"Congratulations, Maxine!" masaya at masiglang bungad ni Helen kay Maxine, kasabay ng pagpapaputok nito ng party popper."Congrats, Maxine!" masayang bati rin naman ni Marikris kay Maxine habang dala-dala ang isang cake."Thank you!" masayang wika naman ni Maxine sa dalawang sumalubong sa kanya."I am so proud of you, Max," nakangiting sabi ni Helen sa kanya at masaya niya naman itong hinagkan."Thank you, Tita Helen," tugon niya rito.Helen Choi is her manager. Ito ang nagtiyaga at tumulong sa kanya sa larangan ng showbiz. Nakilala niya ito noong nag-enroll siya sa isang acting classes noong labing-siyam na taong gulang pa lamang siya. Isa kasi si Helen sa naging guest speaker noon. Isa rin kasi itong writer at mabilis naman na gumaan ang loob niya rito."Halika na at kumain na tayo," yaya sa kanila ni Marikris at dumeretsyo na ito sa may dinning table. Agad naman silang sumunod dito.Marikris is her auntie. Ito ang ina ng pinsan niyang si Summer at ito na rin ang nag-alaga sa kanya
Read more