Angeline pov:HABANG INILILIGPIT ko ang mga bilao na wala ng laman ay biglang lumakas ang ulan! Taranta akong mabilis iniligpit ang lamesa ko at patakbong sumilong muna ng simbahang kaharap ng pwesto naming mga street vendors! Napapayakap ako sa sarili. May kanipisan kasi ang damit ko at puti pa ito kaya bumabakat sa katawan ko at 'di maiwasang pagtinginan ako! "Here mis, you can use my blazer to cover your body" ani ng malambing boses mula sa likuran ko.Napapihit akong napapalunok na malingunan ang isang supistikadang babaeng may matamis na ngiti at iniaabot sa akin ang kulay maroon na blazer na kapares ng suot nitong tubeless crop top. Nahihiya man ay inabot ko na lamang kaysa pinagtitinginan na ako ng mga kalalakihan at nakabakat sa balat ko ang manipis kong damit na nabasa. "T-thank you ma'am" nahihiyang saad kong ikinangiti at tango lang nito."Na, it's nothing. I'm Danica by the way" anito na naglahad ng kamay. Napapalunok akong nagpunas ng kamay sa laylayan ng damit ko bag
Last Updated : 2023-08-16 Read more