Home / Romance / GENUINE LOVE IN DECIET / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of GENUINE LOVE IN DECIET : Chapter 81 - Chapter 90

186 Chapters

Chapter 81: REVEALING THE TRUTH

Leeg ni Maxim ang puntirya ang lalaki. Napapikit na lang siya upang tanggapin ang kamatayan ngunit may bilang sumugod, mabilis na umatras ang lalaki. "Yun Xiao!" May humila sa braso niya at hinarap ng lalaking may axe ang atake ng lalaking biglang sumulpot. "Traitor!" galit na sigaw ng lalaking gustong pátáyin siya. Napanganga na lang siyang tumingin sa mga ito. "My bestfriend will remained alive," ani ng nanglitas sa kaniya. Claw ang waepon nito, naka-kabit sa dalawang braso at ang tutulis ng mga patalim na humaharang sa axe. "Shen'er!" nambabanta na sigaw ng lalaki. "Not him," banta naman ng naglitas sa kaniya at nagsimula muli ang laban ng dalawa. Anong nangyayari? Halata naman na magkasama ang mga ito pero naglalaban na. Hinawakan niya ang balikat niya at sinikap na makaalis. Hahabulin sana siya ng lalaking may axe pero humaharang ang may claw. Mahaba ang sugat niya sa balikat at dahil sa sakit nauubusan siya ng lakas. May mga nakasalubong pa siyang may mga baril, kaya ang
Read more

Chapter 82: BAD DREAM

Duguan na si Knox nasugatan na rin niya ang leader ng D'Arco. Pero mas mahina siya at tuloy-tuloy lang ang paglaban niya. "Just forfeit, Li Wei." Hawak-hawak nito ang braso na nasugatan niya ng malaki. "F-For my people...for my wife...for my child...no," rason naman niya at tumayo. "I won't forgive you." Braso, tagiliran, balikat, at hita ang mga sugat niya. Dumudulas na ang sahig na inaapakan niya dahil sa mga nagtutulo niyang dugo. Hinahatak na lang niya ang paa niya kapag naglalakad. "You so weak now, Li Wei. You cannot defeat your master." "You're the one who can't kill your student no matter how brutally you torture him. That's an insult," banat naman niya. "That's the way I kill, Li Wei. Slow, tragic, brutal. I'd rather you suffer before you dîe."Tumawa siya. "Reasons..." Tumitig siya rito, maya-maya umatake. Dumepensa ito at bagsak naman siya sa sahig dahil sa isang malaking slash ang binigay nito sa kaniya. Napatihaya siya sa sahig, at naghabol ng hininga dahil halos kak
Read more

Chapter 83: LEANING ON HER

Bumalik paloob ang sila nitong nakatitig pa sa kaniya na animo'y nilamon ng hiya. Pero maya-maya tumayo ito na parang bumalik ang tapang at nanumbat pa, "So ano bawal? Pinaghirapan ko naman ito ah. Kung hindi dahil sa akin mga maliliit lang nakuha niyo, baka nga ilang piraso lang." "Hoy Cai, wag na..." Lumabas si Clary na mas hiyang-hiya. Ramdam niya rin ang panunumbat nito parang siya pa nakaramdam ng hiya. Totoo naman kasi kuha nito lahat ang alimango. Nagpatunog siya ng dila, "May sinabi ba akong ganon?" Sinamaan siya nito ng tingin. Para itago rin ang epekto ng panunumbat tinaasan niya ito ng kilay. Binaliwala nito ang tawag ng kapatid at mas nakipagdakdakan pa sa kaniya, "Sabi mo kasi talent ng pusa eh.""Ano ba ang tawag sa ginagawa mo?" katwiran naman niya. "Hindi ba galawang pusa iyan? Dahan-dahan..." asar niya, inaaksyunan pa niya. "Nakatingkayad pa, tapos takam na takam." "So?" tumaas rin ang kilay nito. "So?" nag-cross siya ng mga braso. Bumusangot ito, nagpadyak pa n
Read more

