Home / Urban / Realistic / Living With My Lady Boss / Chapter 361 - Chapter 370

All Chapters of Living With My Lady Boss: Chapter 361 - Chapter 370

439 Chapters

Kabanata 361

Takot na takot si Tenson. Hindi siya makapaniwala na kilala ni Wilbur ang clan leader niya at na ang clan leader niya ay may mataas na respeto rin kay Wilbur.Klaro kay Tenson na mula sa tono ni Sam na hindi isang ordinaryong tao si Wilbur. Ang clan leader niya ay siguradong wala ring laban kay Wilbur, lalo na ang tawagin si Wilbur na isang ‘senior’.Ngunit, paanong kilala ni Sam at Wilbur ang isa’t isa? Bukod pa dito, mayroon silang clan elder na isang Sanctuary level cultivator! Paano nagawa ng cultivator na yun na pumayag na tawagin ni Sam si Wilbur ng ganun?Pakiramdam ni Tenson na para bang lumubog sa kadiliman ang puso niya, ayaw niya pa rin sumuko habang sinigaw niya, “Master Sam, wala po akong ginawa kundi ibuhos ang puso’t kaluluwa ko sa pag suporta ng pinansyal sa Anne clan! Hindi niyo po ito pwedeng gawin sa akin! Sabihin niyo po kay Elder Weston na pumunta sa telepono, papatayin ko po ang lalaking ito!”“Walang hiya ka, Tenson!”Nahulaan na ni Sam ang nangyari bago sa
Read more

Kabanata 362

Suminghal si Sam at inutusan niya na dalhin agad si Tenson sa Anne Village at palitan na siya ng iba.Pagkatapos ay humingi ng tawad si Sam sa may ari ng cafe. Binayaran niya ang lahat ng nasira at nagdagdag siya ng malaking halaga ng pera bago siya nangako na hindi na ito mauulit.Tumitig ng blanko ang may ari ng cafe sa one hundred thousand dollar sa account niya.Ang cafe ay wala man lang halaga na one hundred thousand dollars. Ano ang nangyari?Sa huli, huminga siya ng malalim habang naalala niya ang mga salitang sinabi ni Wilbur kanina.Isang bukod tanging tao siguro si Wilbur.…Gabi na sa oras na bumalik sina Wilbur at Skyler sa Sealake Island.Ang unang inasikaso ni Wilbur noong bumalik siya ay ang humanap ng isang empty space sa bamboo forest. Pagkatapos ay nilabas niya ang lupa na may spirit sap mula sa demiplane niya at nilagay niya ito sa empty space, ang flame tree at ang spirit sap ay nasa gitna.Ang spirit sap ay perpekto ang pagka preserve, mabagal itong napunt
Read more

Kabanata 363

Kumunot ang noo ni Wilbur, “Habang ang spirit sap at ang mga halamaing ito ay maglalabas ng spirit aura, sa huli ay mapapansin ito ng iba, at hindi ito maganda.”Tumango ang lahat. Magiging mahirap na manatili ang kapayapaan dito kapag ang kahit sino ay nakaalam ang tungkol sa isang nakapagandang bagay.Nagpatuloy si Wilbur, “Kaya, kailangan ko ng bagay na gagawa ng formation na magsisilya ng spirit aura dito. Sa ganun, ang spirit ayra ay mas lalakas lang dito at hindi ito mapapanasin ng kahit sinong nasa labas.”“Magandang ideya yun!” Tumango ang lahat.“Pero, kailangan ko ng matigas na materyal para gumawa ng formation na ito. Kailangan ay may sapat na tigas ito para kayanin ang spirit energy ng spells na iuukit ko doon. Maghanap kayo ng mga ganung bagay,” Ang sabi ni Wilbur.Kumunot ang noo ni Faron. “Ano ang hahanapin natin?”“Baka isang bagay na tulad ng ancient jade, ang uri ng jade na umabot ng higit sa isang libong taon,” Ang sabi ni Wilbur.Nabigla agad ang lahat. Paano
Read more

