Umiinom pa sila ng kape ni Ericka. Iba talaga pag maraming pera,Coffee 500? allowance ko na ng dalawang araw yun ah. Pero infairness, masarap naman. Marami pa siguro akong matitikman na ganito. Napapangiti siya."Anong iniisip mo?" tanong nito sa kanya."Wala po mam. Natutuwa lang po ako kasi nakatikim ako ng mamahaling pagkain. Ang halaga po nito allowance ko na ng dalawang araw" sagot niya dito."Huh? paano? di ba galing ka naman sa magandang eskwelahan dito?""Scholar po ako dun. Bale allowance po hati sila nina nanay.""Ilan ba kayong magkakapatid?""Apat po, panganay ako""Anong trabaho ng parents mo?""Ang nanay po minsan nangangatulong. Ang tatay naman po may maliit na sinasakang bukid.""Yung mga kapatid mo ilang taon na?""Yung sunod po sakin twenty pa lang, lalaki, nag aaral po siya ng first year college, yung sunod po dalawang Elementary, kambal po.""Parang late na yung kapatid mo nag aral, yung college?""Nagtrabaho po muna siya para makatapos ako. Ang usapan po namin pa
Huling Na-update : 2023-11-06 Magbasa pa