Maganda ang pamumuhay sa probinsya lalo na’t may sariling bukid sina Tita, mga kamag-anak ng pamilyang Alonzo. ‘Yung berdeng kapaligiran, ‘yung mga gulay sa paligid, mga hayop at iba pa. Madalas ako rito sa duyan, sa ilalim ng mangga, at simula nauwi ako rito ay natahimik ang isip ko. Ngayon ay hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinapanood ko ang dalawang tao na pinakamahalaga sa buhay ko na nagtutumakbo sa field, nagsusumigaw sa tuwa at habang nagpapapawis dahil sa excitement.Akala ko magiging mahirap para sa akin ang maging isang single mother pero narito silang lahat para alalayan ako. Ang babait ng mga Alonzo at naramdaman ko ‘yon.“Nathalia, hold your brother!” Medyo malakas kong sabi dahil tumatakbo na si Nathaniel, ang bunso ko, sa putik malapit sa may palayan.Nathaniel ang pinangalanan ko dahil ‘yun ang gusto ni Kuya. Since mayroon siyang ‘Than’ sa pangalan niya ay sinundan ko na rin para parehas na kinuha namin ang mga second name namin para ipangalan sa mga anak ko. Na
Last Updated : 2024-10-07 Read more