Tinawagan niya ang mga magulang bago umuwi. Masayang masaya siyang ibinalita sa mga ito na nakapaghulog na siya ng singkwenta mil para sa buwan na iyon. Nagulat naman ang mga ito.'Di ba anak hindi mo pa sahod?'"Napaadvance na po."'Sabi mo noong isang araw lilipat ka na?'"Pinatitira po ako ni mam sa bahay niya kasi wala daw magbabantay. At pwede ko daw kayong dalahin na dito. Kapag nakagraduate na si Marlon, pwede na po siya dito."'Naku anak, dalawang taon pa yun'"Okay lang po nay, mas okay na ang advance."Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga magulang. Laglag talaga ang luha niya dahil sobrang miss na niya ang mga ito."Friend halika na" aya ni Flor "nasa baba na si Dulce.""Uuwi na kami nay, i love you all"'Sige anak mahal ka namin.. ingat'Pinunasan nya muna ang mga luha bago nagsuklay at naglagay ng lipstick."Saan tayo kakain?" tanong ni Flor."Doon sa katapat na resaurant." sagot niya."Hala, mahal don ah..""Mas mahal ko kayo..""Iiiih" humilig pa sa balikat niya si Fl
POV: BernardNakiusap si Ericka sa kanya na samahan si Marie pagkuha ng mga gamit nito dahil siya daw ang nakakaalam kung saan nakatira ang babae. Ayaw sana niya dahil may kausap na siyang chicks sa araw na iyon pero dahil pinagtulungan siya nina Ericka at Monica, pumayag na rin siya. Wala naman daw dadalhing gamit si Marie kundi mga damit.Ipinaayos niya muna kay Andrei ang schedule niya ng shipping para sa mga textile na darating. Dahil garments business ang ginagawa nila, kailangan maingat sa lahat ng oras para hindi masira ang mga tela na iiexport at iiimport.Busy siyang tao, pero dahil ang nagrequest sa kanya ay ang Ericka ng buhay nya at ang reyna ng kanilang pamilya, kailangan niyang sumunod. "Andrei, pakiclear ng schedule ko mamayang tanghali. May lalakarin lang ako.""Lalakad kayo sir? paano po kotse nyo?" sagot ng kausap."Gusto mong palitan kita?" balik tanong niya dito. Si Andrei ay literal na inosenteng hindi niya maintindihan. Pero maayos naman itong magtrabaho."Si si
POV: MarieNag iisip siya kung ano ang sasakyan papunta sa bahay na lilipatan. Kailangan ko kaya magpasama sa mga kaibigan ko? Pero nahihiya ako eh. Magrent na lang kaya ako ng van? pero konti lang naman yun. Magtataxi na lang ako.. tama.. taxi na lang. Pero may mga storage box ako eh. May taxi kayang pick up? Makapagtrabaho na nga. Alas tres pa naman ako mag aout. Sayang kasi ang oras pag mas maaga pa akong umuwi dahil matatambakan ako ng trabaho. Naging abala siya sa mga gawain niya ngunit bago maglunch lumabas ang mga boss niya."Miss Marie, my pupuntahan lang kaming conference. Nasabi ko na sa admin na magi early out ka. Ipapasundo kita mamaya para masamahan ka pagkuha ng gamit." bilin ni Ericka."Naku mam, okay lang po kahit hindi na." nahihiya niyang sagot."Mahigpit kasi sa lugar namin. Baka hindi ka basta papasukin kung nakataxi ka. Nasa looban pa naman ang bahay ko.""Oo nga naman Miss Marie, makinig ka na kay madam" biro ni Monte."Anong madam?" nakakunot ang noo ni Erick
POV: BernardNasa elevator sila ni Marie ng may sumabay sa kanilang dalawang babae. Binati siya ng mga ito."Hi sir Pogi" kumaway pa."Hi girls. Ang gaganda nyo naman" ngumiti siya."Thank you sir.. sana matake home nyo rin ako" kilig na kilig ang isang babae."Don't worry, kapag mga hinog na kayo, pipitasin ko kayo hahaha""Talaga sir pogi? hihintayin ko yan."Nagbabaan na ang dalawang maharot at sila na lang ulit ang natira sa loob ng elevator."Ang sama na naman ng tingin mo sa akin?" puna niya kay Marie."Sir, literal ba kayong babaero o sadyang malandi lang kayo?" nakasimangot na tanong nito."At bakit mo naman nasabi yan?" balik tanong niya dito."Lahat kasi ng nakikita nating babae gusto nyo atang pahinugin at pitasin lahat.""And so?""Kasi, baka kayo hindi nagustuhan nung crush nyo kasi babaero kayo.""Pareho naman kaming babaero ng asawa nya.. i mean mapapangasawa nya.""Bakit sir madali nyong nagive up ang feelings nyo kay mam?""Hindi ako nag give up.. nagpaubaya lang ako.
