ATHENA'S POV "DON'T leave me, please," pakiusap ni Graeson sa akin mayamaya. Tumayo lang ako dahil may kukunin lang sana ako sa kusina. Nandito pa rin kami sa sala. Hindi ko naman siya kayang buhatin papunta sa silid niya. Saka nanghihina raw ang katawan niya kaya sa sofa na lang siya nahiga. "Babalik ako, okay? Kukuha lang ako ng soup. Hinintay talaga kitang magising." "O-okay. I thought aalis ka na." Bahagya siyang ngumiti sa akin. "H-hindi, wala kang kasama dito. Saka ihahatid na lang daw ni Isagani si Ayden bukas sa akin." Tumango siya sa akin. "Thank you," sinserong sabi niya sa akin kaya nginitian ko siya. Ganito pala bumait ang dragon. Pero sana manatili ang kabaitan niya, ano? Para hindi na rin ma-stress ang mga nasa paligid niya. Saka nagiging magandang lalaki siya tingnan kapag nakangiti at masaya. Para naman siyang balo na matanda kapag nakasimangot, namumukhang bugnutin din. Ano na kaya ang pakitungo niya sa opisina? Hindi na kasi ako nakikibalita sa mga dati kong
ATHENA'S POV "Mama! Nandito po sila Prince!" Napatigil ako sa pagkukusot nang marinig ang sinabi ni Ayden mula sa taas. Nandito ako sa banyo sa may baba. Mas malaki kasi ang banyo dito kaya dito ako naglalaba ng damit naming dalawa. Kakasara lang ng kainan noon at pasado alas otso na. Hanggang 7:30 lang talaga ang kainan namin dahil marami pa akong ginagawa. Gaya na lamang ng paggawa ng mga ide-deliver. Pero ngayon, wala pa dahil napadala ko na ang mga order. "Matulog ka na, anak! Masyado nang late!" ani ko imbes na paniwalaan siya. May pasok bukas kaya imposibleng pupunta dito si Prince. At sino ang kasama, si G? Busy din iyon sa trabaho. Hindi na kami nagkita ni GS pagkatapos ng araw na iyon. Pero tumatawag siya sa akin at nangungumusta. Lagi. Kahit na marami akong ginagawa sa araw, tumatawag siya. Minsan nga naiiwan kong naka-loudspeaker, pinapakinggan niya ang pinag-uusapan namin ng mga tauhan at mga customers ko. Super tiyaga niya rin. Ilang sandali na akonh nagkukuskos n
ATHENA'S POV"G..."Napahawak ako sa kamay niyang humahaplos sa aking hita.Hindi ako sumagot kanina kaya napaupo siya at lumapit sa akin. Nagulat na lang ako sinasamyo na niya ang aking buhok at ang kamay ay naglulumikot."I really missed you, Athena," bulong niya mayamaya sa akin. "Hindi mo ba ako na-miss?""N-na-miss... Pero hindi ito maari.""Why, hon? I'm sure, gusto mo rin. I can feel it." Muli niyang pinagapang ang kamay at palapit na iyon sa pagitan ng hita niya.Napakapit ako sa damit niya nang padaanin niya nang isang beses ang hiwa kong may suot pa."W-wag, G," pakiusap ko.Napabuntong-hininga siya pagkuwa'y tumigil. "Ano ba kasing pumipigil sa nararamdaman mo sa akin?""I-ikaw mismo.""What?! Me? H-how? It's obvious, isn't it?You have my surrender, hon.""G..." Naupo ako at humarap sa kanya. "Hindi maganda ang unang engkuwentro natin, naalala mo ba? At kahit na naging maganda ang samahan natin nitong nagdaan, hindi ko pa rin nakakalimutan iyon. Saka naipangako ko sa saril
