Fifty million... huh, tingin niya makukuhanan niya ako ng fifty million?Sure, I’m rich! I mean... my parents are, pero hindi ako basta-basta maglulustay ng pera lalo na kung para sa kaniya.Naging normal ang routine ko sa bahay ni Isles. Sabay kaming papasok sa umaga. Idadaan niya ako sa university at saka siya didiretso sa law school niya. Hindi malayo pero hindi rin naman malapit ang university namin sa isa’t isa kaya bilib ako na siya pa ang nagpresinta na ihatid ako patungo sa eskwelahan.Acting too well as a bodyguard, huh? Mas mukha pa siyang bodyguard ko kaysa fiance dahil sa asta niya! Oh, well, gas niya naman iyon.Sa pag-uwi, nauuna ako sa kaniya madalas. Nagpapasundo na lang ako kay Alfred o kaya kay Kuya Bobs. Depende kung sino ang available sa kanila. Hindi na ako umaasa na susunduin ako ni Isles dahil baka mag-away lang din kami kapag ginawa niya iyon.Wala ngang nakakaalam na ibang bahay ang inuuwian ko ngayon. Just thinking about my friends finding out about it scares
Last Updated : 2024-02-08 Read more