LiahMaagang umalis sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan, kaya nagdesisyon akong gumala sa garden para maglibang. Tahimik ang paligid, ang hangin ay banayad na humahaplos sa balat ko. Pero kahit na wala si Elijah, parang nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya, gaya ng dati—palaging nandiyan kahit wala naman sa harap ko."Liah," tawag ni Manang Ana mula sa likuran. "Samahan mo ako mamaya. Mag-grocery tayo. Maganda rin siguro na makalabas ka at makita mo ang paligid dito."Napatingin ako sa kanya, at may bahagyang excitement akong naramdaman. Matagal ko na rin gustong makalabas sa malaking bahay na ito. "Talaga po? Sige po! Gusto ko rin pong makapaglibot."Ngumiti siya, halatang natuwa sa sagot ko. "Aba, ayos! Pero ayusin mo na ang sarili mo, hija. Hindi tayo pwedeng magtagal kasi may mga kailangan pang bilhin para sa bahay."Pagkatapos naming mag-ayos, handa na kaming umalis nang biglang dumating ang isa sa mga bodyguard ni Elijah. May seryosong ekspresyon ang mukha niya, h
Huling Na-update : 2025-01-18 Magbasa pa