GRAESON'S POVMABILIS ang takbo ko papuntang sasakyan ko nang makalabas ng kainan nila Athena. Hinintay ko pang makapasok ang ina niya bago ako tumakbo. Pero bago ako nakaalis ay narinig kong tinatanong niya si Prince kung kanino anak. Hindi ko na narinig ang sinagot ni Athena. Baka kasi biglang dumaan din ang kapatid niyang ayaw sa akin. Yes, tahasan niyang sinabi sa akin ang lahat nang araw na dumalaw siya sa bahay ko mismo. Kaya wala na nga akong maihaharap sa kanila talaga. Sinasamantala ko lang ang kalagayan ni Athena dahil alam kong babalik kami sa dati. Napamura ako pagkapasok ko nang maalala ang telepono ko. Naiwan ko yata sa mesa nila Athena! Napahampas ako sa manibela at hindi sinasadyang matamaan ang busina kaya napatingin ako sa bahay nila Athena, partikular na sa bintana. Napalabi ako nang marinig ang pagbukas ng binatana nila. Buti na lang, tinted ang salamin. Baka lapitan pa ng ina ni Athena kaya iginiya ko na ang sarili ko paalis. Tatawagan ko na lang si Athena mama
ATHENA’S POV "KIM, anong ginagawa mo dito?" Kaagad kong sinalubong ang pababa ng pick-up. Si Kim ay kapatid ni Ma'am Carla. Nakilala ko lang din siya sa restaurant nila. Laging siya ang nagre-receive ng mga dini-deliver ko. "Hindi ba naitawag ni Ate Carla na ako ang magpi-pick up ng mga order niya?" Saglit akong natigilan. Oo nga pala, naitawag na ito sa akin kahapon. Akala ko naman isa sa mga tauhan ni Ma'am, si Kim pala. "Naitawag niya pero ang akala ko isa sa tauhan niyo." "Oh, ako ang laging walang ginagawa kaya ako na ang nagprisinta." Ngumiti siya sa akin. Tumingin siya sa kainan ko. Anim lang ang mesa doon, at hindi ganoon kalaki. Pero hindi nawawalan ng customer. Kaya masuwerte rin ang puwesto ko. Malapit din kasi sa isang factory at may establishment ng gobyerno din kaya sila ang mga nagiging customer ko. "Mukhang masasarap ang ulam niyo dito," nakangiting sabi niya sa akin nang balingan ako. "Um, medyo? Mga lutong bahay lang," "I love it. Sakto, hindi pa ako nagla-l
ATHENA'S POVINIWASAN kong makita ni Ayden sila G at Prince ng mga sumunod na oras. Pumupunta kami ni Ayden sa mga rides na wala sila, na hindi ko siya tanaw. Naiinis lang talaga ako kapag nakikita siyang masaya na kasama ang babaeng iyon. Para bang normal na sa kanila iyon. Komportable sila sa isa't-isa.Pero hindi ko akalaing makakasabay ni Ayden si Prince sa grand carousel. Hindi na ako nakaiwas.At dahil gusto ni Ayden na kasama si Prince at G ay hinayaan ko na lang silang apat. Si Prince kasama ang babae, at si Ayden naman at si G. At kung titingnan sila sa malayo ay masayang pamilya. Kaya nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib. Para bang nagseselos ako. Kaya naman pagkatapos ay kaagad kong hinila si Ayden."Athena, wait." Pigil sa akin ni G. "Nagugutom ang bata, at gusto niya raw na kumain tayo nang magkakasama."Tumingin sa akin si Ayden. "Nagugutom na po ako. Okay lang po ba kung sabay-sabay tayo?""Ako rin po, Miss Athena, nagugutom na." Ngumiti pa si Prince sa akin.Kagat a
GRAESON’S POV NAPADIIN ang pag-apak ko sa break nang makita si Athena na may kausap na lalaki sa harap ng bahay niya. Kasabay din niyon an pagkuyom ko nang kamao. Mukhang kilala niya talaga ang kinakausap dahil maganda ang ngiti niya– I mean matamis. Napangiti ako nang pilit. Sana sa akin din ganoon kaganda ang ngiti niya. Nakaka-miss talaga ang dating Athena. Mukhang hanggang alaala na lang talaga. Sinayang ko, e. Sana lang hindi marinig nila Athena ang ingay na likha niyon. At mukhang hindi naman kaya inilapit ko pa ang sasakyang dala ko ngayon. Idadaan ko lang kay Ayden ang bago kong bili na cellphone. Wala siya dito ngayon sa bahay nila, nasa school. At kaya lang ako nandito dahil gusto ko lang makita si Athena. Actually, araw-araw akong dumadaan dito. Kahit out of way kapag papasok ng opisina, sinasadya ko pa ring dumaan dito para lang makita siya. Wala siyang kaalam-alam. Ilang sandali ding nag-usap si Athena at ang lalaking iyon. Baka hindi ko na mapigil ang sarili ko kay
