All Chapters of WILD NIGHT WITH MY ALLURING SUPERIOR: Chapter 61 - Chapter 70

78 Chapters

CHAPTER 61

Ednalyn “Daddy sabihin mo po kay Lolo Emilio, I miss him na,” pahabol ni Soibeh, dumikit sa pisngi ko upang marinig ng ama niya. Mabuti nga hindi ko pa tuluyang ibinaba ang tawag kay Everette, kaya nakausap pa nito ang kaniya Daddy. “Gusto mo siyang makausap, baby?” saad ni Everette. “Really po Daddy? Yes, yes, please,” sabi nito sa ama akala mo nakikita ni Everette kung ito'y makapalpak. “Ikaw na ang humawak, ‘nak, para makausap mo ng maayos ang Lolo mo. Kumustahin mo rin si Tito mo ha? Kambal ni Daddy mo, at Lolo Lucio,” ani ko pa sa kaniya pagkatapos ay ni loudspeaker ko pa upang pareho ni Tobias marinig ng hindi na kailangan idinikit sa tainga.Napangiti ako’t tuluyang ipinaubaya sa kaniya ang phone ko. Nagkasya na lang akong panoorin ang kadaldalan nito. “Thank you po Mommy,” aniya pagkatapos sumandal pa sa upuan at nakaunat pa ang parehong mga binti.Akala mo naman ay matanda na itong Soibeh ko, kung umasta. Kasi patango-tango at minsan nakangiti habang kausap ang amang nas
last updateLast Updated : 2024-08-02
Read more

CHAPTER 62

EdnalynNang mabili ni Tobias at Soibeh ang gusto nilang toys. Sa department store muna kami nagtungo. Iyon nga si Nanay Erna, nagulat at siya raw pala ang ipagsa-shopping ko. Mahigpit pa nga tumanggi, para na lang daw sa apo niya ang unahin at ayos lang naman daw na wala siya. Kasi lang, tatlo kaming nag kumbinsi sa kaniya hindi siya nanalo.“Lola, look at this so cute po,” saad ng kararating na si Soibeh may dalang duster pinakikita sa Nanay Erna.“Naku hindi na apo. Marami na itong binili ni Mommy mo,”“Kunin mo na ‘nay Erna, kaya pa po ng budget ko,” ani ko sa kaniya.“H'wag po kayo mag-alala Lola. May work naman po si Mommy. Meron po siyang budget sa shopping,” segundang saad ni Soibeh.“Ikaw rin Happy, kuha ka ng gusto mo akong bahala magbayad,”“Hala! Ayos lang ako Ma'am Ednalyn—”“Sige na! Minsan lang naman kita ilibre ‘wag ka ng tumanggi,”May inginuso akong terno macarena short at bodyfit blouse. Tingin ko bagay iyo kay Happy, hinila ko siya roon.“Ito tingnan mo, Happy. Ang
last updateLast Updated : 2024-08-02
Read more

CHAPTER 63

Ednalyn “Halika nga ritong babae ka!” malamig ang boses na saad ko kay Lucinda, sabay sabunot dito. “Help! Please help me,” sigaw nito kaya lalo akong nainis, hinila ko ito sa buhok niya. Sabay malakas kong sinapak sa mukha niya kaya halos nagliliyab ang mata nito tumingin sa akin.Gustong gumanti subalit hindi ako nagpalupig naging maagap ako. Pininid ko ng mahigpit ang magkabila niyang braso sa likuran niya. Dumaing ito sa sakit ngunit wala akong pakialam sa kaniya dahil nabalot na ako ng gigil sa baluktot nitong pagiisip.Damn! Hindi na kailangan komprontahin kung siya ang meron kagagawan sa pagpasabog sa kotse namin dahil kanina pa ito salita nang salita sa sobrang katuwaan.Naabutan kong baliw na tumatawa habang pinanood ang pagsabog ng sasakyan namin. May kasama pang palakpak dahil nga umpisa pa raw ng kaniyang pananakot may kasunod pa.Nakuhaaan ko ng video dahil paulit-ulit itong salita nang salita sakto rin humarap kaya wala na talagang kawala si Lucinda.Akala niya papay
last updateLast Updated : 2024-08-02
Read more

