All Chapters of WILD NIGHT WITH MY ALLURING SUPERIOR: Chapter 31 - Chapter 40

78 Chapters

CHAPTER 31

EDNALYNTulad ng inaasahan ko maraming marites na nakaabang nang bumalik kami ni Sir Everette, galing Shangri La. Sa lobby pa lang sa ground floor ng EA building, tila marami ng nakakaalam na lumabas kaming magkasama dahil sa amin nakatutok ang mata nila.Hindi man tahasang sinabi na ako ang topic nila ngunit sa klase ng pailalim nilang pag sulyap parang ganun na nga hinuhusgahan nila ako dahil kasama ko ang boss namin.Wala lang silang magawa dahil kasama ko naglalakad si Sir Everette, sa lobby patungo elevator. Pero pansin ko ang lihim na sikuhan nila at palitan ng tingin na may meaning. Ewan ko lang kung pansin ba ‘yon ng kasama kong amo dahil diretso lang ang lakad habang katabi ako.“Sir, dito na lang po ako sasakay,” wika ko ng ingguso niya na sa private elevator pa kami. Hinawakan ako sa kamay ko upang hindi ako makatanggi. Tapat na kasi kami sa levator ng mga employee. Sa tinuro kasi ni Sir Everette, ay ang private elevator. Allowed ang mga executive roon sumakay.“Sir!” ulit
last updateLast Updated : 2024-01-05
Read more

CHAPTER 32

EDNALYNSeryoso akong nakatingin sa desk computer ko ng dumating si Lucinda na galit na galit.“Walang hiya kang babae ka. Malandi mang-aagaw!” wika nito kaya napalingon ako kaya nga lang hindi ko napaghandaan ang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.“Pak!”“Malandi kang babae ka! Inaakit mo ang finance ko. Mang-aagaw!” sigaw nito.“Anong pinagsasabi mo, ma'am Lucinda?” maang maangan kong tanong habang sapo ang pisnging nasaktan.Animal na babaeng ‘to masakit iyon ha at malakas iyon. Subukan lang nito ulitin at manghihiram ito ng mukha sa aso. Baka hindi ko matiis makita nito ang hinahanap niya.“Hindi ka pa aamin maraming nakakita sa inyo. Sinungaling ka. Mang-aagaw! Deny ka pa kitang kita kayong magkasama haliparot ka,”“Sandali nga lang ha, Lucinda! Wala akong alam sa sinasabi mo tigilan mo ako habang ginagalang pa kita,” laban ko.“Aba galing mo rin ha? Matapang ka na ngayon magsasagot,” Lumapit sa akin sabay ako sinabunutan.“Bitiwan mo ako!” pagbabanta ko sa kaniya ngunit
last updateLast Updated : 2024-01-05
Read more

CHAPTER 33

EDNALYN “Ingat ka besh. Pupunta ako mamaya sa bahay mo,” narinig ko pang pahabol ni Merlyn, ngunit hindi hindi ako lumingon. Sinubukan kong dahan-dahan lang ang paglakad ko, kaysa kanina. Inaantay ko kasing pigilan ako ni Everette, subalit naiinip naman ako. Mukhang ang aking kahilingan ay malabong matupad dahil ginigiit pa rin ni Lucinda, na magpahatid sa kaniya. Binilisan ko na lang ang lakad ko ayaw ko kasing marinig pa ang kaartehan ng fiancee ni Everette. Ang sakit kasi sa tainga ayaw kong magpanggap na ok ako sa harapan nila. Naulinigan kong tinatawag ako ni Everette kung kailan pagsakay na ako ng elevator. “Ms. Del Socorro!” hinabol din pala ako ni Everette, kung kailan nakasakay na ako ng elevator. Hanggang sa loob ng elevator sobrang inis ko pa rin sa kaniya at kay Lucinda. Wala naman talaga akong karapatan na magalit sa binata. Dahil alam ng lahat ay si, Everette Ocampo ay si Sir Everette Altamerano. Anong nga ba ang habol ko roon iyon ang alam ng lahat. Malay ba nilang
last updateLast Updated : 2024-01-06
Read more

