SI Kei ay kasalukuyang inihahatid si Kate pabalik sa kanyang dormitoryo. Nagtataka siya kung bakit ito tahimik mula pa nang umalis sila sa party, at halatang pagod na pagod ito.Iniisip din niya kung paano ito na-lock sa loob ng pambabaeng comfort room. May mali. May nangyari, ngunit ayaw itong pag-usapan ni Kate.Ayaw namang pilitin ni Kei si Kate na magsalita. Hihintayin na lang niyang kusang sabihin nito ang nangyari, sa oras na handa na ito..."Salamat sa pagsundo at paghatid sa akin pauwi, Kei," biglang sabi ni Kate."Kate, hindi kita tatanungin kung anong nangyari ngayong gabi, pero gusto ko lang sabihin na talagang nagsisisi ako sa pag-iwan sa’yo mag-isa. At sayang, hindi man lang tayo nakapagsayaw… Sana hindi pa huli ang lahat para itanong ko ito, pero—maaari ba kitang isayaw?" biglang hiling ni Kei, sabay abot ng kamay kay Kate bilang imbitasyon sa isang sayaw."Ang ibig mong sabihin, dito?" tanong ni Kate, hindi makapaniwala habang nililibot ang paningin sa paligid.Sila lan
최신 업데이트 : 2025-03-18 더 보기