Chapter 84: MORETTI SEARCH

Ngunit sa kabila ng paghihina ni Caitlin, nakuha pa rin nitong kumilos nang mabilis, napàígik ang lalaki ng pagbaon ng matulis na bagay sa binti nito. Napatingin roon si Keegan pati ang mga kasamang sundalo at nakita niyang may hawak na mahabang bagay si Caitlin. Tila stick na matulis ang dulo, at mabilis pa itong gumulong sabay palipad ng pamaypay.Humangin lang ito sa mukha ni Clary at muling gumamit ng wire rope ang lalaki at pumaibabaw ito. Natulala si Clary sa bilis na pangyayari at nanatili itong nakaluhod. "Clary!" Mabilis lumapit si Pvt. Logan Galvante at hinatak ang babae. Pumaibabaw rin si Caitlin, hirap na kumapit para mapapwesto sa sanga ng punong kahoy. Nagtutulo sa dugo ang likod nito at nag-aalala siya dahil nanghihina ito masyado. Ngunit ang lalaki ay nagdaramdam na rin ng sakit mas malala pa kompara sa kanina dahil nasugatan na rin ito ni Caitlin. Mas malalaki lang ang mga sugat ng babae."The ant is not always dominated by the lion's force, Master," ani pa ni Caitl
Read more

Chapter 85: DEFENSELESS

"Because, earlier today, a fighter jet crashed on this island at five o'clock in the morning..." Ang akala ni Keegan manlalaglag si PSC Sanchez, ngunit nagpatuloy ito sa pagsasalita, "...And we were attacked by an assassin searching for the twins like you say. His arrival stirred chaos, as he believed that twins were here. He killed one of us using his dagger. But when he realized that the area was clear, he run away with the speedboat approximately 20 minutes before your arrival." Nakahinga siya nang maluwag at saka lang niya naalala ang tungkol sa kasama nilang namatay. "What was the weapon of the assassin who attacked you?" "He used a metallic umbrella as a shield and wielded a sword and axe for attack," singit niya nang makaisip ng paliwanag. Nagkatinginan ang mga ito at muling humarap sa kaniya para makinig sa paliwanag niya. "Despite being wounded, he moved quick and fast as we fired bullets at him. He climbed the trees using something we cannot figure out what on his waist.
Read more

Chapter 86: FLIGHT TO THE NORTH

Sa labanan hindi maiiwasan ang may màmàmàtay, may masusugatan. Kung ang lider ay halos mag-agaw buhay, si Knox, ganoon din si Art, ganoon din ang ilan sa myembro ng Dreadblood and Moretti. Noong mga nakaraang araw puno ang facility ng mga pasyente na nasabugan. Ngayon na nasa Auckland na ang mga ito, napalitan naman ito ng mga tao nila Knox and Art. Nahuli si Chen Zhanghua or Shadow Phanter kung tawagin bilang leader ng D'Arco, nakawala naman si Marcus na anak nito. Nahuli rin ang ilan sa mga tao nito at kasalukuyang nasa kulungan ng Dreadblood, dalawa sa mga successor or apprentice ng Moretti ay kasalukuyang nasa kulungan ang babae, at ginagamot naman ang lalaki. Sugatan rin si Barth dulot ng pagsabog ng fighter jet nila. Agaw buhay si Kelvin dahil nahuli itong tumalon bago sumabog. Si Maxim, malaki ang sugat niya sa balikat, si Cassandra sa braso, tama ng bala. Si Marvi naman ama ni Maxim, may tama ng bala sa tagiliran at ang isa naman ay sa hita. Ang mga tao ng Dreadblood,
Read more

Chapter 87: DANGEROUS ENCOUNTER

Mas makikita nila sa itaas ang distansya ng mga isla. Masyadong malayo rin ngunit dahil may kakayahang lumipad nang mas mataas, makikita nila ang mga agwat ng isla sa ibaba. Pero sa ngayon isang isla ang makikita nila at may maliit sa dulo. Nagkukulay kahel na rin ang kalangitan, mga nasa ala-sais na rin kasi ng hapon. "Ilang isla na iyon?" tanong ni Jolo. Binilang naman niya sa kamay niya. "Tatlo," sagot niya."Tara, lapag tayo sa isang isla," aya ni Darwin. "Iyong medyo may malawak na patag." "Bakit?" tanong naman niya. "Gusto mo bang ilublob tayo nito sa tubig, kapag naubusan ng gatong?" paglinaw naman nito.Saka lang din niya narealize, nangangailangan din pala ng gatong ang helicopter. "Hindi ba abot isang araw ang gatong ng helicopter?""Dalawa hangang limang oras lang maximum duration ng gatong ng helicopter. Kailangan nating lumapag." "Langya Boss, tingnan mo iyong isla banda rito. Maraming barko," puna pa ni Jolo.Tiningnan naman niya ang tinutukoy nito. "Aba wahahe-sew
Read more

Chapter 88: LANDING

Habang nasa ere panay ang tingin ni Darwin kay Cassandra na dala-dala ang malaking bag. Mabigat ito at baka sa tubig ito maglanding, nag-aalala siya. Ngunit kalaunan napansin niyang sa buhangin ito makakaapak kaya nag-concentrate siya nang sa kaniya, ang masaklap nakita niyang hindi sa dalampasigan ang landing niya. Na-alanganin siya at dumiretso sa kakahuyan. "Hoy! Hoy! Hoy! Hooy!" Lumusot siya sa sa makapal ang na sanga ng mga dahon, ang masaklap pa ay sumabit siya sa taas at malayo ang makakapitan sa niya, malayo rin ang lupa, at wala siyang magagawa. "Anak ng—kung hari ka naman talaga ng kamalasan oh!" sikmat niya sa sarili at nagpatunog pa ng dila. Inuga niya ang pagkasabi niya para makababa. Kumukirot pa ang mga sugat niya kaya napámúrá siya nang malutong. Ngunit maya-maya nakarinig siya ng, 'ssh...' Pagtingin niya sa bandang taas niya nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ahas na bumababa na sa parachute niya papunta sa kaniya. "S-S-S-Shït! Cassandra! Ahas!" sigaw niya s
Read more

Chapter 89: FOUND THEM

Walang idea si Clary sa mga nangyayari. May biglang urgent report mula sa sergeant at nagsikilos agad ang mga sundalo. Kung ano man iyon hindi siya umalis sa tabi ni Caitlin na ngayon ay tulog at inaapoy ng lagnat. Pain reliever lang ang gamot na mayroon ang mga ito, wala silang para sa lagnat kaya awang-awa siya sa kapatid niya. Mabuti na lang, nilipat sila ng tent. Napunta sila sa tent ni Sarge, parang bahay kasi ang style nito at may kama sa loob na pinalobo lang. Naging komportable ang higa ni Caitlin kahit papaano. Maya-maya nakarinig siya ng mga putukan, hindi niya maiwasang kabahan. Kaya niyang umaktong matapang pero mukhang naubos na yata iyon sa katawan niya at bawat putok ng baril ang maririnig niya pakiramdam niya may mga kalaban na dumating. Hindi naman kasi posible iyon dahil nasa kabilang isla lang ang D'Arco, anytime gustuhin man ni Marcus na umatake magagawa nito. Pati si PSC Sanchez na naiwan para sa kanila ay napatayo sa gitna hawak ang mahabang armas. Napatanong
Read more

Chapter 90: HOLY WATER

"Magpalit ka nga ng damit," ani ni Cassandra, nang mapansing madungis siya wala pang kasuklay-suklay ang buhok. Damit ni SPC ang suot niya. Si Caitlin naman damit ni Sarge ang suot, maluwag nga ang short nito kasi kay Sarge rin. Ang tsinelas na suot niya, extra ni Logan, suot naman ni Caitlin ang extra ni Sarge. Pero ngayon dinalhan sila ng tigdadalawang pares ni Cassandra na mga damit, t-shirt, short at mga undergarments. Nakalagay sa parang bottle na style na bag ang bawat set ng damit para magkasya sa malaking bag nito kung saan doon din galing ang mga pagkain. Anim na ganoong bag ang laman ng malaking bag na iyon. "Dala mo iyan habang nasa parachute ka?" tanong niya rito habang nilalabas pa ng ilan sa mga laman noon. May toothbrush, suklay, shampoo, sabon...Sumagot naman ito, "Alam ko kasi na mahahanap ko kayo, at hindi ako nag-expect na kumpleto kayo sa gamit.""Oum. Swerte ng mga tumakas mula sa kwarto na may tsinelas," ani naman ni Caitlin, mahina pa pero nakikipagbiruan na
Read more
PREV
1
...
7891011
...
19
DMCA.com Protection Status