ATHENA'S POVGANO'N lang 'yon kadali? Sumuko ako kaagad kay G?Napalabi ako nang maramdaman ang pagyakap niya sa akin nang mahigpit. Hinalikan niya rin ang aking balat, malapit sa balikat. Umakyat pa iyon sa batok ko kaya nakaramdam ako ng kiliti. Parehas kaming hubo at katatapos lang ng maiinit na tagpo sa amin."Anong iniisip mo, hon?"Hinarap ko siya. "Bumigay ako?" Mapaklang ngiti pa ang sinunod ko."Yeah. That's why you're amazing." Hinalikan ni ang aking noon pagkuwa' ang tungki ng ilong. "Hindi mo talaga matuturuan ito." Dinala niya ang kamay sa dibdib ko. "That's mine. Kaya 'wag ka nang kumontra."Hindi ko alam kung bakit nasabi niya iyon pero ramdam ko. Kakaiba ang nangyari kanina. Para bang sanay na sanay ang katawan ko sa kanya. Gustong-gusto ko ang init at kiliti na hatid niya sa akin. Para siyang si… Graeson. Pero hindi. Siya si GS at siya ang kumuha ng virginity ko years ago."A-ano na lang ang sasabihin nila? Ng pamilya ko? Hindi na ako nadala. Mas bata ka sa akin.
MAKALIPAS ANG MARAMING TAON… “READY?” tanong kay Aireen ng Tito Daddy niya. “Yes, I am, Tito Daddy.” Sinundo siya nito dahil death anniversary na nga ng Mommy Jewel niya. Twice a year siya umuuwi sa bahay ng mga Johnson. Ngayon, death anniversary ng Mommy niya— na siyang nagpalaki sa kanya. Tuwing kaarawan din nito ang pangalawang punta niya. Kaya twice a year lang din niya nakikita ang mga pinsan niya. Tinuturing na siyang pamilya kasi ng mga Johnson. “Good.” Mahigit thirty minutes lang ang nagging biyahe nila bago narating ang dati nilang bahay ng Mommy Jewel niya. Kumpleto na raw ang mga pinsan niya at ibang kamag-anak nila dahil kagabi pa pala ang mga ito dumating. Merong galing sa probinsya at sa Europe. Ang iba, hindi niya kilala kaya gusto ng Tito Daddy niya na kilalanin niya. Parang reunion na rin pala ng mga Johnson iyon sa dami nang kamag-anak na dumalo. Pumunta sila sa libingan ng Mommy Jewel niya bago bumiyahe papuntang Batangas para sa outing nila. May pag-aari ang
ATHENA’S POV GABI na nang magmulat ako ng mata. Napagod ako sa pamamasyal at sa maiinit na tagpo namin ni Grae. Saglit akong natigilan nang may makapang maliit na kamay na nakayakap sa akin. Sinundan ko iyon nang tingin. Gulat na gulat ako nang makilala ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nm l lo nob “Aireen?” bulalas ko. Pero napakunot ako ng noo. Actually, napaniginipan ko si Aireen. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa aking panaginip. Natigilan ako kapagkuwan at tiningnan ang batang nasa tabi ko. Hindi kaya dahil biglang nasa tabi ko siya kaya napanaginipan ko siya? Pero teka, paano siya nakapunta rito? May kasama ba siya? Akmang aalis ako sa tabi niya nang humigpit ang yakap ng bata sa akin. Napangiti na lang ako at hindi na kumilos. Ayoko siyang gisingin dahil masisira ko ang masarap niyang tulog. Parang mas gusto ko siya sa aking tabi lang. Kaso iniisip ko kung sino ang kasama niya ngayon. Sinuklay ko ang buhok niya mayamaya matapos siyang titigan. Ang himbi
