Home / Romance / Steffano Brothers' Obsession / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Steffano Brothers' Obsession: Kabanata 21 - Kabanata 30

52 Kabanata

Chapter 20

Yareli's POV NAGISING ako nang may nakayakap sa tabi ko. Sina Grant at Amir ito. Si Grant ay walang suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lang ito samantalang si Amir ay suot ang puting sando at shorts. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mga mukha nila na mahimbing na natutulog. Ang guwapo na sana, kaso ay mga kidnapper pala. Sa kaguwapuhan ng magkakapatid ay imposibleng walang babaeng nagkakagusto sa kanila. Mga babaeng taga Maynila na mas maganda, mayaman, elegante, at sopistikada hindi katulad ko na mahirap na nga at wala pang maipagmamalaki. Ano ba ang nakain nila at ako ang nagustohan nila? Bukod sa mahirap ako, simple lang, hindi marunong mag-ayos, at wala pang maipagmamalaki sa buhay ay bakit ako ang natipuhan nila? Ano ba ang mayroon sa akin para magawa nila ang bagay na ito? Pilit kong tinatanggal ang mga braso nina Grant at Amir na nakayakap sa baywang at mga braso ko. Sa laki ng katawan nila at matatangkad pa ay para silang mga tore sa pagitan ko. "Let's sleep for
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 21

Yareli'S POV ALAS-dose na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Simula nang lumabas kanina sa loob ng kuwarto sina Grant at Amir ay hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon. Mas mabuti na iyon dahil ayoko munang makita sila. Pinipilit kong magpakatatag para sa pamilya ko. Hindi puwedeng magpakita ako nang kahinaan sa sitwasyon ko dahil baka aakalain ng Steffano brothers na hindi ko sila kayang kalabanin. Sana matigil na ang kahibangan nila sa akin dahil may nobyo na ako at pinsan pa nila. Ayoko rin maramdaman pa itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanila kaya hangga't maaga pa ay kalilimutan at pipigilan ko na ito. Bigla ay bumukas ang pintuan ng kuwarto kung nasaan ako at pumasok si River na may nakasabit na itim na bag sa kanyang balikat. Nakasuot siya ng grey v-neck shirt at pantalon habang magulo ang buhok. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at saka lumapit sa akin. Akmang hahalikan na sana niya ako sa pisngi nang umiwas ako. Nawala ang ngiti niya at napayuko na lan
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 22

Yareli's POV KINABUKASAN ay iniisip ko pa rin ang mga baril at balisong na nakalagay sa itim na bag ni River. Saan niya nakuha ang mga iyon? at bakit mayroon siyang gano'n? Hindi ko magawang makapagtanong sa kanya kung para saan ba ang mga armadong bagay na iyon dahil natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin. Hindi ko pa rin siya kayang husgahan, at magawang paniwalaan ang mga sinabi ni Grant na delikadong tao si River. "Does it taste good?" nakangiting tanong ni River habang pinagmamasdan akong kumakain ng niluto niyang Adobong manok at Afritada. Bukod sa magaling siyang kumanta ay marunong din siyang magluto. Masarap ang mga niluto niyang pagkain. Bakit hindi man lang namana nina Grant at Amir ang galing ni River pagdating sa pagluluto? "Masarap siya," mahina kong sabi na ikinangiti ni River. "I'm glad you like it. Ako lang ang marunong magluto sa aming magkakapatid, and wanna know why? Dahil palagi kong tinitingnan kung paano magluto si Mom noong bata pa lang ako." sabi ni
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 23

Grant's POV KATATAPOS lang tanggalin ni Eula ang bala sa binti ni Yareli at magamot ang sugat nito sa paa na nagka-sprain. Eula is our cousin at anak na babae siya nina Tito Semini at Tita Agnes. Mabuti na lang at Doctor siya, at isa sa pinagkakatiwalaan naming magkakapatid that's why we called her para gamotin si Yareli. "Grant, I don't know why all of you are doing this to a fragile girl like her. Hanggang kailan n'yo ba siya balak itago sa isla na 'to? Juancho is still looking for her, and it's not unlikely that he will find you." Eula said while staring at Yareli, who is still unconscious in bed. "We know, but we have no choice. She loves Juancho, and we want her so badly. Kilala mo kaming magkakapatid, Eula, at ngayon lang kami nabaliw nang ganito dahil sa isang babae," I said, frustratedly combing my hair. "Nakikita ko naman 'yon sa inyo, at hindi ko aakalaing magagawa n'yo 'to sa kanya. River almost killed her. Alam mong siya ang pinakanaka-trigger ng sakit ng Dad n'yo. Kapa
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 24

Jestin's POV KANINA pa namin hindi maawat si Ronnie sa pag-inom ng alak, at nandito siya ngayon sa bahay namin. Hindi siya puwedeng uminom sa bahay nila dahil paniguradong papagalitan siya ng Nanay at Tatay niya kapag ginawa iyon doon. Mahigit isang linggo na ring nawawala si Yareli, at patuloy kaming mga kaibigan niya, ang pamilya niya, at si Juancho sa paghahanap sa kanya. Kakatapos lang naming magbigay ng flyers sa iba't-ibang sitio ng San Felicidad, at umaasa kaming may nakakita kay Yareli. Nang mawala siya, kasabay rin ang pagkawala ng magkakapatid na Steffano. Posibleng dinukot ng mga ito si Yareli dahil alam namin nina Mayet at Ronnie na may gusto kay Yareli ang mga lalaking iyon. "Kung kailan gusto ko nang ipagtapat sa kanya na mahal ko siya, saka pa siya nawala!" sabi ni Ronnie na nasa matinding kalasingan. Mga bata pa lang kami, alam ko nang mahal niya si Yareli. May nararamdaman din ako kay Yareli noon, pero nagpaubaya ako kay Ronnie dahil kaibigan ko siya at ayokong mag
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 25

Yareli's POV DAIG ko pa ang baldado sa kalagayan ko. Halos hindi ko maigalaw ang binti ko, at pakiramdam ko ay para akong na-stroke. Medyo masakit pa ang binti ko na may tama ng bala, at ang kanang paa ko naman ay napilayan. Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang tangka kong pagtakas sa isla na ito. Kahit galit ako sa Steffano brothers, hinayaan ko na silang mag-alaga sa akin dahil kasalanan din nila kung bakit ko tinangkang tumakas. Hindi nila ako tinatabihan sa pagtulog, at salamat na rin na kahit papaano'y marunong silang makiramdam. Sa ibang kuwarto ng bahay na ito sila natutulog ngayon. At sa lalaking dahilan kung bakit hindi ako makalakad nang maayos, ni hindi na ito nagpapakita sa akin. Nagkukulong lang daw ito sa loob ng kuwarto, sabi ni Grant, at kung minsan ay umaalis nang walang pasabi sa mga kapatid niya. "Do you feel well now?" tanong ni Efraim pagkapasok niya sa loob ng kuwarto. May dala itong isang plato ng mga prutas at orange juice. Inilapag niya ito sa
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 26

River's POV I gently caress Yareli's beautiful and innocent face as she sleeps beside me. I never thought she would forgive me for what I did. I almost killed her, but she still accepts me and my condition. What a lovely woman she is, so quick to forgive my self-created drama. It only makes us desire her more, and she can never go back to Juancho. Biglang pumasok sa loob ng kuwarto namin sila Irvin, Grant, at Amir. I don't know where's Efraim. My three brothers looks shocked nang makita nilang nasa tabi ko si Yareli na mahimbing na natutulog. "Bati na kayo?" Grant asked me. "Uhm. . . yeah. I cried and begged her to forgive me," I say, smiling at them. "You're insane, bro. We know that's just one of your ways to gain her trust," Irvin says seriously Itinaas ko ang isang kamay ko. "What? Totoo na nagsisisi na 'ko sa nagawa ko kay Yareli." sabi ko na ikinailing nila. "We know you, River," Amir said, rolling his eyes. Mahina akong natawa at bumangon sa tabi ni Yareli. "I did that p
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 27

