“Alexandros..” kinalas nya ang mga braso nitong nakayakap sa bewang nya at humarap dito. “Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa manila ka?”Napakamot ito sa ulo. “Akala ko kasi galit ka kaya iniwan ko muna yung trabaho ko dun.” Ngumiti pa ito ng alanganin.“Alexandros…” naningkit ang kanyang mga matang nakatingin dito.Hinapit sya nito sa bewang at binigyan ng mabilis na halik sa kanyang labi. “Babalik din naman ako dun mamaya. Marami pa kasing kailangan tapusin. Namiss lang talaga kita, ilang araw din kitang hindi nakikita at nayayakap e.”She just rolled her eyes and smiled. Ano pa nga ba ang magagawa nya? Andito na ito. Tsaka namiss din naman nya si Alexandros kaya nawala na ang tampong nararamdaman nya kanina. Umalis sya sa pagkaka hawak nito sa kanya at pinulit ang basahang nalaglag sa sahig bago bumaling ulit dito.“Kumain kana ba?” tanong nya dito.Umiling lang.“Ikaw talaga..” bumuntong hininga sya at hinawakan ang braso nito. “Tara sa office ni Selena at magpapadala ako ng
“Namiss kita ng sobra.” Bulong ni Alexandros sa may tenga nya habang nakayakap ito sa kanya mula sa likuran. Naramdaman pa nyang ipinatong nito ang ulo sa may balikat nya.Humagikgik sya. “Parang 1 week lang tayo hindi nag-kita ah? Miss mona agad ako ng sobra?” ani nya habang naggagayat ng mga lahok para sa nire-request nitong caldereta. Gusto kasi nitong masubukan ang version nya ng calderetang niluto ng kanyang ina nung dumalaw sila.“Yun na nga ata ang pinakamahabang isang linggo nangyari sa buhay ko. Wala kaya akong ayos na tulog kasi hinahanap kita sa tabi ko.”“Aysus! Baka sinasabi mo lang yan ha?”Umiling-iling ito habang nakapatong padin ang mukha sa balikat nya. “Hindi ah, totoo kaya.”Kumalas ito ng yakap sa kanya at sumandal sa counter table ng kusina kung saan sya naggagayat. Tumingin ito sa kanya habang nakahalukipkip ang mga braso sa harapan ng dibdib nito. Bigla tuloy sya napatingin sa braso nitong may muscle. Hindi nya namalayan napakagat labi na pala nya. Nakita ‘yon
“Masarap?” Tanong nya kay Alexandros pagka subo nito ng calderetang niluto nya. Naka upo sya sa harap nito.“Uhmm.. hmm..” Tumango-tango ito habang nanguya.Napangiti naman sya sa reaction nito, mukhang sarap na sarap ang binata sa niluto nya dahil sunod-sunod ang naging pagsubo nito. Buti na lamang at tinuro sa kanya ng kanyang ina ang special caldereta nito. Ayon dito ay itinuro din ‘yon ng kanyang lola dito.Tumayo sya at kumuha ng juice sa ref at ipinagsalin ito sa baso nito. Halos makalahati na nito ang sinandok nyang kanin.“Hinay-hinay lang, baka mabilaukan ka nan.” Natatawang sita nya dito.Huminto naman si Alexandros sa pagkain at nag-angat ng tingin sa kanya.“Thank you, Elaine ko. Ang sarap nitong niluto mo.”“Talaga? Mas masarap sa luto ni mama?” nakangiti nyang tanong dito.Hindi naman agad ito nakasagot, mukhang nag-isip muna ito. Pero maya-maya pa ay tumango ito.Mas lalo lumapad ang ngiti nya. “Isusumbong kita kay mama, mas masarap pala ha? Naku, panigurado hindi kana
