KylieMatapos na makipag talo ako sa aking sarili ay tumingin na muli ako kay Ellen na ngayon nga ay naka kunot ang noo sa akin. Nag tataka siguro ito kung bakit para akong tanga ngayon. Hayst kung alam lang talaga nito ang tumatakbo sa utak ko ngayon ay baka hindi na ako nito palabasin pa dito ng buhay. "Ano na ang nangyayari sayo Kylie? Para kang tanga dyan?" hindi na naka tiis na tanong nito s akin. "Ah wala lang to. huwag mo na akong pansinin pa Ellen." nahihiya na sagot ko naman sa kanya. "Gutom ka na ba? Gusto mo mauna na tayong kumain kila Dad. Para ka kasing nagutuman na ewan e." hindi pa rin tumitigil na tanong nito s akin. Nag suggestions pa na mauna na daw kaming kumain. Kung alam mo lang talaga Ellen baka hindi kana lang kumain pa. "Ano ka ba okay nga lang ako. May iniisip lang kasi ako na pwedeng gawin sa pictorials na gaganapin sa palawan pero nag da dalawang isip pa ako. Kaya mukha lang akong nakikipag talo sa aking sarili. Pero wala na okay na. hmmm" Sagot ko dito.
Huling Na-update : 2023-10-28 Magbasa pa