"Wala ako sa apartment."I've been calling him since last night. Ni hindi nakatulog kakaisip sa librong dala ni Manang Karing. Hanggang ngayon namumula ang mga pisngi ko sa nabasa.Fine.Binasa ko.Unang page lang ng first chapter. I felt like a sinner, so I stop."Huh—""Brat, nasa Tarlac ako."Kalahati lang ng mukha niya ang nasa video call habang ang kalahati ay kita ang lugar. May iilang puno may mukhang bahay pero hindi bato at hindi rin kahoy. Basta built-in kahon."I know." Maliit akong nanguso.Halata namang nasa probinsya siya. Doon ko rin na-realize na hindi na siya mananatili sa siyudad, hindi siya mabubuhay kung mananatili lang siya sa maliit niyang apartment. Kailangan nga naman n'yang kumita at maghanapbuhay. Hindi na siya konektado sa pera ni Daddy.Bahagya akong nalungkot sa kaisipang kailangan na niyang magpagod para lang mabuhay. Ganoon din malamang ako kapag naka-graduate na. Hindi naman pwedeng lagi na lang umaasa sa magulang.Though the company is waiting for me,
Huling Na-update : 2023-12-20 Magbasa pa