Malalim akong napahugot ng hangin habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. Paulit-ulit kong dina-dial ang number ni papa pero hindi ito sumasagot. Panigurado kasing nag-aalala na ito sa akin ngayon, imbes na bumalik sa office ay heto at nasa hospital ako. Nagbabantay sa isang tao na hindi ko naman kilala. Ni hindi ko nga alam kung ano'ng pangalan niya kaya nun'g tinatanong ako ng nurse kanina ay wala akong maisagot. Pagkatapos mag ring ng cellphone ko sa ika-tatlong beses ay binaba ko na lamang ito atsaka ako lumapit sa hanggang ngayon ay walang malay na lalaki. He was walking in the street, alone. Sobrang init at tirik na tirik ang daan ngunit na pag-tripan ng taong ito na maglakad-lakad. Nasa Protagonist phase yata ito, akala niya ay bida siya. Oo naglalakad din akong mag-isa sa gilid ng kalsada pero hindi ko naman plano na lakarin ang buong siyudad ng ganito kainit ang panahon! Napanguso ako sa inis. Nang makalapit ako sa lalaki at muli kong matitigan ang mukha niya ay doon na
Magbasa pa