MAAGA akong nagising kinabukasan dahil hindi ko alam kung anong meron sa baba ng bahay namin pero naririnig ko ang mga itong nagtatawanan at nag-uusap. Marahil ay sabay sabay na naman sila mama, papa, at Ate Lhayzel na mag-almusal ngayong umaga at napapasarap ang kanilang kuwentuhan."Mama, may almusal na po ba tayo— Xence?! Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga mo naman dito sa bahay!"Gulat na turan ko kay Xence dahil naabutan ko itong sumasabay sa pagkain ng almusal kila mama at papa. Nasa likod ko naman si Ate Lhayzel na kagigising lang din. Akala ko pa naman ay mas maaga itong nagising kaysa sa akin."Sabi mo sa akin kagabi, bumalik ako rito sa bahay niyo, hindi ba? Don't you remember?" Nakangusong sagot nito sa akin kaya naman napakamot ba lang ako sa kilay ko dahil sobrang aga pa para mabanas ako ngayon kay Xence. Ganoon ba talaga siya kadesperadong i-uwi na ako sa condo niya? "Bakit naman ang aga aga mo rito sa bahay? Wala pa nga yatang 6 am ngayon, oh." "Wala ka namang sina
Read more