CHAPTER 34

Lucinda povHindi nagtagumpay si Lucinda, na mapapayag na hatid siya ni, Everette, pauwi ng kanyang bahay. Kaya naman nanlilisik ang mata na sinundan na lang ni Lucinda ng tingin ang papalayo fiance ngunit nasa isip niya na gumawa siya ng paraan upang makasal sila ng maaga ni Everette. May masagasaan man.Umuwi siyang galit na galit sa bahay nila at kahit ang taxing nasakyan ni Lucinda, hindi nakaligtas sa galit mula pa kanina. Nakatikim ng mura ang pobreng taxi driver sa init ng kaniyang ulo.“Tanga! Tinuro ko sa'yo d'yan sa itim na gate ihinto, pero nilampas mo,”“Pasensya na po ma'am, kasi kanina pa kitang tinatanong pero ayaw mong sumagot, at kung kailan narito na tayo tsaka mo lang sinabi–”“Ako pa ang may kasalanan? Gago!” wika ni Lucinda sa kawawa driver at basta na lang hinagis ang bayad at lumabas sa loob ng taxi.Kakamot kamot na lang sa ulo niya ang taxi driver at napapailing. Nasa isip niya baka problemado ang pasahero ngunit pasalamat siya dahil five hundred pesos ang bay
last updateLast Updated : 2024-01-14
Read more

CHAPTER 35

EDNALYN “Pero Everette! Paano kung madulas si Sir Rennier? Argh...bakit kasi sumama pa ang suitor ni, Merlyn dito,” maktol ko, kaya nga lang narinig pala ni Everette, pinagtatawanan ako. “Baby, salubungin mo na. Okay lang ‘yan, mapagkakatiwalaan si Rennier. Stop worrying because you are only stressing yourself,” nakangiti niyang sabi sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Easy, easy, lang kasi samantala ako marami ng pumapasok na what if. Bahala nga siya basta hindi lang kami mapahamak ng mga bata. “Hindi ko lang maiwasan mapa overthink,” laban ko sa kaniya. “Kaya nga tigilan mo. Ako na lang ang isipin mo mai-inspired ka pa dahil sa kagwapuhan ko,” Pinandilatan ko siya ng mata. Hanep patawa tawa lang. Hindi naman ako takot na malaman na siya ang ama ng kambal ko. Iniisip ko lang dahil bawal pa sabihin na siya ang Sir Ocampo namin. Paano ko ito ipaliliwanag sa lahat na dati na kaming magkakilala at nagka amnesia lang siya. Edi magmumukha akong mang-aagaw ang labas ko nito kay Luc
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more

CHAPTER 36

EDNALYN Ramdam ko ang mainit na titig ni Everette sa akin. Alam ko sinusundan niya ako ng tingin simula ng pumasok ako ng k'warto, hanggang magbihis at ito nakahiga na ako sa kama. Para akong tuod sa gilid na halos isang tulak lang ni Siobeh, laglag agad ako sa sahig. Sobrang laki kasi ng katawan ng ama nila idagdag pang matangkad ito kaya ako na nag-adjust. Gumilid ako ng hindi masikip ang dalawa bata. “Mommy, bakit po ang layo mo? The space is still big, isn't it daddy? Baka po mahulog ka sa baba masasaktan ka,” ani pa ni Siobeh, tumingin sa ama at sa akin. Binulungan ito ng ama, ewan kung ano ang sinabi ni Everette, bakit humagikhik si Siobeh. I cough to get their attention. Tumingin si Siobeh nakangiti at si Everette na kakamot kamot sa buhok niya. “Kasi anak masikip na kung uusod ako sa inyo,” gano'n ang paliwanag ko. “Gusto mo po kayo ni Daddy, ang tabi?” napamulagat ako napansin kong nag-iwas ng tingin si Everette. Alam ko na ngayon ito ang ibinulong kay Siobeh, ng magalin
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more

CHAPTER 37

Ednalyn “Sir Mama mo ‘yon anong okay lang ang sinasabi mo? Ibaba mo na lang ako, malapit sa office ako na ang bahala sa sarili ko," “What? Bakit ka bababa, No! Sabay tayong papasok. At isa pa, I don't care if she gets mad at me,” “Eh, Mama mo iyon Everette, kahit na nga hindi mo pa alam ang katotohanan kung bakit ka napunta sa kanila, still kinupkop ka kanila. Kung hindi ka napunta sa kanila hindi natin alam kung buhay ka pa ngayon,” “And so? Hindi ka pa rin bababa dahil lang nasa office si Mama. Ano naman ngayon? wala naman siyang magagawa kahit na magalit siya,” “Ewan ko sa'yo Everette,” wika ko na lang kasi tingin ko desidido talaga ito na suwayin ang Ina. Kabado ako paglabas namin ng kotse ni Sir Everette. Mabuti na lang wala pang gaanong tao sa labas, nakakahinga pa ako ng matiwasay. Pero, paano pagpasok ng entrance sa lobby? I'm sure marami ulit mga marites na naghuhuntahan behind my back. Diba? Sa amin napunta ang tingin ng receptionist pagpasok pa lang ng lobby. Hindi la
last updateLast Updated : 2024-02-29
Read more

CHAPTER 38

Ednalyn“Sir naman bakit mo naman pinilit paalisin si ma'am Maryjane,” sermon ko kay Sir Everette, nang tuluyang makaalis ang ina nito sa office.Hindi ko alam anong i-react sapilitan kasi pinalabas ng guard sa office si ma'am Maryjane, dahil ayaw umalis ako ang inaaway. Ang ginawa ni Sir Everette, tinawag ang guard at pinadampot si Ma'am Maryjane, palabas ng office.Narito na kami sa loob ng office at nasa harapan ako ni Sir Everette, at ito naman parang stress kanina pa nakahaplos sa sentido habang ako walang tigil sa kakatalak sa kanya.“Baby, can you please turn down your voice? It's hurting my ears. Kanina pa walang tigil ang bibig mo sa ingay,” tamad nitong sabi sa akin pero na-amuse nakatawa.Nag pamaywang ako sa kaniya at sinamam ko siya ng tingin. “Paano ako titigil eh, Nanay mo ‘yon tapos pinalayas mo lang ng gano'n,” irap ko sa kanya.He softly chuckled. Pinagmasdan ako tila naaliw pa sa panermon ko sa kanya.“Damn, mainit ang ulo ng, baby ko.”“Tse! Nakakaurat ka,” saad ko
last updateLast Updated : 2024-02-29
Read more

CHAPTER 39

EdnalynHindi pa ako tapos sa ginagawa ko ng mapansin kong nakatayo si Sir Everette sa harapan ko kaya dali-dali akong nag-angat ng tingin upang alamin kung may kailangan siya sa ‘kin.“May iuutos ka, boss?” tanong ko sa kanya ngunit sandali ko lang siya tiningnan dahil nasa monitor ulit ng desktop ko ang atensyon ko habang inaantay ang sagot niya sa ‘kin.“Nakalimutan mo agad?” aniya tila kasi dismayado ang boses niya ng magtanong siya sa akin.Inisip ko kung anong tinutukoy niya tapos napatampal ako sa aking noo ng maalala aalis pala kami ngayon, mabilis akong tumingin sa aking braso kung saan nakasuot ang relo ko.“Hala! Oo nga lunch date nga pala kasama si chairman Emilio ang Lolo ni Sir Everette bakit nakalimot ko,” mahina kong sambit umangat ulit ako ng tingin sa kaniya.“Sir, hindi ba tayo ma-tra-traffic? Malapit ng alas-onse,” sabi ko pa sa kaniya.“Mas matatagalan tayo kung hindi ka pa nagliligpit d’yan. Hurry up, baby, ayaw ni Lolo, ng pinag-aantay siya,”“Edi Ikaw na lang n
last updateLast Updated : 2024-04-06
Read more

CHAPTER 40

Ednalyn Bumalik kami ni Everette sa office ngunit nagpaalam ang binata sa akin na patungo siya sa main office, kasi may pirmahan na mga papers. Meron din meeting si Sir Everette, ng alas tres ng hapon. Kailangan niyang mag-attend. Hindi pwedeng wala siya roon dahil mga executive ang mga kasama niya sa meeting na iyon. Ngunit mamaya babalik rin ang binata dito. Kasi sa bahay raw ito matutulog. Bago raw mag-uwian susunduin niya ako. Malapit na sana ang uwian nakaligpit na ako't bumaba na rin. Nag-chat na rin si Everette sa akin, na on the way na raw ito at sa baba na lang niya ako antayin binilin din ng binata na make sure daw na sarado ang office nito. Subalit ang balak kong pag-alis naabala kasi may sumulpot na babaeng makapal ang mukha. Sino pa nga ba, walang iba kun'di si Lucinda. Lumapit sa akin naging alerto ako. Aba mahirap na masampal ako nito hindi yata ako papayag na hindi rin 'to jumbagin nakaka ubos ng pasensya. Nasa gilid na ito ng table ko. Mga tatlong hakbang pa nam
last updateLast Updated : 2024-04-06
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status