CHAPTER 64

Ednalyn“Mommy!” masayang sambit ng dalawa kong anak pagpasok ko pa lang sa loob ng kotse ni Calvin. Hindi pa nga ako nakaayos ng pag-upo. Niyakap nila akong pareho, hindi ko tuloy mapigilan ang humagikhik dahil sa higpit ng kanilang yakap na para bang takot silang mawalay ako sa kanilang paningin.Sumibi pa si Soibeh, habang sinasambit ang pangalan ko.“Mommy natakot po ako kanina baka po hindi ka na bumalik,” anang Soibeh, naka subsob sa dibdib ko humihikbi.“Asus naman masyado naman nerbyosa ang mga anak ko,” wika ko palitan sila hinahalikan sa kanilang buhok.“Ako rin po Mom, sobrang nag-alala kanina,” sabi rin ni Tobias, nakayakap rin ito sa baywang ko subalit sa tagiliran lang siya dahil si Soibeh ay nakasubsob na sa dibdib ko. Mabuti saglit lang ‘tong umiyak si Soibeh tahimik lang siyang nakayakap ngayon sa akin.Napangiti ako sa paglalambing ng dalawa. Inakbayan ko sila pareho. Umahon na si Soibeh, sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Pareho na sila nasa tagiliran ko kaya magkabila
last updateLast Updated : 2024-08-03
Read more

CHAPTER 65

Ednalyn “Ate Diday!” masaya kong sigaw. Sabay-sabay silang lumingon sa akin. Nasa sala sila katabi niya si Soibeh at Tobias sa mahabang upuan sofa. Marahil ipinakilala na siya ng anak kong kambal kay Nanay Erna, kasi nag-uusap din ang dalawa. Si Soibeh pa walang maitatago sa anak ko panigurado iyan nagsabi na sa Nanay Erna. Binilisan ko ang lakad nakangiti na sa kanila. Para ko na kasing Nanay itong si Ate Diday, dahil katuwang ko noong sa pag-aalaga sa kambal. “Ednalyn kumusta? Nahuli na ba ang salarin?” ani agad niyang binungad sa akin. “Oo Ate Diday kaya naroon si Everette, hindi namin kasama pauwi. Ikaw rin kumusta ang bakasyon?” “Maayos naman hija. Matagal ko ngang inaantay ang tawag mo kung kailan mo ako rito pabalikin. Miss ko na kasi si Tobias at Soibeh. Tsaka boring kasi magtambay sa Province, bukod sa walang ginagawa maghapon, nakauubos pa ng pera,” wika nito't pabiro. “Ay oo totoo iyan, Diday, kapag magbakasyon sa Province at alam nilang galing dito sa Manila.
last updateLast Updated : 2024-08-04
Read more

CHAPTER 66

Ednalyn“Mabuti dahil ako mismo ang pupunta roon sa presinto sa Lucindang ‘yon makita mo lang, Altamerano,” sabi ko pa ulit kay Everette, na ngayon ay meron pinipigilan ngiti sa labi niya.“Baka dating agent Jade iyan,” ngisi pa nito naaliw sa akin.“Naman kaya umayos ka talaga Sir Everette. Kahit superior kita noon wala kang laban kapag naging sutil ako,” wika ko pa kinangiti nito.“Yeah, laking pasasalamat ko naging pasaway ka at least nakabuo tayo ng kasing guwapo kong Tobias Felix at kasing ganda mong Soibeh,” May gusto pa itong sabihin napansin ko iyon, ngunit hindi lang niya iyon itinuloy. Pinabayaan ko na lang alam ko naman kalaunan din ay magsasabi ito sa akin.“Sige na pasok na,” inguso ko ang CR. “Bilisan mo Everette, dahil aantayin kita. Tsaka anumang oras darating ang Lolo Emilio, kaya kumilos ka na maging hapunan ay malapit narin,”“Ok, baby, ang ingay talaga,” mahina nitong tawa bago niya akong tuluyang tinalikuran.Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang mailapat ang pin
last updateLast Updated : 2024-08-04
Read more

CHAPTER 67

Ednalyn “Woi, Altamerano!” lumaki ang mata ko kasi may kumislap na luha sa pisngi nito ng ipakita ko sa kaniya ang pregnancy test kit na galing sa bag ko. Nabigla pa ako ng walang sabi-sabing binuhat niya ako at umikot-ikot pa ito habang malakas na tumatawa. “Woah! I'm going to be a father again. Positive, baby? Positive as in soon magiging Daddy ulit ako at magkakaroon muli ng kapatid ang kambal natin?” tanong nito nang tumigil sa gitna ng aming k'warto ngunit nanatili niya pa rin akong buhat nito. Pinunasan ko iyon bago ko pinulupot ang magkabila kong braso sa leeg niya nakangiting tumango. Ang saya pagmasdan ang kumikislap niyang mata dahil naghalo ang excited at saya dahil sa panibagong paparating na supling. “Masaya ka ba?” Sunod-sunod na tango at abot tainga ang ang ngiti nito habang walang katapusan ang kaniyang kaka sabi ng ‘yes.’ “Yes, baby. Walang kasing saya. Thank you so much baby,” aniya pinagdikit ang noo namin nanatili kaming ganoo ang posisyon. Maya-maya la
last updateLast Updated : 2024-08-06
Read more

CHAPTER 68

EdnalynPagkatapos ng hapunan nag-usap-usap pa kami sa living room. Si Nanay Erna umuwi pinahatid ng driver ni Chairman dahil gabi na.Gusto pang tumutol nito sa suggestion ni Chairman, ngunit hindi namin pinayagan dahil maga-alas-otso na ng gabi mahirap ng mag-isa. Kasi napasarap ang pag-uusap namin hindi alintana kung anong oras na.“Ingat po ‘nay,” halos sabay naming saad ni Everette.“Lola, balik po kayo bukas ah,” sabi naman ni Siobeh, na ayaw ng pakawalan ang Lola nito nakahawak sa baywang ng Nanay Erna.“Oo naman apo. Babalik si Lola bukas. So paano inaantay na ako ng driver na maghahatid sa akin.Tumulis ang nguso ni Siobeh, kaya natawa si Nanay Erna. “Naku ang pretty naman talaga ng apo ko,” aniya hinalikan sa magkabilang pisngi ni Siobeh. Bumaling din ito ng tingin kay Tobias na hawak ni Everette sa kamay.“Kuya Tobias, kiss mo naman si Lola,” aniya naglalambing sa suplado apo. Masunurin naman si Tobias hindi lang halik ang ibibigay sa Lola niya mahigpit din nito niyakap.“A
last updateLast Updated : 2024-08-09
Read more

CHAPTER 69

Ednalyn Mabilis lang lumipas ang mga araw. Mahigit dalawang linggo na rin sa ospital ang kapatid ni Everette, at sa wakas ngayon araw na ito madi-discharge. Excited kaming lahat sa paglabas ng kambal ni Everette, dahil tuluyan na itong magaling. Maging ang ibang mga pasa na hindi gaanong malala ay naghilom na rin. Nakakatuwa ngang isipin dahil iisa ang mukha ni Everette at kambal niya. Identical twins sila. Kung hindi nga lang mahaba ang buhok ng kambal nito. Mahihirapan silang tukuying dalawa kung hindi kilala ang magkapatid. Kaya nga siguro walang nakapansin ng maisip ni Maryjane na si Sir Everette ang pumalit sa kambal niya. Si Dad Lucio ang madalas magbantay sa hospital. Bumabawi sa ilang taong pagkukulang sa kambal ni Everette. Dahil siya raw ang dahilan kaya nagkahiwalay ang dalawa niyang anak. Maayos na rin ang pangalan nilang magkapatid. Si Sir Everette ang hindi nagbago, ang kambal na lang niya ang pinalitan. Ano pa nga ba kapag may pera madali lang ang lahat lalo na
last updateLast Updated : 2024-08-09
Read more

CHAPTER 70

Ednalyn “Daddy!” sigaw ni Siobeh, pagpasok ni Everette sa main door na alalay ang kakambal nito. Pareho kami ni Tobias lumingon. Nakangiti kaming nagkatinginan ni Everette sa isa't-isa. Sumunod na pumasok si Chairman at Daddy Lucio, bahagya akong nangingiti kasi nakayuko si Nanay Erna nasa likuran ni Daddy Lucio, ngunit napansin ko ang patingin-tingin ni Dad Lucio sa kaniya. Na-focus ang mata ko sa Nanay Erna. Same pa rin kaya sila ng damdamin ni Dad Lucio? Kasi nakikita ko ang ilangan nilang dalawa. Gayunpaman hindi na sila p'wedeng magkagustuhan. Dahil may asawa na si Nanay Erna, at si Dad Lucio naman ay kasal pa rin kay Maryjane. “Lolo!” muling sigaw ni Siobeh natawa pa kasi pareho si Chairman at Daddy Lucio ngumiti sa anak ko. “Hehe…Lolo Chairman po pala dapat para alam kung sino ang tinatawag ko,” wika ng anak ko ng walang preno-prenong bibig, sinabi iyon sa dalawang Lolo niya. Nag-alala lang naman ako baka iba ang dating sa ama ni Everette. “Naku pasensya na po Dad, madald
last updateLast Updated : 2024-08-12
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status