Home / Romance / My Billionaire Boy Best Friend / Kabanata 201 - Kabanata 210

Lahat ng Kabanata ng My Billionaire Boy Best Friend: Kabanata 201 - Kabanata 210

247 Kabanata

Chapter 200

CHAPTER 200Lumipas pa ang mga araw at naging busy na si Kate sa school kung saan sya nagtuturo. Mayroon kasing gaganapin na event sa school nila kaya abalang abala sya ngayon."Ma'am Kate may naghahanap po sa inyo," tawag ng isa ring teacher kay Kate. Agad naman na napalingon si Kate sa labas ng kanilang faculty room. Nagulat pa sya ng makita nya si Mark doon kaya agad nya etong linapitan."M-Mark a-anong ginagawa mo rito?" kandautal pa na tanong ni Kate dahil hindi nya inaasahan na pupunta eto rito."Hi Kate. Hindi kasi kita maabutan sa bahay nyo e. Kaya dito na lamang kita pinuntahan. Flowers and chocolates nga pala," nakangiti pa na sabi ni Mark saka nya iniabot kay Kate ang dala nya. "S-salamat," sagot ni Kate saka nya tinanggap ang iniaabot ni Mark sa kanya. Natuwa naman si Mark dahil tinanggap ni Kate ang binigay nya akala nya kasi iiwasan na naman sya neto."Hindi ka pa ba pauwi? Para isabay na kita," tanong ni Mark rito dahil tapos na rin naman ang klase nila Kate pero naroo
last updateHuling Na-update : 2024-06-29
Magbasa pa

Chapter 201

CHAPTER 201Pagkapasok naman ni Kate sa kanilang bahay ay agad syang sinalubong ng dalawa nyang kaibigan at hinila pa sya ng mga eto paupo sa sofa."Kate ano yun? May hindi ka ba sinasabi sa amin," agad na bungad ni Colleen na kinikilig pa dahil sa nakita nya."Oo nga naman Kate. Ano yun? Kayo na ba ni Mark?" sabat naman ni Myca."Tsk. Tumigil nga kayong dalawa. Hindi kami ni Mark. Okay!" sagot ni Kate at tatayo na sana sya ng hilahin sya ni Colleen paupo ulet."E ano nga yun? Bakit magkasama kayo? Bakit may pahatid na?" sunod sunod pa na tanong ni Colleen. Iiling iling naman si Kate sa mga kaibigan nya."Kumain kami sa labas tapos hinatid na nya ako rito. Yun lang yun," balewalang sagot ni Kate."Sandali nga Kate. Bakit ba hindi mo na lamang pagbigyan si Mark? Mabait naman si Mark gwapo pa. Ano pa ba ang hinahanap mo?" sabat na ni Myca."Oo nga naman Kate. Matagal ka ng liniligawan ni Mark. Binasted mo na nga yan e pero tingnan mo andyan pa rin sya," sabi ni Colleen. Napabuntong hini
last updateHuling Na-update : 2024-06-30
Magbasa pa

Chapter 202

CHAPTER 202"Alam ko na nasaktan ka Kate sa nagdaan na relasyon mo pero bakit hindi mo muna subukan na buksan ang puso mo kay Mark. Mabait naman si Mark at kilala na talaga natin sya noon pa," sabi ni Colleen."Oo nga naman Kate. Subukan mo lang. Malay mo si Mark talaga ang nakatadhana para sayo. Tingnan mo nga kahit binasted mo na sya noon ay hindi pa rin sya sumusuko sayo at nandyan pa rin sya sinusuyo ka kahit na lagi mo syang iniiwasan," sabi naman ni Myca. Tumango tango naman si Kate sa kanila."Pag iisipan ko muna ang bagay na yan dahil natatakot na akong masaktan ulet. Baka hindi ko na kayanin kapag nangyare ulet yon sa akin," sagot ni Kate."Ikaw ang bahala. Pero payo lang namin sayo hindi naman masama na subukan mo rin. Alam naman namin kung gaano ka kamahal ni Mark kaya wala namang masama kung pagbigyan mo rin sya. Minsan talaga kailangan nating sumubok o masaktan para mahanap natin ang tamang tao na nakalaan para sa atin," sagot ni Myca."Tama si Myca, Kate. Tingnan mo sila
last updateHuling Na-update : 2024-06-30
Magbasa pa

