Nagbuntong hininga si Chad. “Umupo ka na lang at tumahimik ka.”Ayaw niyang mapahiya pa lalo ang anak niya.Galit si Wallace, ngunit wala siyang sinabi habang umupo siya ng malapit sa tatay niya kasama sina Wilbur at Wendy.Sa sandaling yun, sinabi ni Chad sa elder,”Pasensya na po, Elder Yale. Bata pa po ang anak ko. Pakiusap, wag niyo po itong isapuso.”Ang elder ay walang iba kundi si Yohan Yale, ang isa sa mga boss ng underground circle sa Taya City noon.Ngumiti si Yohan. “Tama. Tutal, isa siyang bata.”Si Wallace ay nasa kanyang twenties, at totoo na isa siyang bata para sa mga matandang lalaking ito.Nagbuntong hininga si Chad. Ginawa niya ang mining business mula sa wala at alam niya na ngayon gabi ay isang malaking problema. Ito ang rason kung bakit pinigilan niya ang anak niya sa pag uwi nito.Ngunit ayaw makinig ni Wallace kay Chad at nagpakita pa si Wallace dito. Ano ang gagawin ni Chad kapag may nangyari?Para naman sa sinasabing expert na dinala ni Wallace, ayaw n
“Mr. Lester, wag po kayong magalit. Kakausapin ko po si Wallace,” Sumingit si Wendy nang mapansin ang galit ni Chad.Walang lakas ng loob si Chad na magpatuloy sa pag sigaw sa harap ng magiging manugang niya, kaya umupo siya at nagbuntong hininga. “Wallace, maging mabait ka kay Wendy. Mas matalino siya sayo, at mas magaan ang loob ko kung tinulungan ka niya.”Tumango lang si Wallace.Gayunpaman, napansin ni Wilbur ang pahiwatig sa mga salita ni Chad. Ito ay para bang pinapahiwatig niya ang pagpasa ng legacy niya.Pinili siguro ni Chad ang manugang niya para tumulong sa walang kwentang anak niya, at nirerespeto niya siguro si Wendy.Sinabi ni Wilbur, “Mr. Lester, wag kang magalit. Ang ugali ay isang maliit na bagay na malaki ang epekto. Mas mataas ang chansa mo manalo kung kalmado ka.”“Wow, tingnan mo si Mr. Quotes dito!” Ngumisi si Yohan kay Wilbur. “Hinahayaan lang kita na umupo dito dahil kay Mr. Lester, kaya tumahimik ka. Ang Giftgather Villa ko ay hindi bukas para sa kahit s
Ano ang 30 million at 50 million dollars kumpara sa 1.2 billion?Tumawa ng malakas si Butler Weiss. “Syempre! Dahil nagsalita na si Elder Yale, sino naman ako para tumanggi dito? Maglalagay pa ako ng karagdagang twenty million dollars.”Hindi na nagsalita si Yohan. Pagkatapos ay pumikit siya at nagsimulang mag meditate.Mabait si Shane at puno ng ngiti na tulad ng kanina, ngunit galit na galit si Chad.Napagtanto niya na ngayon na ang Weiss clan ay malamang na kasabwat si Yohan sa simula pa lang, at kumikilos lang sila na tulad ng plano nila.Gayunpaman, naghanda si Chad. Huminga siya ng malalim at sinabi niya, “Kalokohan ito. Sa tingin ko ay walang mararating ang negosasyon. Magkita na lang tayo sa korte.”“Sa korte?” Tumawa si Shane. “Sige. Si Barney Weiss ay isang miyembro ng legal judiciary system. Hindi makapangyarihan ang posisyon niya, pero nagkataon lang na siya ang namumuno sa pag supervise ng mining industry. Magkita na lang tayo sa korte.”Hindi mapigilan ni Wilbur na
“Kakausapin kita sa kahit anong paraan na gusto ko! Ano ang gagawin mo?”Habang nagsasalita si Colin, may aura na lumabas at ang mga kamay niya ay umilaw.“Aura level, huh?” Tumawa si Shane. “Nakakatawa na sa tingin mo ay may mararating ka sa ganyang klase ng kapangyarihan.”Galit na galit si Colin. Gumawa siya ng pangalan habang nililibot ang mundo gamit ang bulletproof na mga kamay niya at hindi pa siya napahiya ng ganito.“Magbabayad ka gamit ang buhay mo!” Binuksan ni Colin ang mga palad niya, inatake niya ang mga ito sa direksyon ni Shane ng may malupit na atake.Ang atake na yun ay puno ng aura at kapangyarihan, sapat ang lakas nito para humiwa ng metal.Gayunpaman, tumabi lang si Shane para iwasan ang atake ni Colin.Hindi tumama ang atake ni Colin, ngunit ang pinto na inuupuan ni Shane ay nasira. Ang tanging naiwan ay ang malaking handprint sa sahig.Klaro na makapangyarihan din si Colin.Gayunpaman, tumawa lang si Shane, gumawa siya ng seal sa mga kamay niya.Tumalik
