LINUS’ POV “Daddy, when will you come home?” Malungkot ang tono ng panganay kong anak habang nakabusangot pa ang nguso nito. “I will go home soon, anak. Just a few more sleeps, hmm?” Pambobola ko naman rito. “Eh, daddy naman. I have basketball school ulit nextweek. It’s for two days.” Ini-angat nito ang dalawa niyang daliri, medyo nalilito pa nga ito sa kung anong itsura ng dalawa sa daliri. Mas humaba pa ang nguso nito. “Uwi ka na, daddy, pwease.” at nagpa awa pa ito ng mata. I sighed. “Your Tito Landon needs me here. He’s going through something, anak. Ikaw ba? If sick ang little brother mo, diba gusto mo rin siyang bantayan?” Tanong ko. Mas gusto ko lang na mas maintindihan niya ang sitwasyon na mayroon kami ng Tito Landon niya. Napa isip naman ang panganay ko pero hindi pa rin maalis ang simangot sa mukha nito. “Owkay, daddy. I understand. I will do the same to little peanut.” pag tukoy niya sa kanyang bunsong kapatid. Peanut kasi ang tawag namin sa kanya noong bata pa siya
Read more