Kabanata 364

“Kilala ko ang mga taong yun. Baka nga hindi nila ako hinahanap ngayon, pero sigurado ako na may taong papatay sa akin sa oras na lumabas ako ng Seechertown,” Ang sabi ni Getridge.Ngumiti si Wilbur. “Problema mo yun. Wag ka na lang gumawa ng gulo, kung hindi ay makakatikim ka.”“Syempre! Isa na akong mamamayan na sumusunod sa batas ngayon. May trabaho na rin ako,” Ang sabi ni Getridge.Tumitig si Wilbur kay Getridge. Ang isang top-grade assassin ay naghahanap ng trabaho?Napansin ni Getridge ang tingin ni Wilbur at nagkibit balikat siya. “Ano? Wala akong pera, dude. Sanay akong gumastos ng lahat ng pera na meron ako. Wala akong savings.”Umiling si Wilbur at bumalik siya sa pagkain. Ginawa din ito ni Getridge.Pagkatapos kumain ni Wilbur, tumayo siya para magbayad. Tinawag siya ni Getridge, tumingin ito sa kanya ng nakakaawa. “Pwede ka rin ba magbayad para sa akin? Kakasimula ko lang mag trabaho, kaya hindi ko pa nakukuha ang sahod ko.”“Walang hiya,” Ang sabi ni Wilbur, ngunit
Read more

Kabanata 365

“Hoy, mag ingat ka sa tono mo,” Ang sabi ng may ari ng shop, halatang hindi siya natutuwa.Tumawa ang lalaki. “Pre, kung magbabayad ka ng ganung kalaking halaga para sa isang Goldmoon, marami akong ganun sa bahay.”Tumigil si Wilbur. Masyadong maganda ito para magkatotoo.“May Goldmoon ka ba talaga, sir?” Naghihinala pa rin si Wilbur. Tutal, ang antique industry ay puno ng mga scammer.Tumawa ang lalaki, tumingin siya ng nanunuya kay Wilbur. “Ang pamilya ko ay nasa mining industry. Naghukay kami ng higit sa fifty tons nito noong nakaraang kalahating taon. Nasa minahan pa ang mga ito.”Higit sa fifty tons?Tuwang tuwa si Wilbur. Ang thirty tons ng Goldmoon ay higit sa sapat para gumawa ng isang formation. Baka nga sapat pa ito para gumawa ng armas.Binigyan niya ng sigarilyo ang lalaki, ngumiti siya. “Kukunin ko ang lahat ng yun! Pwede mo akong singilin base lang sa batong ito, ano sa tingin mo?”“Uhm, sige. Hindi rin naman namin magagamit yun,” Ang mayabang na sabi ng lalaki.
Read more

Kabanata 366

“Ano?” Hindi makapaniwala si Wilbur sa kanyang naririnig. Sino ang may lakas ng loob para magnakaw ng basta basta sa panahong ito?”“Sino ang nagnakaw, at bakit?” Ang tanong ni Wilbur.Sumagot ng mabilis si Wallace, “Ano ang punto para sabihin ko ito sayo? Kailangan ko umuwi ngayon. Sinaktan ang tatay ko.”Nag isip ng ilang sandali si Wilbur. Ang kahit sinong may kakayahan na magbukas ng isang mine ay siguradong mayaman. Paano sila nabugbog ng basta basta? Siguradong may iba pang nangyari dito.Agad na sinabi ni Wilbur, “Hayaan mo akong sumama pabalik. Baka makatulong ako.”“Ano naman ang magagawa mo para tumulong? Pakiusap, lumayo ka na.” Tumalikod si Wallace para umalis ulit.Ngunit pinigilan ulit ni Wilbur si Wallace. “Sa totoo lang, kailangan ko talaga ang Goldmoon ngayon. Bukod pa dito, nasaktan ang dad mo, at ang pamilya mo ay ninakawan. Sigurado ako na kung sinuman ang gumawa nito ay makapangyarihan.”Tumitig si Wallace kay Wilbur, at alam ni Wilbur na tama ang hula niya.
Read more

Kabanata 367

Nagbuntong hininga si Wilbur. Kung ang mga Weiss ay mga cultivator talaga, walang magagawa ang mga normal na manlalaban.Bukod pa dito, ang Weiss clan ay matagal na panahon nang nakatayo. Siguradong may mga pwersa sila sa Taya City, kung hindi ay hindi sila gagawa ng ganung bagay.Mayaman ang pamilya ni Wallace, ngunit ang lahat ng pera nila ay mula sa pagmimina. Wala sila kumpara sa Weiss clan.Tulad ng mga clan nila Matt at Gerard, pati na rin ang Owens clan noon, walang kahit sino sa Seechertown maliban kay Wilbur ang kayang tumalo sa kanila.Interesado talaga si Wilbur sa Goldmoon. Susubukan niyang makipag usap para makuha ito, at kapag hindi ito gumana, wala siyang problema para gumamit ng ibang paraan.Pagkatapos, dumating na sila sa Taya City ng sumunod na hapon.Tumawag si Wallace sa tatay niya sa oras na umalis na sila sa highway, ngunit lalong naging madilim ang ekspresyon niya pagkatapos ng call. “Hindi ako pinayagan ng dad ko na maging parte nito. Pinilit niya na magp
Read more

