"Tol....tol,. Intoy gising putcha gumising ka nga anak ng teteng" Pupungas pungas na gumising si Intoy."Oh bert ikaw pala, bakit anong atin?"Tanong ni Intoy sa kaibigang si Bert na humahangos pa."Tang'na tol yung tiyuhin mo nagwawala n naman sa labasan, Kahit anong pakiusap ng mga tanod ayaw sumunod, pati nga si Kapitan ayaw pakinggan eh magtatawag na daw ng pulis , kaya sinundo kita.Biglang balikwas ni Intoy sabay hablot ng tshirt na naka sampay sa alambre malapit sa may bintana."Anak ng, tara"At mabils na tinungo ng magkaibigan ang labasan, bagamat makipot ang iskinita ay mabilis na narating ni Intoy ang labasan.Sa may labasan ay kumpol ang mga tao.Kanya kanyang usisa kanya kanyang oponyon , kanya kanyang paraan para mapanuod ang kaguluhan.Mas mahalagang makapanuod at makasagap ng balita kesa matakot sa sarilng kaligtasan.Eksenang kina bubwisitan ni Intoy."Pareng Ramon,maghunos dili ka , halikat pagusapan natin yan," awat ng isang baranggay tanod sa noon ay nag aamok na si Ramon
Huling Na-update : 2023-12-28 Magbasa pa