Nabigla ang lahat nang mapansin ang energy. Sina Chad at ang iba ay gumaan ang loob, at kahit si Yohan ay dumilat para tumingin kay Toshi. Dumilim ang ekspresyon ni Shane, naging seryoso na siya.Ngumiti si Wilbur kay Toshi. Ang lalaking yun ay mukhang makapangyarihan, ngunit sayang at peak Aura level lang siya.Walang sinabi si Toshi habang lumapit siya kay Shane. Agad na ang cast ng isa pang spell si Shane.May malakas na wave ng aura mula kay Toshi habang sumugod siya kay Shane, tinaas niya ang mga kamao niya na umiilaw ng may aura niya.“Sakto ang dating.”Tila naging seryoso si Shane, ngunit hindi siya susuko. Sumigaw siya, nagdala siya ng tatlong fireball papunta kay Toshi.Ito ang atake na tumalo kay Colin.Gayunpaman, sumigaw ng malakas si Toshi, umatake siya ng sunod sunod gamit ang mga kamao niya, nasira agad ang tatlong fireball at naging mga spirit energy na lang ito sa kwarto.Nagpatuloy si Toshi sa pagsugod kay Shane ng may maraming pwersa. Ang matangkad at maskul
Ang mga spell ay kailangan ng mga chant o mga seal, at ang ilan sa makapangyarihang spell ay kailangan ng pareho.Base sa distansya ni Shane at Toshi, pati na rin ang bilis ni Toshi, walang oras si Shane para mag cast ng kahit anong spell.Masayang masaya si Chad. Mukhang tama lang na gumastos siya sa pag hire kay Toshi, at babagsak si Shane.Nabigla din si Yohan, hindi siya makapaniwala na may sapat na kapangyarihan si Toshi para harapin ang isang atake na tulad ng Infernal Arrow.Ang kamao ni Toshi ay nasa ere, umatake siya kay Shane.Sa katawan ni Shane, ang atake ni Toshi ay sapat na para durugin siya ng walang chansa na mabuhay.Sumigaw agad si Yohan, “Tigil!”Gayunpaman, huli na ang lahat para pigilan ni Toshi ang atake, at wala siyang intensyon na makinig din kay Yohan. Ang atake ay dumating ng mabilis at malakas.Sa huling sandali, may inabot si Shane sa mga bulsa niya at nilabas niya ang isang maliit na scroll. Binuksan niya ito, at may wave ng apoy na lumipad papunta
Sina Wallace at Wendy ay tinulungan si Chad papunta sa pinakamalapit na upuan habang takot.Sa sandaling yun, doon niya lang napagtanto na nasa mapanganib na sitwasyon siya, at ang mga tao na tulad nila ay buhay pa rin.Huminga ng malalim si Chad at lumingon siya para tumingin kay Yohan bilang huling pag asa. “Elder Yal, kayo ang pinaka nirerespetong tao sa Taya City, at kayo ang huling pag asa ko. Pakiusap, magsalita kayo. Pumayag na akong isuko ang minahan. Hindi ba’t sobra na ang kunin ang lahat ng minahan?”Alam ni Chad na lasanwat mo Yohan ang Weiss clan.Gayunpaman, ito ang huling pag asa niya, at umaasa siya na ipagtanggol siya ni Yohan upang hindi mawala sa kanya ang lahat.Gayunpaman, nagbuntong hininga si Yohan. “Chad, klaro kung sino ang nakakalamang dito. Mas mabuti na ang pumayag ka kaysa ang mawala ang buhay mo.”Umubo ulit ng dugo si Chad dahil sa sinabi ni Yohan, naubos na ang lahat ng pag asa.Ano pa ba ang magagawa niya? Mamamatay rin ba siya dito?Sa sandalin
Nabunyag ng mga salita ni Wilbur ang tunay na intensyon ni Yohan at namula ang mukha ni Yohan habang tumuro siya ng galit kay Wilbur.Ngunit bago pa makapagsalita si Yohan, sumingit ulit si Wilbur, “Kung ako sayo, tatakbo ako papunta sa isa sa mga poste dito at mamatay sa pagbangga. Isa kang sakim kahit na matanda ka na. Bakit mo kailangan ang pera? Ito ay para isama mo ang kumpanya mo sa bangkay?”“Ikaw!” Sumabog sa galit si Yohan sa mga sinabi ni Wilbur, halos umubo siya ng dugo habang ang kamay niya na nakaturo kay Wilbur ay nanginig.Tumawa si Wilbur, lumingon siya kay Shane. “At Ikaw! Parang isang bantay na aso ka lang, tumatahol dahil lang may makapangyarihan kang amo! Binali ko na sana ang mga binti mo kung nagtrabaho ka para sa akin at itatapon ko ito sa lawa sa halip na hayaan kang lumabas, salita ng salita sa iba ng ganito.”Nilagay ni Wilbur ang mga kamay niya sa likod niya nang matapos na siya, tumingin siya sa paligid ng hall.Napaupo si Chad sa upuan niya at wala siy
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf