Sarap na sarap sina Logan at Timothy sa pagkain. Meron din kasing buffet kaya magsasawa ka talaga sa pagkain. Pati drinks, mapa-wine at hard liquor ay umaapaw. Hindi ka mauubusan. Humalukipkip si Lara at pinagmasdan ang dalawa. "Seriously, guys? Para kayong mga patay gutom diyan sa ginagawa niyo. Tingnan niyo, oh. Naka-ilang plato na kayo."Logan wiped the corners of his mouth before speaking. "Lara, my friend. Minsanan lang ang mga ganitong event na sobrang dami ng pagkain. Kaya sulitin na natin."Tumango si Timothy na puno ng pagkain ang bibig. "He's right. I'm sure na sa basurahan lang ang hantungan ng mga ito kapag hindi naubos. Why don't you eat as well? Conscious sa figure? Don't worry, Kaden will still love you even if you'll get fat."Napatawa si Logan sa sinabing iyon ni Timothy kaya sinamaan niya ng tingin ang dalawa.Kakasimula lang ng program. May mga kaparehang nagsasayaw sa malamyos na daniw ng musika. Nakita niya si Marissa na kinakausap ang bawat bisita sa mga lamesa.
Read more