Home / Romance / Overly Obsess (4 Guys' Obsession) / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Overly Obsess (4 Guys' Obsession): Chapter 11 - Chapter 20

57 Chapters

Chapter 10

Ngayon ay alas kwatro na ng umaga at nag-aabang kami ngayon ni Jonas ng bus papuntang Maynila dito sa Bus Station. Hindi ko na pinaalam pa sa kanya ang nangyaring panggugulo sa akin ni Ysmael para hindi na siya mag-alala pa. Ayoko nang pag-alalahanin pa si Jonas dahil makakalayo na rin naman kami kay Ysmael.Kanina sa bahay ay umiyak pa si Nanay dahil mamimiss niya raw ako ng todo habang si Tatay naman ay tahimik lang pero alam kong mamimiss niya rin ako. Sina Nanay at Tatay talaga, parang mawawala na ako sa kanila ng matagal nung nagpaalam ako e, babalik rin naman kami kaagad ni Jonas dito sa San Alfonso kapag hindi kami nakapasa sa job interview."15 minutes pa siguro bago makarating dito ang unang bus." Sabi ni Jonas habang tinitignan ang oras sa cellphone niyang de keypad.Tumango naman ako bilang sagot.Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan?"Jonas-"Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may mga naka it
Read more

Chapter 11

Nagising na lamang ako na may tumatamang ilaw na nanggagaling sa bintana. Madilim ang kwarto kung saan ngayon ay nakahiga ako sa isang puting kama.Napatingala ako dahil parang may matang nakamasid sa akin. Kaagad akong kinabahan sa klase ng mga titig niya.Mayroon siyang itim na aura at aaminin ko na napakagwapo din niya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang ito maalala.As in wala akong maalala. Kahit pangalan ko o kung saan ako nanggaling ay hindi ko rin matandaan.I'm clueless!"S-Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa tabi ko.Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at hinawakan ang isang kamay ko."I'm Josiah. Your husband." Sabi nito sa baritonong boses niya.Ang pangalan niya ay Josiah? At asawa ko daw siya? Nakaramdam kaagad ako ng kirot sa sentido ko dahilan para lumapit sa akin ang lalakeng nagpapakilalang asawa ko.Siguro ay kaya nga siya pamilyar sa akin ay dahil sa asawa ko siya. Napansin ko na may nakakabit din pala sa aking mga suwero at kung anong tubo sa may ulo ko na n
Read more

Chapter 12

"Paano nga ba magmahal ang isang totoo at tapat na tao? You can love him or her unconditionally. Kahit ano man ang antas niya sa buhay ay matatanggap mo pa rin siya sa kabila ng lahat.Isa sa pinakamagandang paraan ay ang isama mo siya sa mga pangarap mo. If both of you succeed then it's good but when only one of you succeed then don't leave.The progress of being in love is to be with him or her all the times. Magmamahal ka na nga lang ay mang-iiwan ka pa? That's a total bullshit!Another thing is, loving is also sacrificing. Naranasan mo na bang bitawan ang taong mahal mo para lang mapabuti siya o matupad ang mga pangarap niya? That's brave love!"Halos mapaiyak na ako sa sinasabi ng isang love guru sa isang TV Program. Hindi ko alam pero sobra talaga akong naaapektuhan sa mga sinabi niya. Nang lingunin ko si Andy ay nakangiwi itong nakatingin sa akin habang patuloy pa rin sa pagkain ng Piattos Cheese niya."Napaiyak ka pa talaga ng tanders na 'yan? Her program sucks." Tanong niya a
Read more