ATHENA’S POV KAKATAPOS ko lang magbihis nang marinig ang tawag ng asawa. Nauna siya sa akin sa labas dahil naligo pa ako. Halos kararating lang namin dito sa villa na nirentahan ng magulang ni Grae dito sa Bali, Indonesia. Kami lang ang narito ngayon. Pero kumpleto naman ang ref dahil kasama iyon sa contract yata. Saktong pag-sara ko ng sliding door ang pagtingin sa akin ni Grae. Nakaupo siya noon sa may sun lounger habang nakaharap sa telepono niya. Napangiti ako nang makita ang reaksyon ng asawa. Nakaawang siya ng labi noon. Suot ko ang one-piece swimsuit na bigay ni Ayeisha sa akin. Kulay itim iyon at tube type ang taas. Kita ang aking magandang balikat dahil nakahawi ang basang buhok ko sa kaliwang bahagi. Wholesome swimsuit nga tawag ni Ayeisha sa aking suot. Talagang wholesome lang ang sampung swimsuit na binigay niya dahil alam niyang tatanggihan ko kasi kapag masyadong daring. Pero kahit ganoon, na-emphasize ang shape ng aking katawan. Kita rin ang magandang legs at pang-u
GRAESON’S POVKAGAT ang labi na pinindot ko ang enter key ng aking laptop. Napilitan akong buksan ang dating email ko. Nabanggit kasi ni Attorney na lahat pala nang kaganapan kay Athena at sa anak namin ay recorded. Kahit mga videos ay naroon. Hindi ko na kasi binubuksan ang email na ito dahil nga sabi ko, baka lalo akong mabaon sa kalungkutan kapag nakakatanggap nang balita tungkol kay Athena noon.Ang matulungan siyang makalaya kay Lester ang priority ko noon. Pero nagsisimula na nga ang aking depression noon. Kaya nagpasya akong iwan sa abogado ang lahat. Kabilin-bilinan ko na ‘wag pabayaan si Athena. Pero hindi ko alam na lahat pala ng nangyayari sa asawa ay nasa email ko. May tao palang binayaran ang abogado para i-report dito ang lahat. Hindi lang daw nito siya tinanong kung nababasa ko raw ang email niya nang ibalita niya sa akin na annulled na si Lester at Athena. “God…” anas ko nang makita ang napakaraming email mula sa abogado. Araw-araw pala siyang nagre-report sa akin per
CHAPTER 60ATHENA’S POVShocked at wala sa sariling kamalayan ako matapos na makita ang dugo sa sahig, ang mga dugong umagos mula sa tama ng asawa. At hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong state pero napapitlag ako nang makarinig na sunod-sunod na yabag na nagmumula sa labas. Sobrang ingay at mukhang nagmamadali ang mga ito.“G-Graeson” nauutal kong tawag sa asawa nang muling mapako ang tingin dito. Nanginginig na pala ako noon. Nang mapagtantong hindi na kumikilos ang asawa ay rumagasa ang kaba ko.Bago pa man ako makaluhod para tingnan ang asawa ay biglang l bumukas ang pintuan at iniluwa no’n ang humihingal na si Theron kasunod si King.“What happened here? Bakit may mga bubog na nahulog sa—” Hindi na natuloy ni King ang sasabihin nang makita si Graeson na nasa sahig at wala nang malay.“Fvck! Graeson!” sigaw ni King “Tawagan mo si Tatay, Theron. Now!” baling nito kay Theron na tulala habang nakatingin sa kakambal niya“Theron! Damn it!” sigaw ni King.Napapitlag si Thero
ATHENA’S POV “AKO na po,” ani ko nang makitang may bitbit ng mga bulaklak na ilalagay sa mesa. Naghahanda ngayon ang lahat para sa salu-salo na magaganap ngayong tanghali. Meron din para sa dinner. Bilang selebrasyon kasi ng wedding anniversary ng mag-asawang Grazie at Thunder at kasabay ng ikalawang buwan ng bunsong anak namin ni Graeson. “No. Maupo ka na lang doon, hija. Kami na ang bahala, okay? Magpahinga ka.” Bahagya akong ngumiti sa Ginang. “N-nakakahiya po. Wala akong maitutulong.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Nandyan naman ang asawa mo, nauutusan ko. Saka may mga kasambahay naman kaya ‘wag mong iniisip iyon. Okay?” Akmang iiwan niya ako nang may naalala. “Nakaalis na raw sila kumare, mamaya niyan nandito na sila.” “Thank you po.” Ngumiti pa ako sa Ginang. Magulang ko ang tinutukoy ng Ginang. “Welcome, hija. O siya, maupo ka na lang dyan, bantayan mo ang prinsesa natin.” Tumingin pa siya kay Baby Lu at binati ito. Bored naman ako sa loob kaya lumabas na rin ako kasama