Chapter 203

CHAPTER 203Lumipas pa ang mga araw at madalas ng bisitahin ni Mark si Kate sa eskwelahan kung saan eto nagtuturo. Ipinagpapasalamat naman nya na sa mga ngdaang mga araw ay hindi na sya muling iniiwasan pa ng dalaga. Sumasama na rin eto sa kanya kapag inaaya nyang lumabas hindi katulad noon na lagi na lamang etong tumatanggi at nagdadahilan sa kanya.Araw ng linggo ngayon at nagpasya ang magkakaibigan na bisitahin sila Bella at Vin sa bahay ng mga eto. Namimiss na kasi nila si Bella dahil hindi na talaga nila eto nakakasama dahil nga sa buntis eto."BELLA," sigaw ni Myca pakarating nila sa bahay nila Bella at nagtatatakbo pa sya na lumapit kay Bella.Ngingiti ngiti naman si Bella na napalingon sa mga kaibigan nya na bagong dating lang. Medyo malaki na rin ang tyan ni Bella dahil mag aanim na buwan na ang tyan neto."Namiss ko kayo. Dalasan nyo naman ang pagpunta rito," sabi kaagad ni Bella sa mga kaibigan nya."Namiss ka rin namin Bella. Mas lalo ka atang gumaganda ngayon ah," sagot n
last updateHuling Na-update : 2024-06-30
Magbasa pa

Chapter 204

CHAPTER 204Nasa bahay naman nila ngayon si Mark at naghahanda na syang pumasok sa opisina dahil ngayon ang simula ng training nya sa kanilang kumpanya. Ipinasok na kasi sya ng kanyang ama roon dahil kailangan na rin nyang matuto sa paghawak ng kumpanya. Kagaya rin kasi ni Vin ay mula rin naman sa mayamang pamilya si Mark. Ang ama ni Vin na si Leonard at ang ama ni Mark na si Louie ay magkapatid. Hindi lamang talaga pinilit si Mark ng mga magulang nya na magtrabaho kaagad sa kanilang kumpanya pero ngayon ay kailangan na nga nyang magtrabaho rito dahil sya ang magiging tagapagmana neto. Dalawa lang kasi silang magkapatid ng kanyang ate Kendra. At dahil sya ang lalake ay sya ang hahalili sa kanilang ama."Ready ka na ba?" pormal na tanong ni Louie kay Mark ng makarating eto sa kanilang opisina. Napabuntong hininga naman si Mark dahil kahit ayaw nya sana sa trabaho na eto ay wala naman syang magagawa kundi tanggapin eto."Yes dad. I'm ready," sagot ni Mark. Tumango tango naman ang kanya
last updateHuling Na-update : 2024-07-01
Magbasa pa

Chapter 205

CHAPTER 205Pagsapit ng hapon ay agad na umalis ng kanilang kumpanya si Mark. Dumaan pa muna sya sa isang flower shop para ibili si Kate ng bulaklak. Pagkarating ni Mark sa eskwelahan kung saan nagtuturo si Kate ay agad na syang dumiretso sa faculty ng mga eto. Kumatok pa muna sya roon saka sya pinagbuksan ng isang kasamahan ni Kate roon."Sir pogi ikaw pala," nakangiti pa na sabi ng kasamahan ni Kate. " Ms. Kate andito si sir pogi," tawag naman neto kay Kate. Agad naman na napalingon si Kate sa pintuan at nakita nga nya si Mark doon kaya dali dali na syang lumapit dito."Mark ang aga mo naman yata. Tapos ka na ba sa trabaho mo sa opisina?," agad na sabi ni Kate rito."Oo natapos ko na lahat ng mga gawain ko sa opisina kaya umalis na rin ako kaagad para puntahan ka. Flowers nga pala," sagot ni Mark saka nya iniabot kay Kate ang bulaklak na binili nya bago sya pumunta roon."Salamat. Hindi ka na sana nag abala pa ng ganito," sagot ni Kate saka nya kinuha ang bulaklak na iniaabot ni Ma
last updateHuling Na-update : 2024-07-02
Magbasa pa

Chapter 206

CHAPTER 206Lumipas pa ang mga araw at madalas puntahan ni Mark si Kate sa school kung saan eto nagtuturo lalo na kapag lunch para makasabay nya etong kumain.. Madalas rin nga ay hatid sundo pa nya eto kahit na sinasaway na sya ni Kate dahil hindi naman na daw kailangan na ihatid at sunduin pa sya ng binata pero hindi nagpatinag si Mark at talagang madalas nya pa ring gawin iyon. Hinayaan na lamang din sya ni Kate kahit na parang nahihiya ang dalaga sa ginagawa ni Mark sa kanya."Kate nextweek nga pala ay aalis ako kaya baka hindi muna kita mahatid at sundo. May conference kasi akong dadaluhan sa Cebu at baka isang linggo ako roon,," pagpapaalam ni Mark kay Kate. Sya kasi ang padadaluhin ng kanyang ama sa gaganaping conference sa Cebu at isang linggo syang mag stay doon. Gusto nga sanang hindian ni Mark ang kanyang ama pero wala naman ibang pwedeng dumalo roon dahil busy ang kanyang ama."Okay lang naman Mark. Wala namang problema roon at isa pa ay para sa kumpanya nyo iyan kaya walan
last updateHuling Na-update : 2024-07-03
Magbasa pa

Chapter 207

CHAPTER 207Kinabukasan ay maagang umalis si Mark papuntang airport dahil ayaw nya namang maiwan sya ng eroplano. Nakapagpaalam na rin naman sya kay Kate kagabe at halos ayaw na nga nyang umalis sa bahay neto kagabe kung hindi pa sya pinilit ni Kate na umuwi na dahil gabing gabi na ay hindi pa sya uuwi. Ayaw nya kasi sana talagang pumunta ng Cebu pero no choice sya kundi ang sundin ang kanyang ama.Pagkarating ni Mark sa Cebu ay agad na syang dumiretso sa hotel na kanyang tutuluyan habang naroon sya sa Cebu. Nagpahinga lamang sya ng konti at kailangan na rin nya kaagad dumalo sa welcome party na gaganapin ngayong gabi.Pagkapasok pa lamang ni Mark sa venue ay sumalubong na sa kanya ang magarang lugar na pagdarausan noon. Napakarami na rin ng mga tao na halata mo na galing sa mga kilalang pamilya at mga negosyante. Napukaw naman ang atensyon ni Mark ng may magsalita sa tabi nya "Hi. Ikaw ba si Mark De Villa? Anak ni Mr. Louie De Villa?" tanong ng isang magandang babae kay Mark. Napati
last updateHuling Na-update : 2024-07-03
Magbasa pa

Chapter 208

CHAPTER 208Pagkapasok naman ni Mark sa kanyang silid ay agad na nyang kinuha ang kanyang phone para tawagan si Kate. Kanina pa kasi sya nababagot sa party na yun at gustong gusto na nyang bumalik sa room nya para matawagan na nya si Kate.Naka ilang ring lang din naman at agad ng sinagot ni Kate ang tawag ni Mark."Hello. Kumusta ka dyan?" agad na tanong ni Mark kay Kate ng sagutin neto ang videocall."Hahaha. Mark ano ka ba? Kanina ka lang umalis dito at kagabi ay halos ayaw mo ng umuwi pa. Makakumusta ka naman dyan akala mo e napakatagal mo akong hindi nakita," tatawa tawang sagot ni Kate mula sa kabilang linya."Tsk. Mas gusto ko na nariyan ako. Sana nga matapos kaagad to para makabalik na ako dyan," sagot ni Mark."Ikaw ang kumusta dyan? Kumain ka na ba?" tanong ni Kate rito."Oo kumain na ako kanina sa welcome party dahil may padinner naman doon," sagot ni Mark. "Ikaw kumain ka na ba?" balik tanong ni Mark sa dalaga."Kakain pa lang kami nila Myca at Colleen," sagot ni Kate. Nan
last updateHuling Na-update : 2024-07-04
Magbasa pa

Chapter 209

CHAPTER 209Kinabukasan naman ay maagang nagising si Mark dahil ngayong araw magsisumula ang conference nila. Nagulat pa sya ng paglabas nya ng room nya ay naroon si Cindy."Anong ginagawa mo r'yan?" tanong ni Mark kay Cindy. Agad naman na lumapit at nginitian ni Cindy si Mark."Ahm. Hinihintay ka para sabay na tayong pumunta roon," sagot ni Cindy. Tumango lamang naman si Mark saka sya naglakad. Sumunod naman sa kanya si Cindy.Pagakarating nila sa lugar kung saan gaganapin ang conference ay agad na tumabi si Cindy kay Mark. Hinayaan lang din naman ng binata eto."Mark pwede sabay na tayong mag lunch mamaya?" tanong ni Cindy kay Mark habang hindi pa nagsisimula ang conference nila."Sige" tipid na sagot ni Mark. Napangiti naman si Cindy dahil doon.Pagsapit ng lunch ay agad na silang nagpunta sa isang restaurant para kumain. Habang kumakain sila ay panay naman ang sulyap ni Cindy kay Mark. At minsan ay nahuhuli pa ni Mark na nakatitig sa kanya ang dalaga."May problema ba?" tanong ni
last updateHuling Na-update : 2024-07-04
Magbasa pa
PREV
1
...
1920212223
...
25
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status