Home / Romance / Steffano Brothers' Obsession / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Steffano Brothers' Obsession: Kabanata 31 - Kabanata 40

52 Kabanata

Chapter 30

Yareli's POV "REALLY? You did that, Irvin? You're such a bad guy, brother!" tumatawang sabi ni Grant na ikinatawa ni Irvin. "If you saw his pitiful state, I'm sure you would also find joy in the way that man looked after I beat him up. He even had the audacity to talk to me about Yareli. I got pissed, that's why binugbog ko 'yong Ezekiel na 'yon hanggang sa hindi na siya makalakad." sabi ni Irvin na ikinagulat ko. Binugbog ni Irvin si Ezekiel? Pero bakit? Ano bang nagawang masama ni Ezekiel sa kanya? "Oh? So he's playing knight-in-shining-armor? Alam na ba ni River 'tong ginawa mo?" tanong ni Grant. "Alam niya, bro. 'Wag ko lang daw 'to ipaalam kay Yareli--" Mula sa pagkakasandal ko sa pintuan sa loob ng CR ay lumabas ako rito na ikinalingon nina Grant at Irvin. Kaagad akong lumapit kay Irvin at sinampal siya sa mukha na ikinabigla niya, maging pati si Grant. "Bakit mo binugbog si Ezekiel? Dahil ba 'to sa akin, ha?!" galit kong sabi. Tumiim-bagang si Irvin habang hawak ang pisn
Magbasa pa

Chapter 31

Third Person's POV UMILING ang mag-asawang sina Yasmin at Emilio habang pinagmamasdan ang panganay nilang anak na si Yasewah na halos magpakalunod sa alak habang hawak ang picture frame ng kapatid na si Yareli. Katulad ni Juancho ay sobrang apektado rin sa pagkawala ni Yareli si Yasewah. Masyado itong malapit sa kapatid na babae at ni minsan ay hindi siya naghanap ng nobya dahil sapat na sa kanya ang maibaling ang kanyang atensyon at pagmamahal sa kapatid. Suportado niya si Yareli sa mga gusto nito sa buhay at ayaw nga niyang madapuan man lang ito ng lamok dahil sa sobrang pag-iingat at pagprotekta niya rito. Kaya nung nalaman niyang niloko at sinaktan ito ni Juancho ay nasaktan din siya nang ilang linggong umiiyak si Yareli sa loob ng kuwarto nito. Ilang linggo nang hindi nakakapasok si Yasewah sa trabaho dahil mas pinili nitong samahan si Juancho sa patuloy pa rin na paghahanap kay Yareli, at sa gabi naman ay nagpapakalunod siya sa alak at nagkukulong sa loob ng kuwarto para gunit
Magbasa pa

Chapter 32

Yareli's POV NAWAWALAN na ako nang pag-asang makaalis sa isla na ito. Pagod na pagod na rin akong mag-isip at mag-alala sa mga taong nasa paligid ko. Minsan naisip ko na gusto ko na lang magpakamatay pero hindi ko maituloy. Bakit ko naman gagawin iyon? Bakit ko kikitilin ang buhay ko para lang hindi na ako mahirapan pa mula sa mga kamay ng Steffano? Para ko na ring hinayaang manalo sila laban sa akin kung gagawin ko iyon. Sa kabila ng lahat ng nangyayari sa akin, kahit nawawalan na ako nang pag-asa ay hindi ko pa rin makalilimutan na magdasal palagi para bigyan pa ako ng gabay at lakas sa mga susunod pang araw. Ipinapanalangin ko na sana ay lumambot ang puso ng magkakapatid at mapagtanto nila ang mga maling ginagawa nila sa akin. Umaasa pa rin ako na magbabago at gagaling sila sa kanilang kondisyon. Nakatanaw ako muli sa labas ng bintana at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang inaakyat ni Ezekiel ang balkonahe ng kuwarto kung nasaan ako. Nagpalinga-linga ako kung nasa paligid l
Magbasa pa

