KylieNakasakay na kami ngayon sa jet ski ni Ellen. Papunta na kami ngayon sa kabilang isla. Kung saan ay e lilibot ko siya doon. Lihim naman na nangingiti ako. Paano naman kasi ay ang higpit ng yakap sa akin ngayon si Ellen habang mabilis na pinapatakbo ko yung jet ski. Sana pala medyo bagalan ko para naman matagal kami na makarating sa kabilang isla. Pero sabi nga lahat ng saya ay nag wawakas din. Dahil hindi nag tagal ay nandito na kami ngayon. Agad naman na itinabi ko na yung jet ski at nag lakad na kami sa dalampasigan ni Ellen. Naka hawak kamay naman ako sa kanya at wala naman akong naririnig na reklamo mula dito kaya naman natuwa ako sa bagay na yun. Para na nga sanay na sanay na ang aking kamay na basta magkasama kami nito ay naka hawak na ito kaagad sa kanya. Kusa na lang kasi na gumagalaw ito at hinahanap ang kamay niya na perfect at saktong sakto naman sa kamay ko. Kung sa malayuan ay maganda na ang isla. Higit na mas maganda ito lalo na kapag naikot mo siya ng buo na
Last Updated : 2023-10-31 Read more