POV: BernardNatatanaw na niya ang lugar nina Marie. Ang daming tao. Ang daming batang nagkalat.Paano kaya nakatagal ang babaeng ito dito? Totoo pala ang ganitong lugar. Akala ko noon sa tv lang talaga. Yun pala makakakilala ako ng nakatira sa ganito.Pagtigil ng sasakyan, pinalibutan agad sila ng mga taong naroroon. Pakiramdam biya tuloy hindi siya safe sa lugar na iyon."Sir dito muna kayo, ako na lang ang didiretso." paalam ni Marie."Sasamahan na kita." kinakabahan siya baka may biglang sumaksak sa kanya dito."Baka mamaya sir pag balik mo, wala ng guling ang sasakyan mo"Naalala niya ang pick up niya. Baka nga may biglang umopera dito kapag iniwan niya kaya hinayaan na lang niya si Marie at ang mga kakilala nito."Upo kayo sir" alok ng matandang lalaki sa may tindahan."Salamat po." naupo na lang siya."Kaano ano ka ba ni Marie?""Kaibigan ho""Naku, napakabait ng batang yan. Mahal na mahal dito yan, yung pinsan niyang si Mulong inihabilin yan dito bago namatay.""Bakit ho namat
POV: MarieMukhang makakapagpahinga siya agad. Ang linis ng bahay. Ilalagay lang niya sa mga cabinet ang damit. Pinili niyang matulog sa guest room kesa sa master's bed room. Nahihiya siya kay Ericka na gagamitin niya ang ginagamit nito sa pagtulog. Saka alam niyang may mga gamit pa ito doon. May tatlo pa naman siyang pagpipiliang kwarto doon.Bago pa siya makaakyat, tumawag si Ericka.'Kumusta? nasa bahay ka na ba?'"Opo mam. ilalagay ko lang po sa guest room ang gamit ko."'Bakit sa guest room? sa master's mo ulagay. Wala na akong gamit dyan, nasa attic na lahat'"Naku mam nakakahiya naman po"'Wag ka ng mahiya, basta wag mong pababayaan ang bahay ko okay? ayoko kasi ng walang tao dyan at baka masira ang bahay. Wala na rin ang mga displays na pictures dyan. Yung mga pagkain sa ref, bahala ka na.'"Opo mam.. maraming salamat po."Namatay na ang call. Kahit siya nagtataka kung bakit mabait sa kanya ang boss niya. Nag OJT lang naman siya dito noon. Pero sabi nito sa kanya noon:Magtapo
POV: BernardPaano ako naging malandi? hindi ko nga siya nilalandi eh. Iniisip niya ang sinabi ni Marie sa kanya. Pupunta siya sa bar kung saan niya nakikita si Jazz. Madami ng tao sa lugar na yun. Nahirapan tuloy siyang magpark.Pagpasok niya sa bar, hinahanap nya agad si Jazz. Parang wala ito doon. Nakita niya ang babaeng tumawag sa kanya ng jutz. Pagkakita nito sa knya, iniwasan na siya nito. Sabay bulong sa kasama."Hindi mo ba ako babatiin?" tanong niya dito."Ah.. eh.. ma-- may kasama kasi ako eh." sabi nitong nakatungo."Sino nga ako? si Mr. Jutz?""I'm sorry.." sagot nito."Baka gusto mo akong iintroduce sa mga kasama mo?""Paano kita iiintroduce eh hindi naman kita kilala" bulong nito sa kanya. Natawa siya."Sabihin mo ako si Bernard Guevarra""Girls, si Bernard nga pala." pakilala nito "Bernard, si Euleen at Andrea.""Hi girls" nakipagkamay siya sa mga ito."Ikaw anong pangalan mo?""Ako si Cathy""Ah.. maCathy na ba?" bulong niya.Hinampas siya nito sa hita."Oh girls, inom
Nasa gym siya ng makatanggap ng tawag mula kay Monte. Inaaya siya nitong pumunta sa penthouse para matulungan niya ito."Di ba dapat si Ericka ang kasama mo sa ganyan?" tanong niya.'Andito na sila nina Monica at Marie, ikaw na lang ang kulang.'"Bakit naman andyan ang malditang yan?" kunot noong tanong niya.'Galit ka na naman dun?'"Sinong hindi magagalit dyan inipit ako nyan ng pinto?"'Hindi naman daw sinasadya. Ikaw naman napakapikon mo'"Gusto mo ipitin din kita?"'Gusto mo bang makausap si Monica?'Naku nga naman. Baka banatan siya ng pinsan kapag hindi siya pumunta. Dapat hindi siya matakot dito eh. Pero kailangan. Sa pamilya nila walang pwedeng kumontra dito at baka makaaway ng buong angkan."Oh sige na, papunta na ko!"'Thank you pare. Wag kang mag alala, may pagkain na dito okay?'"Buti naman;" pinatay na niya ang tawag nito at baka kung ano ano pa ang sabihin.Tinitingnan pa rin niya ang daliri na muntik ng mamatayan ng kuko. At naalala na naman niya kung bakit ito nagkaga