Chapter 33

Third Person's POV PAGKARATING sa isla ay binato ni Grant si Yareli sa kanilang malaking kama. Kanina pa nanggagalaiti ang magkakapatid sa dalaga dahil sa tangka ulit nitong pagtakas mula sa kanila sa pangalawang pagkakataon at kasabwat pa nito ang caretaker ng isla na si Ezekiel na walang awang pinagbabaril ni Efraim kanina. "Patawad. . ." malungkot na saad ni Yareli. Sa aktuwal na nangyari kanina sa sinapit ni Ezekiel ay hindi na mabubura iyon sa isipan ni Yareli. Pinanood niya lang ang mabuting kaibigan na walang awang pinagbabaril ni Efraim. Hindi na niya masisigurado kung pagkatapos nang pangyayaring iyon ay magiging normal pa ulit ang kanyang buhay. "Hubad." matigas na utos ni River na ikinalaki ng mga mata Yareli. "R-River. . ." sambit ng dalaga. Malamig na tiningnan ni River si Yareli. Ni hindi na rin ito mabakasan ng awa sa mukha. Malayong-malayo sa River na palaging humihingi ng tawad at nag-aalala sa kalagayan niya. "Yareli, it's your fault kung bakit namatay si Ezeki
Magbasa pa

Chapter 34

Yareli's POV KANINA pa ako gising pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang igalaw ang buong katawan ko. Ginusto ko ang nangyari sa amin at nadala ako sa emosyon at temptasyon, pero hindi pa rin mawala ang galit na nararamdaman ko sa kanila. Ano pa ba ang kaya nilang gawin sa akin na mas lalong magpapasakit sa kalooban ko? Pinatay nila ang tanging naging kaibigan ko na nagmalasakit sa akin, saktan ako, at sumbatan ako sa mga nagawa kong kasalanan na hindi ko naman ninais ay ano pa kaya ang susunod? Nagdarasal naman ako palagi sa at wala akong inagrabyadong tao, naging mapagmahal at mabait ako sa mga taong nasa paligid ko, pero bakit puro sakit at paghihirap na lang ang naging kapalit nang lahat ng nagawa kong mabuti sa mundong ito? Bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Wala na akong mailuha. Wala na rin akong lakas para magsalita at depensahan ang sarili ko sa magkakapatid na iyon dahil alam kong hindi nila ako papakinggan. Ano nang mangyayari sa buhay ko? Kaya ko pa bang
Magbasa pa

Chapter 35

Third Person's POV AYAW mang sumama ni Ronnie sa paligang gaganapin ngayon sa plaza sa bayan ng San Felicidad ay kinailangan niyang sumali dahil sa laki ng cash prize na makukuha nila ng mga kagrupo niya sa basketball kung sakaling manalo sila laban sa kabilang grupo ng San Andres. Gusto niyang tuluyang iwasan si Jestin dahil sa nakaraang engkuwentro nila. Tinapos na nito ang pagkakaibigan nila dahil sa inggit at selos nito sa kanya, ngunit wala siyang magawa dahil kagrupo niya ito sa basketball kasama si Lorenzo at ang anim pa nilang mga kamiyembro. Mas pipiliin na lang niyang ilaan ang oras sa paghahanap kay Yareli, pero dahil kailangan ni Lorenzo ng pera para sa pambili ng gatas at maintenance ng ina nitong may sakit na high blood kahit papaano'y gusto niyang makatulong sa _tunay_ niyang kaibigan. May pag-asa rin na makabili siya muli ng bagong cellphone na magagamit niya sa pag-vi-video call sa panganay niyang kapatid na nasa Middle East. Nagkita-kita sila Ronnie, Jestin, Lorenz
Magbasa pa

