"Gabriel tumayo ka na. Tama na." Nahihirapang pilit ko, sinubukan ko na hilain siya patayo ngunit hindi siya natinag. Nakipagpalakasan siya sa akin, hindi siya pumayag na tumayo. Nanatili siyang nakaluhod, habang umiiyak.Mas lalong nadurog ang puso ko, parang tinutusok ng maraming karayom. Halong-halo ang nararamdaman ko, panghihinyang sa mga nasayang na panahon na dapat ay masaya kami kasama ang anak namin. Sakit dahil kahit ginawa niya iyon para sa akin nasaktan niya pa rin ako. Hindi niya ako hinanap, kahit nagtatago naman talaga ako sa kaniya dahil hindi ko na kayang manatili sa tabi niya kahit mahal na ko siya. At hindi siya nagpaliwanag noon sa akin.Ilang ulit siyang umiling. "Kapag sumuko ako mas lalo akong mawawalan ng pag-asa sainyo." "Para kay Hyacinth, tumayo ka na please. Nakatulog siya sa paghihintay sayo kanina dahil p-pangako mo sa kanila na b-babalik ka." I cleared my throat, I can finish what I'm saying without shattering. "Ayaw ko na makita niya na ganito tayo. Ip
Last Updated : 2024-09-05 Read more