POV: BernardHumanda sakin ang Marie na to. Pag nagkaroon ako ng pagkakataon talaga may kalalagyan to sakin! Bulong niya sa isipan Grabe na ang ginagawa nito saking babaeng ito. Akala mo naman kagandahan. Kumakain sila puro paghihiganti pa rin ang laman ng isipan niya. Kailangan makaganti siya dito. Hindi siya papayag na maisahan nito. Kailangan makapag isip siya ng diskarte para magantihan ang babae.Nagpaalam itong mag si CR pagkakain. Pagkakataon na niya ito."Magtitimpla muna akong kape, gusto nyo?" tanong niya."Hindi na, may milktea kasing binili si Monica kanina." sagot ni Monte."Ayaw ko din," sabi ni Ericka at Monica.Nagpunta siya sa kitchen na malapit sa CR. Nakapagtimpla na siya ng kape, ng mabulaga si Marie."Ano ngayon ha!!" hinawakan niya ito sa braso."Ah.. aray sir nasasaktan ako" sabi nito."Talagang masasaktan kang pahamak ka." sabi niya dito."Binibiro lang kayo eh pikon agad? gusto manakit?""Gusto mo tenga mo ang pingutin ko?""Nananakit ka ng babae sir?""Hindi
POV: BernardAt ang malditang Marie na yun. May kalokohan talaga. Anong naisipan niya at hinalikan niya ako? Hindi ba niya naisip na maaari ko siyang sundan at... Huuuuh! sobra na talaga.. Makaligo nga pagdating sa bahay.Init na init ang pakiramdam niya. Kahit pa nilakasan ang aircon ng sasakyan.Tinanggal niya ang butones ng kanyang polo shirt. Pawis na pawis ang noo nya.Pagdating sa bahay, umakyat agad siya ng kwarto para maligo. Hindi niya gusto na parang biglang nagnasa siya kay Marie. Malamig na tubig ang iniligo niya. Nagbabad siya sa bath tub. Naaala ala niya ang ginawa ni Marie. Marie, isa iang malaking surot sa buhay. Ginugulo mo ang isipan ko. Hindi kita gusto. Hindi kita type. ayoko sa gaya mong bata. Eight years ang gap natin, parang kuya mo lang ako. Bakit ka nagbibigay ng malisya sakin.. Marie!!!Gulong gulo na ang isipan niya sa nangyayari. Bahagyang humupa ang nararamdaman niya sa katawan.Pupunta ako sa club na madalas kong puntahan. Malamang maraming babae dun.
POV: MarieFirst time niyang makakapasok sa club kasama ang kaibigang si Lanie at Cheche. May nag invite daw sa mga ito. Dahil wala pa rin siyang pasok kinabukasan, minabuti na lang niyang sumama.Siguro pag may nakita akong mas gwapo kay Bernard, mag iiba na ang pananaw ko sa kanya. Baka humahanga lang talaga ako.Ang ganda niya sa suot na hang in blouse at skirt. Sino bang mag aakalang anak siya ng labandera at magsasaka at isang bisaya. Kung ganito ang hitsura niya?Nagkita sila nina Cheche at Lanie sa mall na malapit sa club. Ang gaganda rin ng mga ito. Si Lanie ay working na, samantalang si Cheche ay nag aaral pa lang."Hoy Marie, ang ganda mo sobra!" puri ni Lanie sa kanya. "hindi ka namin nakilala agad.""Oo nga Marie, grabeng katawan yan, pang model" sabi pa ni Cheche."Naku kayo naman at binola pa ako. Saan ba tayo pupunta?" tanong niya."Dun oh" itinuro ni Lanie ang isang club na tanaw nila sa kinatatayuan nila "may makikipag eye ball kasi sakin dun, ayoko naman pumunta mag
POV: BernardDumating ang tatay ng nakasuntukan niya. Kilala niya ito. Malamang mamukhaan din siya ng matanda."Bernard?" paninigurado nito."Yeah, it's me" sagot niya dito "kumusta na kayo Mr. Salcedo?""Naku napakapormal mo naman hijo, Tito Nick na lang. Ano bang nangyari dito?""Tito, nakita ko itong anak nyo na may inilagay sa inumin nito," hinila niya si Marie at hinawakan niya ang kamay."Totoo ba Yulo?" tanong ni Mr. Salcedo."Daddy, magpapari ako, alam nyo yan. Hindi ko magagawa yan." tanggi nito."Bakit tinanong mo kanina si Marie kung gusto nya magjoin sa fun mo?" tanong ni Cheche."Akala ko tol hindi ka na magpapari?" tanong ni James."Para makasiguro kayo, tingnan nyo ang bulsa ng dalawang yan." sabi niya.Kinapkapan ni Mr. Salcedo ang anak. Nakita ang pakete."Loko ka talaga!" sinampal nito ang anak "puro katarantaduhan ang ginagawa mo. Naniniwala ang mama mo na magpapari ka! Tapos ganitong kawalanghiyaan ang ginagawa mo.""Daddy.. wala lang yan.." sabi nito."Mag apologi
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam