Cammie.
MAAGA akong nagising, ngayong araw ay ang araw na luluwas ako sa Manila para magtrabaho. Hindi ko naman sana gusto ang pagtatrabaho bilang isang katulong at ang malayo sa pamilya ko, kung wala lang sana kaming problemang hinaharap.Labag man sa kalooban ko, pati na sa kalooban nila mama ay wala at hindi p’wedeng ipagpaliban ang opportunity na p’wedeng dahilan para malutas ang problema namin. Kung kakailanganin ang sakripisyo ko ay gagawin ko, sa abot ng aking makakaya.‘‘Anak, hindi mo naman talaga obligasyon ang magtrabaho, kaya pa naman namin ng ama mo. Mababayaran namin ang mga utang nang hindi ka hihinto sa pag-aaral.’’ Pagpupumilit ni mama na pigilan ako sa pagtatrabaho habang nasa bungad siya ng pintuan ng aking kwarto, pinagmamasdan akong mag-ayos ng mga gamit na naayos ko naman na kagabi.‘‘Mama, alam ko naman ‘yon. Alam kong kaya pa ninyo ang magtrabaho pero gusto kong tumulong, alam ko naman na nakakaapekto ito sa pag-aaral ko pero hindi ko naman hahayaan na mas malubog pa tayo sa utang,’’ pinagmasdan ko ang reaksyon ni mama, bakas sa mata nito ang lungkot. ‘‘At worst pa na mangyayari kung ang isa sa inyo ni Papa ang magkakasakit dahil sa sobrang pagtatrabaho.’’Wala itong naging sagot kaya nagbiro na lamang ako. ‘‘At mas worst, kung maaga kayong tatanda tapos magkakaroon ka talaga ng wrinkles. You hate it pa naman,’’ tumawa naman siya ng mahina at umastang babatukan niya ako.Utang, isang salita, limang letra madaling gawin pero mahirap bayaran. Dahil sa utang ay kailangan kong piliin ang pagtigil sa pag-aral para makapagtrabaho. Kailangan kong piliin ang makipagsapalaran sa malaking lungsod ng Manila para makaipon at makabayad sa lumalaki naming utang na kulang na lamang ay wala na kaming makain.May maliit kaming panaderya, sapat na sana itong pangunahing kabuhayan namin kung wala lamang kaming utang na ngayon ay hindi na sapat ang kinikita para makabayad kami sa utang. Pansamantala pa ‘yong natigil dahil wala na kaming pangbili ng mga sangkap para mabuo ng tinapay. Araw-araw tumataas at papalaki ang interes ng utang ni papa sa bawat linggong dadaan nang hindi kami makakabayad. Kaya kailangan ko nang magtrabaho.‘‘Ma, nasa’n si papa?’’ tanong ko habang hinahanap ang presensya ni papa, dala-dala ang maliit at luma naming maleta ay lumabas ako sa kwarto.Sumulyap ito sa gawi ko at ngumiti. ‘‘Nasa labas, panigurado na kinakausap niya si Manong Ben para siya na lamang ang maghahatid sa ‘yo sa terminal ng bus.’’Humugot ako ng maraming hangin at saka ito ibinuga. ‘‘Ma, ilang pilit ko na bang sinabi sa inyo na ako na lamang ang bahala sa masasakayan ko. Maglalakad na lamang ako para makatipid ako ng pamasahe, ma, at saka para naman exercise na rin.’’ Sinamaan niya ako ng tingin.‘‘Magtigil ka sa katigasan ng ulo mo, Cammie. Hindi ka na nga namin mapilit na hindi na lang magtrabaho, kita mo ba ang katawan mo?’’ Napatingin naman ako sa braso ko. ‘‘Baka mas pumayat ka pa nga do’n.’’Hindi na lamang ako sumagot dahil maaaring tama si mama. Baka isang ihip ng hangin tangayin ako.Wala na rin talaga akong kawala sa katigasan ng mga ulo nila, p‘wede naman na maglalakad na lamang ako para tipid sa pera at medyo malapit lang naman ang terminal ng mga bus.‘‘Oo na po, wala naman na akong magagawa,’’ pagsuko ko dahil sa masamang tingin ni mama sa akin, kulang na lamang ay kainin ako.Nanghihinang umupo ito sa upuang nasa harapan at saka pinatong ang kamay sa lamesa, sumenyas naman ito na umupo muna ako. ‘‘Wala na ba talagang ibang paraan para mapigilan ka naming huwag nang magtrabaho, anak?’’Wala na talaga ma, final decision ko na ito.