All Chapters of Trapped in Love: Chapter 241 - Chapter 250

364 Chapters

Kabanata 241 Maligayang Kaarawan

Sinundan ni Scott at Caroline si Paige sa upuan.Mag-uusap na sana sila ng makarinig sila ng mga tao na nabibigla.“Oh my goodness! Si Mr. Jordan at Mr. Pierce!”“Whoah! Iyon ba ang anak ni Mr. Jordan sa mga bisig niya? Ang cute niya!”Naramdaman ni Caroline na nanigas ang likod niya noong narinig niya ang mga boses sa entrance ng hall habang tulala.Pumasok si Evan sa banquet hall suot ang itim na custom made suit at hawak si Axel sa mga bisig niya.Isang grupo ng mga bodyguard ang nakasunod sa kanya at nahati sa dalawang grupo para bantayan ang magkabilang panig ng entrance.Nakita sa spotlight kung gaano kaelegante si Evan at pinalakas ang karisma niya.Ngunit, malamig ang mukha niya at mahirap lapitan, na naging dahilan para matakot ang lahat.Nagulat si Caroline. Humarap siya kay Paige. “Inimbitahan mo din ba siya?”Tinitigan ni Paige ng galit si Alex sa malayo at galit na sinabi, “Iyong p*tang si Pierce ang nag-imbita sa kanya! Taksil siya, gaganti ako sooner or later!”
Read more

Kabanata 242 Sigaw

Tumayo si Caroline habang hawak ang kanyang baso at tumango sa lahat. “Maraming salamat sa pagdalo ninyong lahat.”Itinaas niya ang kanyang baso at ininom ito ng isang bagsakan.Opisyal na nagsimula ang birthday party, at naging abala ang lahat sa pagkain.Dumating sina Liora at Tyler at hinatak si Axel para kumain ng masarap ng magkakasama.Hindi mabilang na mga empleyado ang nakipagtoast kay Caroline sa party.Gusto ni Scott na uminom para kay Caroline, pero nadistract siya sa injury ng lalakeng empleyado.Uminom si Caroline ng sunod-sunod, kumikinang ang mga labi niya dahil sa alak. Naakit si Evan sa kumikinang niyang mga mata na nakaupo sa tabi niyaUupo na sana si Caroline ng may dalawang babae na empleyado ang nakipagtoast.“Happy birthday, Ms. Shenton!”Hindi magawa ni Caroline na tumanggi, kaya naghanda siya para uminom muli. Noong itataas niya ang kanyang baso, may lalake na nagpakita sa harapan niya.Bago paa makakilos si Caroline, inubos na ni Evan ang inumin niya.
Read more

Kabanata 243 Baka Maging Malaking Problema Ito

Kinuha ni Paige ang braso ni Caroline noong bumalik siya sa banquet hall. “Sabihin mo ang opinyon mo, Carol. Hindi man lang ininom ng p*tang ito ang inumin niya. Tignan mo ang baso niya…”Bigla tumigil sa pagsasalita si Paige at gulat niyang tinignan ang kanyang mga labi. “Bakit namumula ang mga labi mo at namamaga, Carol?”Noong narinig iyon ni Alex, napatingin siya kay Evan. Inobserbahan niya ang basang mga labi ni Evan at napagtanto na hindi maganda ang ginagawa ng dalawa.Hindi natutuwang tinignan ni Caroline si Evan. Nakangisi siya at masaya. Galit niyang sinabi, “Siguradong allergic reaction ito.”“Ah, huwag ka ng uminom.”Hindi iyon binigyan pansin masyado ni Paige at nagpatuloy sa pagrereklamo tungkol kay Alex.Hindi nagtagal, natapos ang party.Tinulungan ni Caroline tumayo si Paige na tipsy na at inihanda na iuwi siya at ang mga bata.“Ihahatid na kita.”Dalawang boses ang narinig niya mula sa likod. Tumingin si Caroline at napansin na sabay na nagsalita si Evan at A
Read more

Kabanata 244 Protektahan Mo Ang Iyong Sarili

Matapos bumalik sa Bayview Villa, nagluto si Neil ng Funfetti pancakes para sa sarili niya at kay Caroline.Nilinisan at binihisan ni Caroline ang natutulog na mga bata sandali bago bumaba at naupo sa lamesa kasama si Neil.Sinabi ni Neil, “Carol, bakit nandoon si Evan kanina?”Naalala ni Caroline na sapilitan siyang hinalikan ni Evan sa banyo noong nagtanong si Neil.Sinabi niya, “Sinabi ni Alex kay Evan, kaya dumating siya at binigyan ako ng regalo na nagkakahalaga ng isang milyong dolyar bilang regalo.”Natawa si Neil. “Kilala talaga si Evan sa pagiging galante sa pag gastos ng pera niya.”Pinaglaruan ni Caroline ang pancake sa plato at sinabi, “Huwag mo ako asarin, Neil. Kaysa asarin ako, mag-isip ka na lang ng paraan kung paano mo siya haharapin sa susunod.”Nagtanong si Neil ng kaswal, “Ah? Sa tingin mo ba paano ko siya dapat kumprontahin?”Sinabi ni Caroline, “Mukhang relaxed ka. Kapag nalaman ni Evan na may ugnayan tayo pero wala siyang alam, siguradong pupuntahan ka ni
Read more

Kabanata 245 Bakit Mo Ginagalit

Umiyak si Caroline ng masagot ang tawag, “Neil! Kinuha ng ama ni Evan sina Ty at Lia!”Natulala si Neil. “Ama ni Evan?”Ikinuwento ni Caroline ang naganap kanina.“Anong gagawin ko, Neil? Madali para sa kanila ang malaman ang background ni Ty at Lia!”“Huwag ka magpanic, Caroline. Iisip ako ng paraan. Hintayin mo ang message ko!”Ibinaba niya ng nagmamadali ang tawag.Napaluhod sa sahig si Caroline. Takot na takot siya.Paano siyang makikipagkumpitensiya sa makapangyarihang mga Jordan?*Nagdamit si Neil at naghanda na tumungo sa Jordan Residence, pero natanggap niya ang tawag ni Evan bago siya umalis. Nakasimangot niyang sinagot ang tawag, “Ano iyon?”Nagtanong si Evan, “Nasaan ka?”“Ibaba ko na ito kung hindi mahalaga.”“Gusto kita makita para pag-usapan ang mga anak ni Caroline! Nasaan ka?”Pinigil ni Evan ang galit niya. Malinaw na nauubos na ang pasensiya niya.Kumalma si Neil at naisip na maaaring mabawi ni Evan ang mga bata!Ipinadala ni Neil ang lokasyon niya kay
Read more

Kabanata 246 Mapapansin Sooner or Later

Pinunasan ni Evan ang dugo sa labi niya at naging malamig ang kanyang ekspresyon. “Ang isa sa inyo ay kaibigan ko, habang ang isa ay ang babae na limang taong ko ng hinahanap!”Ngumisi si Evan, batid sa mapulang mga mata niya ang kaunting kalungkutan.“Sige. Magaling ang ginawa ninyong dalawa!” umatras siya at lumabas ng villa habang tense ang ekspresyon.Nasakal si Caroline habang pinapanood ang mag-isang pigura ni Evan.Bumuntong hininga si Reuben. “Ms. Shenton, maraming ininda na sakit si Mr. Jordan sa nakalipas na limang taon.”Sinundan niya si Evan matapos iyon sabihin.Yumuko si Caroline para itago ang lungkot niya. “Ganoon pa din siya. Masyadong tutok sa hindi pagkakaintindihan at hindi ako binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.” Inisip niya.“Carol…”Bumaluktot sa sakit ang mukha ni Neil habang unti-unti siyang umuupo sa sahig, hawak ang dibdib niya.Inayos ni Caroline ang sarili niya at tinulungan tumayo si Nei. “Tutulungan kita linisin ang mga sugat mo.”Tinulun
Read more

Kabanata 247 Nahihya Para Sa Iyo

Samantala, sa Jordan Residence.Nakahiga si Liora sa mga bisig ni Tyler, walang tigil sa pag-iyak.Sa kabaliktaran, sobrang kalmado ni Tyler na parang hindi siya limang taong gulang na bata.Natutuwa si Draco sa reaksyon ni Tlyer at napagdesisyunan na turuan si Tyler kung anak siya ni Evan.“Siguradong magiging makapangyarihan na tao ang batang ito paglaki niya!” inisip niya.Hindi maitago ni Draco ang tuwa niya sa bata. “Sabihin mo sa akin, bata. Sino ang ama mo?”Hinimas ni Tyler ang likod ni Liora at galit na tinignan si Draco. “May karapatan ako tumanggi na sagutin ang mga tanong mo. Puwede mo na naman imbestigahan kung gusto mo talaga.”“Whoa. Bernard, tignan mo ang bata. Ang tapang niya magsalita, huh?”Sabik na kinausap ni Draco ang butler niya na si Bernard Stone.Sumagot si Bernard, “Tama ka, sir. Kopya siya ni Master Evan.”Sumimangot si Tyler at inisip na paano siya naging kopya ni Evan kung mahal na mahal niya ang kanyang nanay.Natuwa si Draco. “Tawagin mo akong
Read more

