Baka dahil sa alak o baka guni-guni lang niya, pero parang may bahid ng pang-aasar sa tono ng boses ni Via.O baka mali lang ang narinig niya.Naputol ang pag-iisip ni Serena nang marinig niya ang boses ni Nigel."Ipapaalaga ko na lang ang anak natin sa yaya at tatawagan ko ang driver para ihatid sila pauwi. Sumama ka na muna sa grupo, susunod na lang ako," nakangiting sabi ni Nigel sa kanyang asawang si Brianna."Sige, babe. Mauna na kami," sagot ni Brianna."Kitakits mamaya, Nigel," sabi ni Paolo sabay tapik sa balikat ng kaibigan."Bilisan mo, Nigel. Marami pa kayong dapat pag-usapan," dagdag ni Via na may ngiti sa labi."Tama ka, Via. At marami ring tanong na kailangang masagot," sabi ni Paolo habang seryosong tinitigan si Serena."Tara na, guys!" yaya ni Brianna.Bago sumunod, nagdahilan si Serena. "Pupunta muna ako sa restroom. Mauna na kayo."Kailangan niya ng kaunting oras para makapag-isip.Sa ikalawang palapag ng restaurant, kung saan mas tahimik at kaunti ang mga tao, naupo
Last Updated : 2025-03-17 Read more