"Hindi kaming dalawa nagkikita, Hyacinth. Bakit naman naisip mo na nagkikita kaming dalawa?" tanong ko. Nagkibit balikat lamang siya. "Hindi ko po alam, naisip ko lang. Wala naman akong maisip mama, masakit na nga ulo ko, ayaw ko na po mag-isip mapapagod lang po ang utak ko. Ang problema po kasi hindi naman ako iniisip, tapos ako iniisip ko ang problema. Hindi naman po fair diba?" Tuluyan na akong humalakhak dahil sa sinabi ni Hyacinth. Hindi ko mapigilan na pisilin ang kaniyang pisngi. "Naku anak hindi talaga fair, huwag mo na isipin ang mga problema. Kapag may gusto ka sabihin mo kay mama, okay? Para naman alam ni mama ang gagawin." Saglit na kumunot ang noo niya parang mayroong iniisip. "Kaya nga po mama, iyon ni sabi ko sayo." Humalakhak ako ulit. "Hindi naman po ako tumututol sayo." "Berry gods mama!" natatawa niyang sagot. "Ang kulit mo talaga, Hyacinth. Daan muna tayo sa Tita mo tapos uuwi na tayo, hihiramin ko ang sasakyan ng Tito Gio mo, may mga gamit kasi ak
Last Updated : 2024-08-30 Read more