Chapter 13

Nagising ako na parang may nakayakap sa akin. Kaagad kong nilingon iyon at si Josiah ito na mahimbing na natutulog. Tinignan ko ang bintana at napagtanto ko na umaga na pala. Napatingin naman ako sa wall clock ng kwarto namin at 10am na ng umaga. Tinanghali na pala kami ng gising.Alam kong may pasok si Josiah sa trabaho ngayon kahit Sabado pa."Josiah? Hindi ba't may pasok ka pa? 10am na," Sabi ko mahinang tinapik ang pisngi niya.Nakatingin lang ako sa kanya. Kahit sa pagtulog ay ang gwapo pa rin ni Josiah. Ni wala na yatang maipipintas sa physical appearance niya. Kahit palaging nakakunot ang noo niya ay hindi pa rin iyon nakakabawas sa kagwapuhan niya. Maganda rin ang pangangatawan niya at hindi na nakapagtataka iyon dahil sinabi sa akin ni Andy na nagwowork out talaga sila ni Josiah sa Gym kapag wala silang pasok sa trabaho. Salong-salo niya ang biyaya ng isang pagiging gwapong lalake. Siya na!Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ang bango bango rin niya. Pagkatapo
Read more

Chapter 14

Lumipas ang lunes at pilit ko nalang kinakalimutan ang mga narinig ko sa lalakeng naka grey suit kausap 'yung lalakeng naka itim na suit. Bakit ko nga ba pinoproblema ang mga walang kwentang bagay kung hindi naman mahalaga iyon? May asawa na ako at mas makabubuti sigurong kay Josiah nalang ako magfocus kaysa ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay.Nakahiga ako ngayon sa kama kahit 7pm palang. Nakapagluto na rin ako ng dinner para sa amin mamaya ni Josiah at nagpatulong pa ako sa katulong namin. Medyo napagod rin ako sa pagluluto kaya nagpapahinga ako ngayon.Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong hindi ko ini-lock at nagulat ako nang si Andy ang bumungad sa akin."A-Andy? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at kaagad bumangon mula sa kama.Lumapit naman siya sa akin na may malungkot na tingin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap."Olivia, I don't know what to do anymore. Ang dami kong nalaman ngayon tungkol sa past nina Mom at Dad." Mahinang sabi niya habang nakayakap
Read more

Chapter 15

Pagkatapos ng pagtatalo nina Andy at Josiah ay hindi na muling nagpakita pa si Andy at nagpupunta dito sa bahay. Marahil ay dahil galit pa rin siya sa mga nangyari nun. Mas mabuti na rin iyon dahil kahit ako ay ayoko pa muna siyang makita ngayon at sa mga naiisip kong dahilan kung bakit siya nagkakaganon.Ngayon ay ipapakilala na rin ako ni Josiah sa pamilya niya. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na ma-memeet ko sila nang mawala ang alaala ko.Nagsuot lang ako ng isang kulay black na formal dress at doll shoes habang si Josiah naman ay nakasuot ng isang color blue navy longsleeves polo at jeans. Ang gwapo niyang tignan ngayon at sigurado akong magiging center of attention na naman siya sa oras na makita siya ng ibang tao.Hinawakan ni Josiah ang kamay ko nang makita niyang kinakabahan ako habang papasok na kami sa restaurant na kung saan ay makikita ko na ang buong pamilya niya."Just relax." Sabi niya para pakalmahin ako.Tumango nalang ako hanggang sa makapasok na kam
Read more

Chapter 16

Magmula nang guluhin ako nung lalake sa restaurant ay hindi na ako pwedeng makalabas ng bahay at utos iyon ni Josiah. Sinabi niyang marami daw talagang mga baliw na tao ang nagkalat sa labas at ayaw na niya akong mapahamak ulit kaya mas mabuti pang dito nalang daw muna ako sa bahay.Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin nung chinitong lalake sa restaurant. Para bang siguradong-sigurado siya na ako 'yung babaeng tinutukoy niya at tinawag niya pa ako sa pangalang Mirae. Parang narinig ko na rin ang pangalang iyon kaya lang ay hindi ko na matandaan kung saan o kailan.Nagtitiwala naman ako kay Josiah dahil kahit ang pamilya niya ay kilala na ako kaya imposibleng ako talaga ang tinutukoy nung lalake. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may pumasok na pala sa loob ng kwarto.Si Andy."Hi!" Nakangiting bati niya habang nakatingin lang ako sa kanya.Isang linggo na rin simula nang hindi ko siya nakita. Nakasuot ito ng v-neck black shirt at jeans at napansin ko
Read more