POV: MarieInis na inis siya sa mga babaeng nakasabay nila sa elevator.Diyos ko, ang haharot. Akala mo mauubusan ng lalaki! Hindi na nahiya. Gusto pang magpa take home! itong isang to, ang liit liit pero ang kalandian matangkad pa sakin! Ito namang isang to akala mo basketball player. Hindi pa nagshave ng legs my God!Tinitingnan niya ang mga ito mula ulo hanggang paa."Bye sir pogi" paalam ng mga ito pagbukas ng elevator."Bakit ang sama mong tumingin?" tanong ni Bernard sa kanya."Wala po.." nag iwas aiya ng tingin dito.Pag daan nila sa lobby ng reception, kinawayan nito si Tessa.Pati si Tessa.. talaga naman si sir hindi na namimili!Lumabas na sila sa parking area. Nagulat siya dahil ang pick up na pinatunog nito ay malaki at maganda. Parang pang akyat sa bundok."Salamat po sir at sasamahan nyo ako." sabi niya."Ewan ko ba kina Monica at masyadong concern sayo rh hindi ka naman nila kaibigan!"Napasimangot siya sa sinabi nito. Naoffend siya. Pero bago pa siya maasar bumawi ito.
POV: BernardNatatanaw na niya ang lugar nina Marie. Ang daming tao. Ang daming batang nagkalat.Paano kaya nakatagal ang babaeng ito dito? Totoo pala ang ganitong lugar. Akala ko noon sa tv lang talaga. Yun pala makakakilala ako ng nakatira sa ganito.Pagtigil ng sasakyan, pinalibutan agad sila ng mga taong naroroon. Pakiramdam biya tuloy hindi siya safe sa lugar na iyon."Sir dito muna kayo, ako na lang ang didiretso." paalam ni Marie."Sasamahan na kita." kinakabahan siya baka may biglang sumaksak sa kanya dito."Baka mamaya sir pag balik mo, wala ng guling ang sasakyan mo"Naalala niya ang pick up niya. Baka nga may biglang umopera dito kapag iniwan niya kaya hinayaan na lang niya si Marie at ang mga kakilala nito."Upo kayo sir" alok ng matandang lalaki sa may tindahan."Salamat po." naupo na lang siya."Kaano ano ka ba ni Marie?""Kaibigan ho""Naku, napakabait ng batang yan. Mahal na mahal dito yan, yung pinsan niyang si Mulong inihabilin yan dito bago namatay.""Bakit ho namat
POV: MarieMukhang makakapagpahinga siya agad. Ang linis ng bahay. Ilalagay lang niya sa mga cabinet ang damit. Pinili niyang matulog sa guest room kesa sa master's bed room. Nahihiya siya kay Ericka na gagamitin niya ang ginagamit nito sa pagtulog. Saka alam niyang may mga gamit pa ito doon. May tatlo pa naman siyang pagpipiliang kwarto doon.Bago pa siya makaakyat, tumawag si Ericka.'Kumusta? nasa bahay ka na ba?'"Opo mam. ilalagay ko lang po sa guest room ang gamit ko."'Bakit sa guest room? sa master's mo ulagay. Wala na akong gamit dyan, nasa attic na lahat'"Naku mam nakakahiya naman po"'Wag ka ng mahiya, basta wag mong pababayaan ang bahay ko okay? ayoko kasi ng walang tao dyan at baka masira ang bahay. Wala na rin ang mga displays na pictures dyan. Yung mga pagkain sa ref, bahala ka na.'"Opo mam.. maraming salamat po."Namatay na ang call. Kahit siya nagtataka kung bakit mabait sa kanya ang boss niya. Nag OJT lang naman siya dito noon. Pero sabi nito sa kanya noon:Magtapo
POV: BernardPaano ako naging malandi? hindi ko nga siya nilalandi eh. Iniisip niya ang sinabi ni Marie sa kanya. Pupunta siya sa bar kung saan niya nakikita si Jazz. Madami ng tao sa lugar na yun. Nahirapan tuloy siyang magpark.Pagpasok niya sa bar, hinahanap nya agad si Jazz. Parang wala ito doon. Nakita niya ang babaeng tumawag sa kanya ng jutz. Pagkakita nito sa knya, iniwasan na siya nito. Sabay bulong sa kasama."Hindi mo ba ako babatiin?" tanong niya dito."Ah.. eh.. ma-- may kasama kasi ako eh." sabi nitong nakatungo."Sino nga ako? si Mr. Jutz?""I'm sorry.." sagot nito."Baka gusto mo akong iintroduce sa mga kasama mo?""Paano kita iiintroduce eh hindi naman kita kilala" bulong nito sa kanya. Natawa siya."Sabihin mo ako si Bernard Guevarra""Girls, si Bernard nga pala." pakilala nito "Bernard, si Euleen at Andrea.""Hi girls" nakipagkamay siya sa mga ito."Ikaw anong pangalan mo?""Ako si Cathy""Ah.. maCathy na ba?" bulong niya.Hinampas siya nito sa hita."Oh girls, inom
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam