ALEJANDRO FERNANDEZNagsimula na kaming kumain ni Niffa. Sinadya kong hindi tumingin sa direksiyon ni Niffa dahil baka magtanong na naman siya ng kung ano sa 'kin. Saka tahimik lang din naman siyang kumakain. Now that she is here, I couldn't focus on my work and I didn't even make a move about Blue's issue. I will definitely do it after this. However, I am having a second thoughts of leaving the house to this woman. I don't even know her that much. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Uy! Aleja, masama ang bumuntong hininga sa tapat ng pagkain at baka malasin ka," nakangiti akong binalingan ng tingin ni Niffa pero sinimangutan ko lang siya. "Minalas na nga kahapon pa," pasimple kong sagot sa kanya at saka muling kumain. Pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lang humagikgik ng tawa si Niffa na nakaupo sa harapan ko. Sinamaan ko nga siya ng tingin dahil muntikan pang tumalsik ang kinakain niyang kanin sa harapan ko. Hindi talaga kayang umayos ng tao na 'to! "Why
Read more