‘‘Ma, sinabi ko na ‘di ba sa inyo na magtatrabaho ako sa ayaw o sa gusto ninyo ni papa.’’ Walang paligoy-ligoy kong sagot. ‘‘Final na, ma, wala nang makakapigil sa akin at wala nang atrasan.’’ Bumungisngis naman ako.Ilang beses na silang nagtangkang pigilan ako sa desisyon na pagtrabaho ko pero sadyang matigas din itong ulo ko, wala na silang magagawa kung hindi ang pumayag sa gusto kong paraan para makatulong at para makabayad sa utang.‘‘Ang pag-aaral mo, anak? Sayang naman at dalawang taon na lamang makakapagtapos ka na.’’Alam ko naman, ma.Third year college na ako sa susunod na pasukan. Pero sa desisyon kong magtrabaho muna ng isang taon para makapag-ipon at makabayad sa mga utang ay mauudlot ‘yon ng isang taon.I believe naman na walang mawawala kung uunahin ko muna ang pagtatrabaho at para makaipon ako sa mga kakailanganin sa susunod na pasukan. Mas mahirap kasi kapag sa susunod na pasukan maaaring wala na kaming makain dahil sa nabaon na kami ng utang, dadagdag pa ang isipin sa pag-aaral ko. Iwas gulo na rin kung sakaling mas lalaki pa ang interes ng utang namin.‘‘Mama, huwag niyo nang alalahanin ang pag-aaral ko, sa kahit anong oras p’wede pa akong bumalik sa pag-aaral. Ako pa, e, manang-mana ako sa inyo ni papa, matalino at mabait hindi nga lang kagandahan pero ‘di bale na’t valedic naman elementary hanggang high school.’’ Napatawa naman si mama nakisabay na rin si papa nang makapasok ito.‘‘Saan ka natutong magbuhat ng sariling bangko anak? At nagiging mahangin ka na,’’ sabat ni Papa tila kinokontra ako.‘‘Papa! Minsan lang naman po,’’ pagmamaktol ko. ‘‘Pagbigyan niyo na lang ako, pa. Minsan niyo na nga lang marinig na gano’n ako.’’Ngumuso ako para dama nilang nagtatampo ako, minsan lang ako magbuhat ng bangko.‘‘Alam mo naman, anak, na ang minsan p’wede maging palagi. Tandaan mo ito, may mga minsan na hindi natin napapansing napapadalas na pala.’’ Tumango ako, alam ko naman ang mga bagay na iyan.‘‘May mga taong akala nila sobrang taas na ng mga narating nila, sobrang taas na aakalain mong hindi na babagsak. Isaisip mo ito anak, na ‘yong mga taong gano’n ang pag-uugali ay madalas sila iyong walang napapala. Kita mo ba ang mga ibon sa langit?’’Tumango naman ako.‘‘Napapansin mo bang ang iba sa kanila ay mababa lamang ang lipad, lalong lalo na ‘yong mga maliliit. Alam kasi nila sa sarili nila na madalas iyong may matataas ang lipad ay ang madalas madaling napuputulan ng pakpak.’’ Ngumiti ito bigla galing sa seryoso nitong hitsura. ‘‘Kaya mas mabuting maging mapagkumbaba.’’Oo na papa, susuko na ako!‘‘Alam ko naman ‘yon, pa, ilang beses mo ‘yang pangaral sa akin,’’ naiiyak kong sagot. ‘‘Sa inyo lang naman ako nagiging mahangin.’’E, sa totoo naman. Sa kanila ko lang pinagmamalaki ang mga achievement ko sa school.Magsasalita pa sana si papa nang bigla nang takpan bigla ni mama ng pandesal ang bunganga niya kaya bigla akong napatawa sa ginawa ni mama.‘‘MAG-IINGAT ka, Cammie. Alagaan mo ang iyong sarili, huwag makikipag-away ha? Tumawag ka palagi, dala mo naman ang cellphone mo, hindi ba?’’ tumango naman ako. "Huwag kang magpapalipas ng gutom.’’‘‘Opo, ma, alis na ako. Mahal ko kayong dalawa ni papa, huwag po kayong mag-aaway at huwag niyo pong pabayaan ang sarili ninyo, magpalakas po kayo.’’ Niyakap ko silang dalawa pilit pinipigilan huwag maluha. ‘‘Mag-iingat po kayo dito, kapag may problema tawagan niyo ako, mahal ko po kayo.’’Ako na ang nagkusang bumitiw sa mahigpit na yakapan at sumakay nang tuluyan sa tricycle, kumaway ako ng makalayo-layo na kami.Ang sakit isipin na ito ang kauna-unahang pagkakataon na mawawalay ako sa kanila ng matagal. Lalo na at nasanay ako na nasa tabi ko sila sa lahat ng oras, at sa tuwing kailangan na kailangan ko sila. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha habang inaalala ang pag-aalala na nababakas sa mukha ni mama at papa. Alam ko na nag-aalala sila sa akin ngunit kailangan ko itong gawin para sa kinabukasan namin, lalo na sa mga pangarap namin na kung hindi mababayaran ang utang ay s’yang dahilan upang hindi iyon matutupad.Nililibang ko ang sarili sa pamamagitan ng pagtanaw sa mga tanawing hindi maikukumpara sa mga malaking lungsod. Kinakabisado ang mga kahoy na nasa daan ang mga bahay na minsan pinangarap ko nang pinangarap kapag nakaahon na kami sa kahirapan. Natatakot na baka sa susunod ibang tahanan na ang mauuwian ko, na baka hindi na ito ang tanawing maabutan ko pag-uwi.‘‘Iha, hihinto ka ba sa pag-aaral mo?’’ tanong ni Manong Ben.‘‘Ah, opo. Ito lang kasi ang nakikita kong paraan para magkaroon ng malaking sahod para makabayad sa utang.’’ Sagot ko.‘‘Sayang naman kung gano’n.’’Marami pa kaming napag-usapan ni Manong Ben hanggang sa makarating namin ang terminal.‘‘Iha, mag-iingat ka roon sa Maynila,’’ paalala ni Manong Ben ng makababa ako.‘‘Oo naman po, Manong Ben. Salamat nga po pala sa paghatid,’’ kumuha ako ng pera sa pitakang nasa shoulder bag kong suot at inilahad ito sa kanya. ‘‘Ito po, manong, pamasahe ko po.’’Umiling ito. ‘‘Ay, huwag na, iha. Isipin mo na lamang na tulong ko na ito sa ‘yo, sapagka’t naging mabuti rin naman kayo sa akin. Ibili mo na lamang iyan ng pagkain at malayo-layo ang Maynila mula dito.’’‘‘Salamat po talaga ng marami, manong.’’ Ngumiti lamang ito kaya napangiti rin ako.Sa buong byahe ay inaliw-aliw ko ang aking sarili sa mga tanawin at panonood ng palabas na nasa cellphone ko. Para na rin maibsan ang lungkot at pangamba na nararamdaman.Umabot pa ng halos pitong oras ang byahe, galing doon sa probinsya patungo rito sa Maynila. Nakakangalay ng puwet, nakatulog din ako habang bumabyahe. Mabuti na lamang talaga at bumili ako ng pagkain doon sa terminal, pinabaonan pa ako nila mama ng pagkain kanina.Pagbaba na pagbaba ko sa bus ay sumalubong sa akin ang mainit na hangin at panahon, na kung ikukumpara sa probinsya ay masarap at presko ang simoy ng hangin. Maraming mga taong bumababa at sumasakay ng bus, halo-halo ang mga hitsura at mga amoy, pawisan ang iba ngunit ang iba ay parang sanay na sa init, ang iba pa ay naka-jacket balot na balot ang katawan nila kahit na sobrang init.Sa haba nga ng byahe ay nakaramdam ulit ako ng gutom, tamang-tama at ubos na ang pagkaing dala ko. Nilibot ko ang terminal na binabaan ko, makahanap lamang ng convenient store o hindi kaya ng 7-Eleven. Hindi naman ako nabigo dahil sa kaliwang banda ng kinatatayuan ko, makikita dito ang 7-Eleven. Bumili lamang ako ng instant cup noodles at kumuha ng isang pirasong malaking tortillas at isang can drinks.Mahal ang tortillas pero nakakaakit ito sa mata.Kumain lamang ako sa labas ng 7-Eleven habang pinagmamasdan ang maraming mga sasakyan, mga taong may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Hindi rin nagtagal nang matapos kong ubusin ang pagkain ay sumakay na lamang ako ng tricycle papunta sa address na ibinigay sa akin. Kaibigan ko ang kumuha sa akin bilang pamalit ng ate niyang buntis doon sa mansion nila Senator Elsher.