ATHENA'S POV "EH, BAKIT ka nga hindi na papasok? Paano na kayo niyan?" Kasalukuyan akong nagtutupi noon ng damit na nilabhan ko kahapon. Kakauwi ko lang din galing sa eskuwelahan nila Ayden. At tatlong araw na akong hindi nga pumasok. Baka sa lunes, maghahanap ako ng pansamantalang mapapasukan dito. Sabi ni Nanay, may nakita siyang hiring sa palengke. Kahit na tindera lang doon, kakanain ko. "Marami pa namang mapapasukan, 'Nay." "Marami nga. Pero mukhang mas maganda na nga sana doon, e." "Sana," tanging sambit ko. Sadyang hininaan ko para hindi niya marinig. "'Wag po kayong mag-alala, 'Nay, makakahanap po ako nang mas higit pa doon. Saka hinihintay ko po ang balita sa pinag-deliveran ko kahapon." Ito 'yong kainan sa QC na umorder sa Ate ko. Hintayin ko lang daw ang balita kasi mag-feedback daw kaagad iyon sabi ni Ate. "Kung tuloy-tuloy siguro 'yan, baka hindi mo na kailangang magtrabaho pa." "Oo nga po, e." Sana nga. Para hindi ko na kailangang umalis pa ng bahay. Ilang beses ko
Last Updated : 2023-10-17 Read more