Chapter 4“How’s my son, Doc?” Humiwalay si Tyler mula sa pagkayayakap sa akin. Namumugto ang mga matang binalingan ko ng tingin ang kararating lamang na doktor. “Hindi pa tayo makasisigurado, kailangan pa ng mga test para masigurong walang malalang nangyari sa pagkakauntog ng ulo ng anak niyo. Naampat na ang pagdurugo nang kaniyang ulo, but we’re still hoping na walang internal bleeding. Kayo ang una naming sasabihan kapag lumabas na ang MRI.” Napuno nang mga hikbi ang buong hallway. “Ang anak ko, Tyler. . .” “Shh, it’s going to be alright. He’s going to be alright.” Ramdam ko ang pagaalala at alam kong puno ng walang kasiguraduhan ang sinasabi niya. Pero palagi ginagawa niya ang lahat para hindi mag-break down kagaya ko, ayaw niya akong sabayan ngayon. “Thank you,” iyan na lamang ang naiwika ko. “Ate! Anong nangyari kay Y? Ayos lang daw ba siya?” “Malalaman pa makalipas ng tatlong araw sabi ng doktor, Luna,” si Tyler na ang nagsalita para sa ’kin. Nakita ko ang paglungkot n
Huling Na-update : 2023-09-04 Magbasa pa