Pagkatapos magpaalam kay Selena ay nagmamadali syang umalis ng floating restaurant at sumakay sa dumaang golf cart para magpahatid sa may waterfalls. Lakad takbo ang ginawa nya para lang makarating agad kung saan sila lagi napwesto ni Alexandros.Bumagsak ang kanyang balikat ng hindi nya ito nakita dun, mukhang nakaalis na ang binata. Inilabas nya ang kanyang cellphone at tumawag ng security para itanong kung asan ito, pero hindi sinabi sa kanya ng security ng isla dahil bawal daw ng mga ito sabihin kung asan ang mga member ng MMC. Para daw sa proteksyon ng mga ito, kahit anong sabihin nya at pagmamakaawa ay wala padin syang nakuhang sagot.Napasalampak sya ng upo sa may kahoy sa gilid. Naiiyak na sya, masyadong malaki ang isla para hanapin nya ito. Baka hindi kayanin ang isang buong araw.Bumuntong hininga pa sya. Nawawalan na sya ng pag-asa, aalis pa naman ito mamaya pabalik ng manila. Bigla naman nyang naalala si Keith kaya tinawagan nya ito para makiusap ulit na ipahanap si Alexan
Magkahawak-kamay silang naglalakad sa may dalampasigan, medyo makulimlim ang kalangitan at malalakas ang hampas ng alon. Mukhang uulan din mamaya. Ang kabayo nitong si Spike ang pinasuyo nito sa isang staff ng isla para maibalik sa kwadra ng mga kabayo.“Galit ka pa?” hindi nya mapigilang itanong sa binata.Kanina pa kasi ito tahimik simula nung tinanong nya ito kung okay lang naman lahat sa manila. Sumagot lang ito sa kanya, pagkatapos nun ay seryoso na ito. Para bang malalim ang iniisip nito.“Huy Alexandros!” tawag nya ng pansin dito at huminto sa paglalakad.“Ha? may sinasabi ka Elaine?” tanong nito sabay tingin sa kanya. Mukhang nakuha na nya ang atensyon nito.“Sabi ko kung galit ka pa ba?” pag-uulit nya sa tanong kanina.Umiling ito. “Hindi na.”“Hmm.. Okay. Okay.” Tumango-tango pa sya.Gusto sana nya itanong dito kung ano iniisip nito pero wag na lang. Baka makulitan pa sa kanya ito, tsaka hahayaan nya na ang binata ang magkwento sa kanya kung talagang may problema ito.“Ayos
“B..bakit may si..singsing?” hindi makapaniwalang bulalas ni Elaine.Ngumiti sa kanya si Alexandros at hinawakan ang isa nyang kamay at isinuot sa daliri nya ang hawak nitong singsing.Maang na napatingin sya sa kamay nya. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman, masaya sya na naiiyak na kinakabahan. Mula sa kanyang kamay ay iniangat nya ang kanyang paningin at tiningnan si Alexandros.Bahagya naman natawa ang binata at sinarado ang kanyang bibig na nakabuka pala. Hindi man lang nya namalayan na napanganga sya.“Relax, Elaine ko. Hindi pa ‘ko magpopropose sayo,” hinawakan nito ang singsing na nakasuot sa kanyang daliri. “Promise ring lang ‘to. Gusto ko lang mangako sayo na kahit anong mangyari ay nandito lang ako para sayo. Kahit ipagtabuyan mo pa ‘ko ay hindi ako aalis sa tabi mo.” Ani nito at binigyan pa sya ng magaan na halik sa kanyang noo.Napapikit naman sya ng dumampi ang malambot at mainit nitong labi sa kanyang basang noo. Hindi nya napigilan ang pagpatak ng luha sa k
Kakatapos lang nya magblower or mas magandang sabihin kakatapos lang ni Alexandros patuyuin ang kanyang buhok gamit ang blower na nasa kwarto nito. Nung una ay hindi sya pumapayag na ito na ang magpatuyo ng buhok nya pero talagang makulit ito kaya hinayaan na lang nya.“Bakit may vanity mirror na dito sa kwarto mo? Nung una ko naman punta dito wala pa ito ah?” Ani nya sabay tingin dito sa may salamin.Ngumiti ito habang sinusuklay ang mahaba nyang buhok. “You like it?”“Y-yeah.”“That’s good, actually pinalagay ko talaga dito yan sa kwarto para naman may space ka dito kapag mag-aayos ka, like now.”“Pero hindi mo naman na kailangan gawin ‘to, hindi naman ako lagi nandito sa main villa.” Sabi nya dito at hinawakan ang buhok na nasa harap nya at sinuklay ‘yon gamit ang kanyang mga daliri.Huminto si Alexandros sa pagsusuklay sa kanya at tumingin din sa kanya sa may salamin. “Hayaan mo na ‘ko, Elaine. Gusto ko na may space ka dito sa kwarto ko. Kung pumapayag ka nga lang na lumipat dito