GRAESON’S POV NANG makatulog ang asawa nang mahimbing, binuksan ko ang ilaw para lang pagmasdan siya partikular na ang mukha niya. Kasi kanina, habang kumakain kami, natitigan ko siya. There is something wrong with her– lalo na sa balat niya. So pale. Dati, ang unang makikita sa mukha ni Athena ay ang kissable lips. Normal na nga daw iyon sa kanya. Kaya nakakapagtaka rin na maputla. Nawala kasi ang lipstick niya nang punasan niya ng tissue bago kumain. Bahagyang gumalaw ang asawa kaya napalayo ako sa kanya. Pero napatingin ako sa braso niyang para bang nilalamig siya. Tumatayo ang balahibo niya. Kaya naman tumayo ako para hinaan ang aircon. Inayos ko rin ang kumot niyang nalaglag na. Hindi ako makatulog kaya naman lumabas ako ng silid namin. Namalayan ko na lang ang sarili ko sa may likuran. Mas mahangin doon dahil sa mga puno. Hindi pa man ako nagtatagal doon nang may tumabi sa akin. “Can’t sleep?” “D-Dad,” “How is she?” “Who? Athena or Baby Lu po?” “Athena,” “Tulog na po.
GRAESON’S POV“WHAT’S that?” tanong ko sa bagong sekretarya ko na si Estefany.“Iniwan lang daw po sa baba, Sir. Wala pong nakasulat kung kanino galing.”Napatitig ako sa envelope. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ito na kaya ang annulment na sinasabi ng asawa?Damn! Mag-iisang buwan na akong walang balita sa kanila at hindi ko alam kung saan nagpunta. Walang sinabi sa akin sila Mommy. Sila lang naman ang kasama ni Athena.Hinigit ko ang envelope at kaagad na binuksan iyon pagkalabas ni Estefany.“Fvck!” Annulment paper nga! Tumayo ako at kinuha ang coat saka mabilis na lumabas ng opisina. Lumapit ako kay Estefany.“Call me if there is an urgent matter. Okay? Urgent lang. If not, do not call me.” Kailangan ko talagang ipaintindi dito dahil lahat na lang pinapasa kaagad sa akin ang mga tawag kahit na hindi urgent o mahalaga.Mabilis ang mga hakbang ko papuntang elevator. Napakunot ako ng noo nang mapansing parehas na gamit ang executive elevator. Napataas ako ng kilay nang iluwa no’n si
ATHENA’S POVHINDI naman ako nakatulog kakaisip kung kumusta na ba si Graeson. Pero ang sabi ng Mommy niya, maayos naman ang kalagayan niya nang tawagan ko. Gusto ko naman siyang puntahan kaso delikadong makipagpatintero sa labas, sa ama ni Lester na ngayon ay nagwawala sabi ng ama ni Grae. Lahat ng kilos ng mga Magbanua ay alam nila at hinihintay nila kahit na isang attack sa amin para sa ebidensyang iniipon nila. Hindi rin kasi biro ang kapit ng matandang Magbanua sa Vice President. May kapatid din ito sa NBI at militar. Gusto nila, walang kawala ang Lester na iyon kapag nahuli.Nakauwi si Graeson sa bahay ng mga Santillan bago sumikat ang araw. Nagulat na lang ako dahil sa pagpulupot niya sa baywang ko. Humalik pa siya sa likuran ko.“Bumitaw ka. Isa,” may pagbabanta sa tinig ko.“Good night, hon. Good night, baby Lu,” bulong lang niya na ikinalingon ko sa kanya.Nakapikit na siya kaya hindi ko napagsabihan. Umalis ako sa tabi niya at lumipat sa kabila ni Lujane. Napapatingin ako