggagayat. Tumingin ito sa kanya habang nakahalukipkip ang mga braso sa harapan ng dibdib nito. Bigla tuloy sya napatingin sa braso nitong may muscle. Hindi nya namalayan napakagat labi na pala nya. Nakita ‘yon
Magbasa pa

Chapter 48

“Masarap?” Tanong nya kay Alexandros pagka subo nito ng calderetang niluto nya. Naka upo sya sa harap nito.“Uhmm.. hmm..” Tumango-tango ito habang nanguya.Napangiti naman sya sa reaction nito, mukhang sarap na sarap ang binata sa niluto nya dahil sunod-sunod ang naging pagsubo nito. Buti na lamang at tinuro sa kanya ng kanyang ina ang special caldereta nito. Ayon dito ay itinuro din ‘yon ng kanyang lola dito.Tumayo sya at kumuha ng juice sa ref at ipinagsalin ito sa baso nito. Halos makalahati na nito ang sinandok nyang kanin.“Hinay-hinay lang, baka mabilaukan ka nan.” Natatawang sita nya dito.Huminto naman si Alexandros sa pagkain at nag-angat ng tingin sa kanya.“Thank you, Elaine ko. Ang sarap nitong niluto mo.”“Talaga? Mas masarap sa luto ni mama?” nakangiti nyang tanong dito.Hindi naman agad ito nakasagot, mukhang nag-isip muna ito. Pero maya-maya pa ay tumango ito.Mas lalo lumapad ang ngiti nya. “Isusumbong kita kay mama, mas masarap pala ha? Naku, panigurado hindi kana
Magbasa pa

Chapter 49

Pagkatapos magpaalam kay Selena ay nagmamadali syang umalis ng floating restaurant at sumakay sa dumaang golf cart para magpahatid sa may waterfalls. Lakad takbo ang ginawa nya para lang makarating agad kung saan sila lagi napwesto ni Alexandros.Bumagsak ang kanyang balikat ng hindi nya ito nakita dun, mukhang nakaalis na ang binata. Inilabas nya ang kanyang cellphone at tumawag ng security para itanong kung asan ito, pero hindi sinabi sa kanya ng security ng isla dahil bawal daw ng mga ito sabihin kung asan ang mga member ng MMC. Para daw sa proteksyon ng mga ito, kahit anong sabihin nya at pagmamakaawa ay wala padin syang nakuhang sagot.Napasalampak sya ng upo sa may kahoy sa gilid. Naiiyak na sya, masyadong malaki ang isla para hanapin nya ito. Baka hindi kayanin ang isang buong araw.Bumuntong hininga pa sya. Nawawalan na sya ng pag-asa, aalis pa naman ito mamaya pabalik ng manila. Bigla naman nyang naalala si Keith kaya tinawagan nya ito para makiusap ulit na ipahanap si Alexan
Magbasa pa

Chapter 50

Magkahawak-kamay silang naglalakad sa may dalampasigan, medyo makulimlim ang kalangitan at malalakas ang hampas ng alon. Mukhang uulan din mamaya. Ang kabayo nitong si Spike ang pinasuyo nito sa isang staff ng isla para maibalik sa kwadra ng mga kabayo.“Galit ka pa?” hindi nya mapigilang itanong sa binata.Kanina pa kasi ito tahimik simula nung tinanong nya ito kung okay lang naman lahat sa manila. Sumagot lang ito sa kanya, pagkatapos nun ay seryoso na ito. Para bang malalim ang iniisip nito.“Huy Alexandros!” tawag nya ng pansin dito at huminto sa paglalakad.“Ha? may sinasabi ka Elaine?” tanong nito sabay tingin sa kanya. Mukhang nakuha na nya ang atensyon nito.“Sabi ko kung galit ka pa ba?” pag-uulit nya sa tanong kanina.Umiling ito. “Hindi na.”“Hmm.. Okay. Okay.” Tumango-tango pa sya.Gusto sana nya itanong dito kung ano iniisip nito pero wag na lang. Baka makulitan pa sa kanya ito, tsaka hahayaan nya na ang binata ang magkwento sa kanya kung talagang may problema ito.“Ayos
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
14
DMCA.com Protection Status