Chapter 36

Yareli's POV SA hirap at sakit na pinagdaraanan ko ay itinuloy ko pa ring pinakasamahan nang maayos ang magkakapatid na Steffano. Isang linggo na lang ang natitira at makakalaya na ako sa kanila gaya ng ipinangako sa akin ni Grant. Ramdam ko ang paninibago nila sa mga ikinikilos ko dahil sa maganda at maayos kong pagtrato sa kanila. Hindi naman sila nagtatanong sa akin kung bakit umaakto ako nang ganito na ikinahinga ko nang maluwag. Kasalukuyan akong kumakain nang pumasok sa loob ng kuwarto ang limang magkakapatid. Nakangiti sila habang si Efraim ay blangko pa ang ekspresyon ng mukha na inaasahan ko na. "Babe, pupunta tayo sa bayan. Pumayag sila River na makalabas ka para makapaglibang man lang," nakangiting sabi ni Grant nang lumapit sa akin. "Talaga?" tanong ko at tiningnan si River na nakangiti rin. "Yup! Gusto ulit naming makabawi sa'yo dahil sa nagawa namin. Mag-ayos ka na at aalis na tayo ngayon," ani River. Mabilis kong inubos ang pagkain ko at saka naligo at nagsipilyo.
Magbasa pa

Chapter 37

Yareli's POV KINAKABAHAN ako. Sa isang iglap lang ay nandito na ako sa labas ng bahay na una kong kinalakihan at kinagisnan. Tinupad ni Grant ang sinabi niya sa akin na pagkatapos nang dalawang linggo na maganda at maayos kong pakikitungo sa kanilang magkakapatid ay palalayain niya ako at muling ibabalik sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, kahit ang kapalit ay ang pagtraydor niya sa mga kapatid niya, pero baka napagtanto niyang mali ang ginagawa nila sa akin. Kailangan ko rin na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ezekiel. Alam kong nakamasid sa akin si Grant sa paligid habang nasa labas pa rin ako ng bahay namin at kinakabahan sa magiging reaksyon ng pamilya ko sa oras na makita nila ako. Huminga ako nang malalim at unti-unting humakbang, pero hindi pa ako nakakalapit sa labas ng pintuan ay may nakita akong dalawang taong magkapatong at naghahalikan sa mismong sofa namin. Naaaninag ko sila sa labas ng bintana. Si Juancho ito at ang dati niyang nobya na si
Magbasa pa

Chapter 38

Amir's POV GUSTO kong matawa sa pinagsasabi ni Dad sa aming limang magkakapatid at kay Juancho. Paano ko naging kakambal si Juancho? Magkamukha ba kami para maging kambal? At isa pa, I hate this moron, ni hindi nga kami magkasundo niyan, e, kaya paano ko siya magiging fraternal twin kung wala naman akong maramdamang lukso ng dugo sa kanya? I didn't hesitate to punch Juancho's goddamn face, which caused chaos inside the mansion. Grant already sent Yareli back to her family, and we will only find out from River, Efraim, and Irvin that this bastard of a man cheated on Yareli with Amanda! Ano ang karapatan niyang pagtaksilan si Yareli na babaeng kinababaliwan namin magkakapatid na Steffano? Napakasuwerte niya dahil siya ang minahal ni Yareli, tapos sasaktan niya lang ang babaeng mahal namin? "Amir, don't hurt your brother!" pag-awat sa akin ni Dad dahilan para kuwelyuhan ko siya habang nanginginig ang mga kamao ko sa galit. "What? He is my brother? I have no time for your jokes, Dad!
Magbasa pa

Chapter 39

Yareli's POV NASA bahay namin si Mayet kasama si Jestin. Kinakumusta ako ng mga ito sa biglang pagkawala ko. Alam kong marami silang gustong itanong sa akin pero mas pinili na lang nilang hindi na magtanong dahil naramdaman nilang ayoko munang pag-usapan ang mga nangyari sa akin. "Nangupahan daw d'yan si Juancho sa pinaparentahang paupahan ni Aling Pacing sabi ni Kuya Dante." sabi ni Mayet na ikinahinto ko. Nalaman ko lang kahapon kay Amir na kakambal niya si Juancho at hindi ito tunay na anak nina Governor Vicente at Madame Josefina. Nang makita ko na umiiyak si Amir ay hindi ko mapigilang maawa para rito. Kahit sinong tao, kapag nalaman mong kakambal mo pala ang taong ipinakilala sa'yo bilang pinsan mo ay hindi mo maiwasang masaktan. Kaya pala gano'n na lang ang malaking pagkakahawig nina Juancho at Amir na napapansin ko noon pa dahil magkapatid pala sila at magkakambal pa. "Gano'n ba," tangi kong nasabi. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na pinagtaksilan ako ni Juancho
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status