"Mommy, ano ang sakit ni ate Elle, bakit ganun ang itsura niya?" pagtatanong ng anak ko sa akin nasa loob kami ng training room at nag-eensayo sila."Sakit sa dugo, himala na kapag naka-survive ka." sambit ko na lang."Sana gumaling na si ate Elle," nasambit ng anak ko tahimik naman si Mencius sa tabi ko."Oo nga, mommy, sasama pa ba sa akin si ate Odelia?" tanong nito sa akin bumaling ang tingin ko sa anak ko."Sasama pa rin ako, Michelle tatapusin ko ang pag-aaral ko dun eh." sambit naman ng anak ko sa kapatid niya."Pagkatapos ng ilang araw babalik na tayo sa London," sambit ng anak ko sa kapatid niya."Sige," sagot naman ng kapatid niya napatayo kami nang makarinig ng katok sa pintuan.Binuksan ko ito at bumungad sa amin ang katulong."Tamen yijing zai nalile," bungad ng katulong nila sa aking paglabas sa kwarto.(They are already there.)"Hao ba, women yao chuqule." sambit ko.(All right, we're going out.)Tinawag ko na ang mga anak ko para bumaba dahil bumalik na ang biyenan ko
Last Updated : 2024-10-31 Read more