Chapter 17

Nang magising ako ay tila natulala nalang ako at kaagad pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Nawala lang ako sa katinuan nang gabing iyon pero natatandaan ko pa rin ang mga nangyari.Gusto kong humagulgol ng iyak pero hindi ko magawa dahil namanhid na ako habang nakayakap sa akin ang lalakeng minahal ko pero hindi ko alam na sisirain pala ako. Ang akala ko ay rerespetuhin niya ako pero nagkakamali pala ako.Tama nga si Andy nung araw na nag-away sila ni Josiah, pareho silang baliw na dalawa.Naramdaman kong unti-unting nagigising si Josiah sa pagkakatulog nito. Nakayakap ito sa akin habang parehas kaming walang saplot sa ilalim ng kumot. Naaalala ko pa ang ginawa nila sa akin ni Andy. Mahal ko si Josiah pero hindi ko lang matanggap na kaya niya rin akong ibigay kay Andy.Ang sakit-sakit."Good morning, wife." Bulong sa akin ni Josiah at hinalikan nito ang leeg ko.Hindi ako makapagsalita at nanatili nalang na tahimik. Kung umakto siya ay parang hindi ito nakokonsensya sa gina
Read more

Chapter 18

Naiilang ako at halos hindi makatingin sa lalakeng kaharap ko ngayon. Matapos ang eksena namin kanina ay kumalma na rin ako mula sa pag-iyak ko at ngayon nga ay nakaupo lang kami sa isang bench habang magkatabi.Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kahit nakaharap ako sa view ng dagat mula dito sa seaside ng MOA. Bigla ay hinawakan niya ang isang kamay ko dahilan para mapagitla ako sa ginawa niya."Okay ka na ba?" Tanong ni Jonas.Tumango naman ako at humarap sa kanya.Gwapo siya, matangkad, moreno at attractive din. Kung gwapo siya sa picture ay mas gwapo siya sa personal."Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa lahat ng nangyayari at sa mga sinabi mo sa akin pero isa lang ang nasisigurado ko, nagsinungaling ang taong kumupkop sa akin." Ngumiti ako ng malungkot at huminga ng malalim para mapigilan ulit ang sarili ko sa pag-iyak.Ayoko pa munang umuwi kaagad sa bahay ni Josiah. Gusto ko munang mapag-isa at malaman ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko. Gusto ko rin siyang kausap
Read more

Chapter 19

Pagkatapos kong umalis mula sa bahay nila Josiah ay mabigat ang loob ko na sumama kay Jonas, ang lalakeng minahal ko at ang tunay kong pamilya.Ngayon ay nandito ako sa condo unit ni Jonas sa Pasay at ikwinento niya ang lahat mula sa pagkatao ko hanggang sa mawala ako at hindi na muling nakita pa. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil kahit wala akong maalala ay ramdam ko ang hirap at sakit ng mga pinagdaanan namin sa kamay ni Ysmael Buenavista.Si Ysmael Buenavista daw ay anak ng yumaong si Mayor Yñigo Buenavista ng San Alfonso at dahil nga namatay si Mayor Yñigo dahil sa isang car accident 4 years ago ay si Ysmael na anak niya ang pumalit dito. Siya ang lalakeng kumidnap sa amin ni Jonas bago kami nagbalak sanang pumunta ng Maynila para mag-apply ng trabaho.Ikwento rin sa akin ni Jonas na nagising na lamang siya na nasa labas ng kanilang bahay na puno ng sugat at pasa sa buong katawan at doon ay nawala ako. Sinabi niya sa akin na kahit halos wala na siyang malay nung mga oras na iyon
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status