Nagising sya na wala pa si Alexandros, pagtingin nya sa bintana ay medyo madilim na. Mabigat ang katawan na bumangon sya at nagpunta sa closet para magpalit ng damit, napagdesisyunan nya na maglakad-lakad na lang muna sa labas habang inaantay ito. Matapos icheck ang sarli sa salamin ay ngumiti sya, nagsuot lang sya ng isang floral dress na hanggang tuhod ang haba, simple lang ‘yon pero bumagay sa kanya. Kinuha nya din ang isang flat sandals sa may closet at sinuot ‘yon.Pagkatapos itext si Alexandros na maglalakad lang sya sa labas ay lumabas na sya ng kwarto at bumaba. Wala syang susi ng main villa pero sinarado lang nya ang main door, alam naman nya kung gaano kahigpit ang security ng isla.Hindi padin talaga nawawala sa kanya ang humanga dito sa isla kahit pa matagal na syang nandito, para kasi talaga itong paraiso. Chineck nya ang kanyang cellphone pero wala pading reply sa kanya si Alexandros kaya ibinalik na lang nya ‘yon sa bulsa ng kanyang dress. Inilibot nya ang kanyang panin
Readers I’m sorry for not updating Alexandros and Elaine story for almost one month now. Katulad po ng sinabi ko sa last update ko, hindi po maganda ang lagay ng aking lola. Kinailangan ko pong umuwi ng pinas para makasama sya dahil sa kahilingan nya. But sad to say, tuluyan na po kaming iniwan ng aking lola last Saturday (September 14, 2024) Sana po ay inyong maintindihan kung bakit hindi po ako makapag sulat sa ngayon. Sobrang bigat at sakit po ng aking nararamdamam at ayaw ko pong pilitin ang aking sarili magsulat dahil ayaw ko pong hindi nyo magustuhan ang ending ng kwento nila Elaine at Alexandros. Kapag nakabalik na po ako ng UK ay susubukan ko pong magsulat agad para matapos na ang kwento nila Alexandros at Elaine. Para din po maipost kona ang susunod na kwento ng isa sa member ng Millionaire Men’s Club. Again, sana po ay maintindihan nyo.
"Ma!! Sabrina! Raven!" malakas na tawag nya habang pumapasok sila ni Alexandros sa loob ng bahay nila. Susunduin kasi nila ang mga ito dahil pupuntahan nila kung saan nakalibing ang kanyang ama. Gusto kasi ni Alexandros na madalaw ito para na rin makilala."Andito kami sa taas ate!!" sigaw ni Raven."Bumaba na kayo at tinatamad na akong umakyat." sigaw nya pabalik sabay upo sa sofa. Kanina pa kasi sumasakit ang paa nya kakalakad. Kahit pa nga hindi naman malayo ang nilalakad nila dahil sumasakay naman sila sa sasakyan ni Alexandros.Hinubad nya ang suot na doll shoes at akmang yuyuko para masahihin ang paa ng pigilan sya ni Alexandros. Bigla itong umupo sa sahig nila at ito ang nagmasahe sa paa nya. Pinagmasdan nya ang ginagawa nito, seryosong-seryoso na para bang may alam talaga ito sa pagmamasahe gayong anak mayaman ito. Maski nga pagkaka salampak nito sa sahig ay wala itong pakialam kung madumihan ang mamahalin nitong damit.Mas lalo tuloy s'yang nainlove dito. Talagang ginagawa ni