Yareli's POV KINABUKASAN ay nagising ako nang ako lang ulit ang mag-isa sa kama. Iyong tama ng bala sa binti ko at pilay ko sa paa ay medyo gumagaling na at hindi na masyadong masakit. Nang tiningnan ko ang lamesa ay puno ito ng iba't-ibang klase ng pagkain. Napabuntonghininga ako. Kailangan kong intindihin ang kondisyon ng Steffano brothers lalo na si River. Naaawa ako sa kanya at naaalala ko pa rin 'yong araw na umiyak siya sa harapan ko at nagsisisi sa nagawa niyang kasalanan sa akin. Kahit nasasaktan ako sa sinapit ko, at sa tingin ko ay ako pa rin ang agrabyado ay pinatawad ko na lang siya dahil umaasa ako na balang araw ay maiisip din nila na mali itong ginagawa nila at hindi sagot ang pagdukot sa akin para lang makuha ako. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa CR para maligo at maglinis ng sarili. Hindi ko alam kung nasaan ang limang magkakapatid pero sa tingin ko ay babalik rin sila mamaya. Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis ng isang kulay berdeng t-shirt at cotton shorts sa
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 28

Yareli's POV SINUBUKAN ko ang sariling pakisamahan nang maayos ang magkakapatid na Steffano. Isang linggo na rin ang nakalilipas at mabuti na ang kalagayan ko. Hindi na ako nagreklamo kung kinukulong nila ako sa loob ng kuwarto namin. Hangga't wala silang ginagawang masama ay hinahayaan ko muna ang lahat. Iniintindi ko ang kondisyon ng magkakapatid. Normal lang naman ang ikinikilos ng mga ito sa ngayon. Mabuti at maayos ang pakikitungo nila sa akin. Hindi na rin naulit pa ang muntikanng gawin sa akin ni Amir. Kapag naaalala ko lang 'yon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensiya at hiya nang dahil kay Juancho. Kahit ako ay sobra na ring nalilito sa nararamdaman ko. Pero isa lang ang alam ko, hindi na katulad nang dati ang nararamdaman ko para kay Juancho. "Let's have a picnic outside?" biglang pag-anyaya ni River habang nagsusuklay ako ng buhok dahil kakatapos ko lang maligo. "T-Talaga? Papayagan mo akong lumabas dito sa bahay?" gulat kong tanong. Tumango si River at saka luma
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa

Chapter 29

Irvin's POV "HEY!" Lumingon sa akin ang caretaker ng isla na si Ezekiel nang dahil sa pagtawag ko sa kanya. "Bakit po, Sir--" Hindi na ako nakapagtimpi at kaagad siyang sinuntok sa mukha na ikinaatras niya. Sinuntok ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon, sa sikmura naman niya. Napangiwi ito sa sakit na mas lalo kong ikinatuwa. "You deserve that for flirting Yareli. Ang akala mo ba natutuwa ako sa'yo? Hindi dahil ayoko na nakikipaglapit ka sa kanya!" sigaw ko at dinuro siya. Umubo ng dugo ang lalaking ito at hindi niya ako magawang labanan. I remember Yareli's friend, Ronnie. They are both cowards and can't defend themselves. Hindi pa ako nasiyahan sa ginawa ko kaya tinadyakan ko si Ezekiel sa tagiliran na ikinatumba niya sa buhanginan. "Tumayo ka d'yan! Labanan mo 'ko, at 'wag kang duwag!" Sinamaan niya ako ng tingin. "A-Alam ko ang ginawa n'yo kay Ma'am Yareli at hindi niya dapat dinaranas ang pagpapahirap ninyo sa kanya." nahihirapan niyang sabi habang iniinda ang mga natam
last updateHuling Na-update : 2023-11-13
Magbasa pa
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status