Kabanata 368

Hindi nagtagal, ang kotse ay dumating sa Giftgather Villa. Sina Wilbur at Wallace ay lumabas at sinabi nila na maghintay si Wendy sa kotse.Gayunpaman, pinilit ni Wendy na sumunod sa kanila sa loob.Sinubukang kumbinsihin ni Wallace si Wendy na bumalik. “Wendy, mapanganib talaga ito. Pakiusap, makinig ka sa akin at wag kang pumasok.”“Hindi. Sasama ako sayo. Imposible na magtatago lang ako sa kotse habang may nangyayari sa pamilya mo,” Ang sabi ni Wendy.Kumunot ang noo ni Wilbur. Kung ang babaeng ito ay walang ibang motibo, matatag talaga siya.Hindi kayang makipagtalo ni Wallace kay Wendy at wala siyang magawa kundi ang isama ito.Tumawa si Wilbur. Mukhang mahal talaga ni Wallace si Wendy. Posible pala na ang anak ng isang billionaire family ay hahayaan ang sarili na utus-utusan ng isang babae.Dumating silang tatlo sa entrance ng villa at pinigilan sila ng mga guard.Agad na sinabi ni Wallace, “Ako si Wallace Lester. Nandito ako para sa negosasyon kasama ang tatay ko.”“Ano
Read more

Kabanata 369

Nagbuntong hininga si Chad. “Umupo ka na lang at tumahimik ka.”Ayaw niyang mapahiya pa lalo ang anak niya.Galit si Wallace, ngunit wala siyang sinabi habang umupo siya ng malapit sa tatay niya kasama sina Wilbur at Wendy.Sa sandaling yun, sinabi ni Chad sa elder,”Pasensya na po, Elder Yale. Bata pa po ang anak ko. Pakiusap, wag niyo po itong isapuso.”Ang elder ay walang iba kundi si Yohan Yale, ang isa sa mga boss ng underground circle sa Taya City noon.Ngumiti si Yohan. “Tama. Tutal, isa siyang bata.”Si Wallace ay nasa kanyang twenties, at totoo na isa siyang bata para sa mga matandang lalaking ito.Nagbuntong hininga si Chad. Ginawa niya ang mining business mula sa wala at alam niya na ngayon gabi ay isang malaking problema. Ito ang rason kung bakit pinigilan niya ang anak niya sa pag uwi nito.Ngunit ayaw makinig ni Wallace kay Chad at nagpakita pa si Wallace dito. Ano ang gagawin ni Chad kapag may nangyari?Para naman sa sinasabing expert na dinala ni Wallace, ayaw n
Read more

Kabanata 370

“Mr. Lester, wag po kayong magalit. Kakausapin ko po si Wallace,” Sumingit si Wendy nang mapansin ang galit ni Chad.Walang lakas ng loob si Chad na magpatuloy sa pag sigaw sa harap ng magiging manugang niya, kaya umupo siya at nagbuntong hininga. “Wallace, maging mabait ka kay Wendy. Mas matalino siya sayo, at mas magaan ang loob ko kung tinulungan ka niya.”Tumango lang si Wallace.Gayunpaman, napansin ni Wilbur ang pahiwatig sa mga salita ni Chad. Ito ay para bang pinapahiwatig niya ang pagpasa ng legacy niya.Pinili siguro ni Chad ang manugang niya para tumulong sa walang kwentang anak niya, at nirerespeto niya siguro si Wendy.Sinabi ni Wilbur, “Mr. Lester, wag kang magalit. Ang ugali ay isang maliit na bagay na malaki ang epekto. Mas mataas ang chansa mo manalo kung kalmado ka.”“Wow, tingnan mo si Mr. Quotes dito!” Ngumisi si Yohan kay Wilbur. “Hinahayaan lang kita na umupo dito dahil kay Mr. Lester, kaya tumahimik ka. Ang Giftgather Villa ko ay hindi bukas para sa kahit s
Read more
PREV
1
...
3536373839
...
44
DMCA.com Protection Status