Matulin ngang lumipas ang mga araw.Dumating ang sandaling pinakahihintay ng lahat, ang araw ng period ni Ali. Alam ng dalagang hinihintay ng mga hinayupak ang resulta. Bagamat hindi likas na gawain at hirap mag kunwari ay may naisip ang dalaga. Sa ganitong paraan ay makakaganti siya.Una baka pagnangyari ang nasa isip niya ay pauwiin na lamang siya.Kung dati ay takot siyang makulong ay hindi nga ngayon.Sa halos isang buwang hirap ng katawan at kalooban niya dito ang mapasok sa kulungan ay langit na kung tutuusin.Ikalawa, sa paraang iyon makakaganti naman siya sa malupet na magina. Kaya lalong ipinagdasal ni Ali na sana nga mabiyayaan sila ng anak ni Cody. Sanay sa mundo ng mga ganid at taong mga walang kaluluwa si Ali.Sa pagiging laman ng kalsada at sabungan ay natutuhan niya ang lahat ng uri ng laban sa mundo.At isang uri ng laban ang tumanim sa isipan ng dalaga. Ang labang patago at pailalim. Parang mga kristo ng sabungan na pailalim sumenyas kung dehado o llamado ang tari ng mano
Huling Na-update : 2023-12-30 Magbasa pa