Cammie. MAAGA akong nagising, ngayong araw ay ang araw na luluwas ako sa Manila para magtrabaho. Hindi ko naman sana gusto ang pagtatrabaho bilang isang katulong at ang malayo sa pamilya ko, kung wala lang sana kaming problemang hinaharap.Labag man sa kalooban ko, pati na sa kalooban nila mama ay wala at hindi p’wedeng ipagpaliban ang opportunity na p’wedeng dahilan para malutas ang problema namin. Kung kakailanganin ang sakripisyo ko ay gagawin ko, sa abot ng aking makakaya. ‘‘Anak, hindi mo naman talaga obligasyon ang magtrabaho, kaya pa naman namin ng ama mo. Mababayaran namin ang mga utang nang hindi ka hihinto sa pag-aaral.’’ Pagpupumilit ni mama na pigilan ako sa pagtatrabaho habang nasa bungad siya ng pintuan ng aking kwarto, pinagmamasdan akong mag-ayos ng mga gamit na naayos ko naman na kagabi. ‘‘Mama, alam ko naman ‘yon. Alam kong kaya pa ninyo ang magtrabaho pero gusto kong tumulong, alam ko naman na nakakaapekto ito sa pag-aaral ko pero hindi ko naman hahayaan na mas ma
Last Updated : 2023-07-23 Read more