Mahinang tapik ang nagpabalik sa kanyang sarili. Tiningnan nya ang kaharap na si Alexandros na bakas sa mukha ang pag-aalala para sa kanya. Ngumiti sya ng pilit para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Pero dahil kilalang-kilala sya nito, alam n'yang alam nito na hindi sya okay at kung ano ang nasa isip nya. Isa lang naman ang rason kung bakit sya nagkaka ganito pagkatapos ng insidente nangyare isang buwan na ang nakakalipas.Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kamay nya. "She'll be fine." Alexandros said with sincere voice."Isang buwan na.. bakit hindi pa rin sya nagigising? paano kung hindi na sya magising?" mahinang tanong nya.Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya. "She will. Her body just need some rest. Tsaka kilala mo naman ang kaibigan mong 'yun, malakas. Kaya wag kana mag-alala pa kay Melody." Hinaplos ng isa nitong kamay ang umbok n'yang tyan. "Baka mamaya magising 'yun at mapagalitan kapa dahil pinapabayaan mo ang inaanak nya."Umingos naman sya sa sinabi nito. "
-ELAINE- *1 month ago* Akmang sasaksakin sya ni Nicole gamit ang basag na baso ng biglang sumulpot si Melody kung saan at niyakap sya. Napaigik ito sa sakit ng pagbaon ng basag na baso sa likurang bahagi nito. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa gulat dahil sa ginawa nito pagsalo ng saksak para sa kanya. "M-melody!" "I'm sorry, Bff.." nangingilid ang mga luha nito sa gilid ng mga mata dahil sa sakit pero nagawa pa rin ngumiti sa kanya. Hinugot ni Nicole ang basag na baso na may dugo ni Melody at akmang sasaksakin sya ng umalingawngaw ang isang putok ng baril. Tumama ang bala sa isang kamay ni Nicole na ikinahiyaw nito sa sakit at nagpabitaw sa hawak nitong panaksak. Mas lalo naman napadiin ang hawak ng isa nitong kamay sa buhok nya na s'yang ikinapikit nya dahil rin sa sakit.Nawalan ng balanse si Nicole at dahil hawak sya nito sa buhok at nakayakap sa kanya si Melody, tatlo silang nalaglag sa dagat. Mas lalo naman s'yang niyakap ng mahigpit ni Melody na para bang pino-protekta
"Yes, Babe! That's right! The reason kung bakit ko kayo pinapunta dito ng pamilya mo ay para masaksihan nila ang proposal ko sayo." Pakikisakay pa rin ni Alexandros sa iniisip ni Nicole. Ang lahat ng tao na nakakasaksi sa nangyayari ay sobrang kabado. Isang maling galaw lang kasi ay maaari mapanganib ang buhay ni Elaine at ng magiging anak nila.Iniikot nya ng pasimple ang mga mata para hanapin kung nasaan sila Elliot at Joe. Inihabilin nya sa mga ito na wag hihiwalay sa dalaga pero bakit hindi ata nya makita ang mga ito? Ang nakangiting mukha ni Nicole ay biglang nagbago at naging mabagsik. Hinablot ulit nito si Elaine sa buhok na nagpahiyaw sa dalaga. Maski sila ay napasigaw ng mas lalo diniinan ni Nicole ang hawak na basag na wine glass sa leeg ni Elaine."You think you can fool me again!?" tumawa ng nakakaloka si Nicole. "I'm not stupid, Alexandros!" Itinaas nya ang dalawang kamay at dahan-dahan naglakad papalapit kay nicole. "Please.. let her go." nagmamakaawang sambit nya hab
Lahat sila napatingala sa itaas at napahawak sa kani-kanilang kasuotan dahil sa lakas ng hangin na nagmumula sa helicopter na pababa sa helipad ng pinaka tuktok na floor ng yate. Maagap n'yang nahawakan si Elaine ng muntikan pa itong matumba.Nang tuluyan ng makababa 'yun ay hinarap na nya ang pamilyang Sandejas. Nakita pa nya ang matalim na tingin ni Nicole sa kamay nya na nasa bewang ni Elaine. "Anong ibig sabihin nito, Alexandros?" si Nicole na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kamay nya. Bakas sa mukha nito ang galit at halatang gusto ng sugurin si Elaine kung hindi lang ito hawak ng ama.Mas lalo nya hinapit papalapit sa kanya si Elaine. "Ito?" ngumisi sya ng nakakaloko. "You think hindi talaga ako nakakaalala? I know everything, Nicole! Nilaro ko ang larong inumpisahan mo at sisiguraduhin kong lahat kayo makukulong!" Tigagal ang pamilyang Sandejas, hindi agad nakapag-salita sa sinabi nya. Si Nicole naman ay nanlaki ang mga mata.Umiling-iling si Nicole. "B-babe.. ano bang sin
