“Saan ka naman pupunta?” Medyo nakakailang pero itinanong ko talaga ‘yon kay Julian. “Kahit saan.” Napangiwi ako’t kinurot ang braso niya. “Ouch! Para saan naman ‘yon. Ang sakit, ah.” “Hindi mo alam ang pupuntahan mo? Tapos ay mag-aaya ka na umalis, timang ka ba?” “Ang pagkakaalam ko ay hindi naman, baka ikaw ay oo.” Nagbibiro ba siya o natural niyang ekspresyon ‘yon? “Ewan ko nga sa ‘yo, tutal ay wala ka naman talagang balak na gawin, pumunta na lang tayo sa rooftop para naman mahanginan ‘yang utak mo. Pero bago ‘yon ay bumili muna tayong snacks, tara.” pag-aya ko sa kaniya. “Kanina lang parang ayaw mong magsalita o humarap sa akin, ngayon nagpapabili ka na ng snack?” “Oh, eh bakit ba? Nawala na ang pagkailang ko sa ‘yo bigla. Huwag mo na lang ipaalala.” “‘Yong paghalik mo sa ‘kin?” “Eh…” sinunggaban ko ang napakadaldal niyang bibig gamit ang aking kamay, kung malakas ako ay baka naitulak ko pa siya sa corridor. Masyadong maraming tao sa paligid, may isa lang n
Huling Na-update : 2023-12-30 Magbasa pa