Hindi rin nagtagal ay natapos na ang party. Nagpaalam si Klaire sa kaniyang lolo’t lola at saka lumabas na ng lumang mansyon na ‘yon. Nakatayo sa labas sina Alejandro at Don Armando. “Thank you po sa pagsuporta sa akin, Don Armando,” magaling na saad ni Klaire sa matanda at nginitian ito. Nilabas niya ang kaniyang phone para sana mag-book ng grab o taxi ngunit nang makita ito ni Don Armando ay pinigilan siya. “Klaire, hija, masyado nang gabi para mag-book ka ng masasakyan.” Marahang tinapik ng Don ang likod ni Alejandro. “Ikaw, ihatid mo si Klaire sa tinitirhan niya nang matuwa naman ako sa ‘yo!” Lihim na napangiwi si Klaire. Alam niya kasing malaking abala pa na ihahatid siya ng mga ‘to lalo na’t medyo malayo ang villa sa tinitirhan ng mga ito. Ngunit alam din niyang kapag si Don Armando ang nagsalita ay hindi niya iyon mapahihindian. “Luke, you drive,” utos ni Alejandro sa tauhan niya, hindi na pinahindian ang matanda. Mabilis namang kumilos si Luke at saka pumasok sa kotse.
Magbasa pa