Kung okay lang sana ang sitwasyon ngayon, humanga na sya kay Elaine. Kaso mo'y ikapapahamak nito ang ginagawa ngayon! Tiningnan ito ni Mr. Sandejas mula ulo hanggang paa bago ngumisi. "At sino ka naman babae ka? Maganda at sexy ka sana kaso pakialamera ka." may bahid na panghihinayang sa boses ni Mr. Sandejas pero kung makatitig kay Elaine akala mo hinuhubaran ito.Sasapakin na sana nya si Mr. Sandejas dahil sa sinabi nito sa babaeng mahal nya ng hawakan sya ni Dominic sa braso para pigilan sya. Putang-ina! Gusto nya magwala ngayon dahil sa pambabastos ni Mr. Sandejas kay Elaine pero wala sya magawa. Nakakagago talaga ang pamilya Sandejas! "Kumalma ka, Alexandros. Masisira ang lahat ng pinagplanuhan natin." si Dominic na binulungan sya.Fvck! Hindi nya kaya! Pag dating talaga kay Elaine nawawala sya sa wisyo.Lalapit na sya rito ng mapahinto sya sa paglakad."OMG! What happened to your top dad?!" histerikal na sambit ni Nicole. Kumuha ito ng tissue sa hawak na bag at pinunusan ang
Hindi nya namalayan na kumuyom na pala ang kanyang kamao at tumalin na ang kanyang tingin sa kaharap na si Mr. Sandejas kung hindi pa sya siniko ng katabing si Dominic at binulungan na kumalma. Aba't makapal rin pala ang mukha nito at balak pa s'yang gamitin!"Something wrong, hijo? Bakit masama ka ata makatingin?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya nito. Mukhang nahalata rin ang pagbabago ng kanyang mood. Ngumiti sya ng pilit rito at umiling. "Nothing, Mr. Sandejas. May bigla lang akong naalala.""I see. Akala ko sinasamaan mo 'ko ng tingin e. Ano ba ang naalala mo at parang gusto mo manuntok sa itsura mo kanina?""Ikaw." "Excuse me!?" Medyo malakas na sabi nito at mukhang nabigla sa sinabi nya. Pero dahil sa malakas na tugtog sa yate, sila lang tatlo ni Dominic ang nakarinig rito.Pilit na tumawa si Dominic na katabi nya. "Nagbibiro lang sya, Mr. Sandejas. Mapagbiro lang po talaga itong si Alexandros, right bro?" sabay baling sa kanya ni Dominic at binigyan sya ng warni
"Paakyat na raw ng yate si Nicole!" si Selena na nagpapanic. Agad naman inalis ni Elaine ang braso nya sa balikat nito at lumapit na kay Selena. Buti na lamang at hindi sila nakita ni Nicole. Nasa second floor sila ng yate kung saan magaganap ang surpresa. "Sige na, love. Maya na lang." pagpapaalam nito sa kanya. Mabilis naman nya itong hinalikan ulit sa labi. "Mag-iingat ka ha? I love you." bilin nya rito. Tumango ito. "I love you too." tanging nasabi lang nito bago ito tuluyan hilahin ni Selena palayo sa pwesto nila. Pinagmasdan nya ang mga ito na nakihalubilo sa ibang guest. Tumikhim naman sya at nagseryoso. Konti oras na lang.. pagpapaalala nya sa sarili. Nagpaalam naman sa kanya ang mga member ng MMC at tanging si Dominic lang ang naiwan sa gilid nya ng makita sila Nicole na papalapit. "Goodluck, bro." si Liam na tinapik rin sya sa balikat bago tuluyan umalis. Napatingin naman sya kay Nicole. Nakasuot ito ng isang pula tube dress na may snake print at may suo