StephanieMaaga akong nagising ngayong araw na ito. First day of school kasi kaya naman kailangan ko talaga mag aga ng pasok. Hindi ko pa kasi nakukuha sa registrar ang aking schedule. Tinamad na kasi akong bumalik sa school noong nakaraang Linggo upang kunin sana ang schedule ko. Ginawa ko muna ang aking daily routine at nagmamadali ng bumaba sa hagdanan. Tumuloy na ako kaagad sa may kitchen at naabutan ko doon si Manang na busy na sa pagluluto. "Good morning po Manang Melba" pagbati ko kaagad dito ng makalapit ako sa kanya. "Good morning din naman Stephanie, umupo kana dyan at ipaghahanda na kita ng makakain mo." Nakangiti nitong bati sa akin pabalik. Umupo naman na ako kaagad at nag hintay na lang sa inihahanda nitong breakfast ko. "Manang sila Mommy po? Bumaba na po ba sila?" Tanong ko dito pagdakaHindi ko pa kasi nakikita ang mga ito. Usually kasi ay na aabutan ko sila kapag mga ganitong oras. "Ay kanina pa naka alis. May business meeting daw sila ng maaga ngayon kaya ng
Last Updated : 2023-09-03 Read more