ARIAKumakalam ang sikmura ko nang maglabas ng malalim na paghinga sa kawalan. Ano ba itong nararamdaman kong katamaran sa araw na ‘to? Para akong baliw, e. Sabi ko pa naman kanina ay magiging good vibes lang ako kahit puro bad vibes natanggap ko sa buhay kahapon. Kaso gutom naman ako ngayon, ang ending tuloy ay masama pa rin ang mukha ko.Kapag gutom talaga ako, wala ako sa sariling katinuan. Kanina pa ako nakatulala sa bintana ng classroom habang nagle-lecture si Ma’am Santos, teacher ko ito sa isa sa mga major subject ko this semester. Alam kong alanganin ako sa subject na ito, pero hindi ko mapigilan matulala. Isa’t kalahating oras pa ako magtitiis bago mag-lunch break, nakaiiyak.Ang daya rin kasi ng dalawa kong kaibigan, palaging excuse dahil sa mga sinasalihan na extracurricular activities ng Easton University. Bakit kasi hindi ako naging matalino academically, diba? Sa lahat ng skills na pwedeng makuha, sa pakikipag-away pa. Ayan, ang dami ko tuloy problema sa buhay ngayon. Si
Magbasa pa