Kabanata 248 Ihahatid Kita Doon

Iba ang ugali na ipinakita ni Liora habang kumakain sa hapunan kasama si Tyler at Draco, hindi siya gumawa ng gulo.Naguluhan si Draco sa mabilis na pagbabago ng ugali ni Liora.“Pagod ka na ba umiyak, Lia?” maalagang tanong ni Draco.Tumagilid ang ulo ni Lia habang nakatingin kay Draco. “Oo, pagod na ako umiyak, pero hindi ko maipapangako na hindi ako iiyak ulit.”Natulala si Draco. “Anong ibig mo sabihin?”Sinabi ni Liora, “Iiyak ako kapag hindi dumating si Axel. Hindi ako iiyak kapag nandito si Axel para makipaglaro.”Sinunod ni Liora ang utos ni Tyler na bigyan ng diin ang pag-uusap nila.Sinabi ni Draco, “Iyon lang ba? Gusto mo na pumunta si Axel para makipaglaro sa iyo?”Sumagot si Liora, “Oo, gusto ko si Axel.”Tinignan ni Draco ang oras at sinabi, “Mukhang gabi na para pumunta siya dito.”Agad na ngumuso si Liora, at naluha. “Hindi ko pa nga siya tinatawagan pero sinasabi mo na agad na hindi siya pupunta!”Sumakit ang ulo ni Draco sa pag-iyak ni Liora na tumagal ng b
Read more

Kabanata 249 Paano Natin Ito Pipigilan

“Hindi ko sila mga anak!” paliwanag ni Evan.Hinawakan ng mahigpit ni Liora ang kamay ni Tyler at mahinang sinabi, “Tignan mo, hindi lang masamang tao si Daddy pero mahina din ang isip!”Hindi nagsalita si Tyler, pero napaisip siya habang nakatitig sa mga labi ni Evan.Natulala si Draco. “So, nag-imbestiga ka na din, huh?”Sasagot sana si Evan ng tumawa si Draco. “Hindi ko lubos akalain na matalino ang tingin mo sa sarili mo! Kamukha mo si Tlyer pero ang sinasabi mo ay hindi mo siya anak?”Mukhang naiinis si Evan. “Anong klaseng pagkakamali maaaring magkaroon ang DNA test?”Humigop ng kape si Draco. “Hindi mahirap na linlangin tayo ng mga tao na natatakot makuha mula sa kanila ang kustodiya ng mga bata. Kaya, nagpabili ako ng DNA testing equipment para masiguro na tagapagmana sila ng pamilya natin!”“Kustodiya?” sumingkit ang mga mata ni Evan. “Maaari kayang may inupahan si Caroline para palitan ang resulta?” naisip niya.Posible na magawa niya ito dahil sa dami ng mga koneksyo
Read more

Kabanata 250 Sana Makita Kita Ulit

“May ibang mga paraan din. Puwede mo makasama si Evan,” sambit ni Neil.“Makikita ko na lang ba ang mga anak ko kapag naging kami ulit ni Evan?” napaisip siya.Pinilit ngumiti ni Caroline ng mapait, nahihirapan na kalimutan ang mga sama ng loob niya.*Sa sumunod na tanghali, binisita ni Alex si Evan sa MK. Ngumisi siya sa oras na pumasok siya at makita ang mukha ni Evan.“Evan, talagang bumaba ka sa lebel nila at nakipagaway? Sino ang mas malakas?” tanong ni Alex.Tinignan ni Evan si Alex. “Ang daldal mo.”Pinigil ni Alex ang ngiti niya at naupo sa sofa. “Hulaan ko! Uh… Si Neil ba ito?”Naging seryoso si Evan. “Okay lang sa akin na makipagkita sa ama mo para sabihin na masyado kang nababagot sa trabaho mo!”“Sinusubukan kita tulungan umisip ng plano. Tumigil ka na sa pagiging walang puso,” sambit ni Alex.Ngumisi si Evan. “Kailangan ba kita para umisip ng plano para sa akin?”Sinabi ni Alex, “Siyempre… hindi. Oo nga pala, maraming magandang kuwalidad na lalake sa paligid ni
Read more
PREV
1
...
2324252627
...
37
DMCA.com Protection Status