—(*.*)msidlemind:Thank you so much for patiently reading this chapter. Thank you for your votes and comment!ElsherBumaba ako sa Elsher Subdivision dahil ito ang nakasulat sa address na ibinigay ni Ate Rosea sa akin. ‘‘Salamat po, manong.’’ Ngumiti lamang ito. Tinungo ko ang guard house para makapasok at makapagtanong kung saan banda ang mansion ni Senator Elsher. Wala man lamang nakalagay na house number itong address na ibinigay sa akin, sa dami ba naman ng nakatayong bahay dito sa subdivision ay talagang maliligaw ako. ‘‘Magandang hapon po. Saan po d’yan ang bahay ni Senator Elsher po?’’ tanong ko habang ginagamit kong pamaypay ang aking kamay dahil sa sobrang init. ‘‘Anong kailangan mo kay senator, iha?’’‘‘Ako po kasi iyong kinuhang pamalit na kasambahay, kuya.’’ Magalang kong sagot dahil alam kong hindi ako makakapasok kung hindi ko maayos na masagot ito. ‘‘Lakarin mo lamang ‘yang daan, iha. Kapag may nakita ka sa dulo ng kalsada na kulay neutral ang mansyon at may gate na malaki ay ‘yan na nga ang bahay na hinahanap mo.
Sir Aciaean. Tatlong araw ang lumipas simula nang magsimula akong magtrabaho sa isang sikat at magaling na senator sa bansa. Naging maayos naman ang lahat sa tatlong araw na pagtatrabaho ko dito, mababait ang mga kasamahan kong kasambahay. Gano’n din si Alisha. Sa mga kasama ko sa pagtatrabaho si Alisha nga ang naging malapit sa akin, isa na rin sa unang rason ay magkaedad kami at kaming dalawa ang minsang nakakasundo. Naninibago man sa paligid ay nakakaya ko namang mag-adjust, lalo na’t hindi ako sanay na mawalay sa mga magulang ko. Lumaki akong nasa tabi palagi ang mga magulang, lumaking sa kanila nakadepende. Kaya rin nahihirapan ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong malayo ako sa tabi nila, ayos lang naman sana na isang buwan lang ako malalayo sa kanila pero isang taon akong magtatrabaho kaya nakakapanibago. ‘‘Ngayon pala ang uwi nila, senator?’’ tanong ko kay Alisha habang nagdidilig ng mga bulaklak. Napatingin naman ako sa kanya,
Cammie‘‘What?! Pumayag ka talaga?’’‘‘Oo nga, paulit-ulit?’’ Naiinip kong sagot, kanina pa ito naninigurado sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang naging reaction ni Alisha. Kanina nga habang nasa opisina ni senator inalok niya akong maging personal maid sana ng pangatlo niyang anak na si Aciaean. Noong una ay hindi ako pumayag, mahirap na baka totoo talaga iyong kwento ni Alisha sa akin about kay Sir Aciaean lalo na rin at hindi ko pa nga ito nakilala. Kalaunan ay inalok ulit ako ni Madam Felicia, inalok niya ako na siya na lamang ang magpapaaral sa akin sa susunod na pasukan, tataasan niya rin ang sahod ko nang sa gano’n ay madali kaming makabayad sa mga utang namin at kung papayag ako pa nga ako ay maaaring sila na lamang ang tutulong sa amin na mabayaran ang lahat ng mga utang namin. Sayang ang opportunity na lumalapit sa akin, chance na rin ito para mabayaran ang mga utang namin. Magiging yaya lang naman ng anak nila, hindi ba? K
Cammie"Ali, namumugto ang mga mata mo," tumabi ako sa pagkakaupo niya sa higaan. "May masama ka bang nararamdaman sa katawan mo? Humiging ito't umiling bago ito tumayo. "Maliligo lang ako, Cams."Tanghali na siyang nagising sa kakaiyak kagabi, hindi ko na siya inabala pang gisingin kanina para na rin makapagpahinga siya. Iyak ng iyak kagabi kung hindi lamang siya nakatulog hindi siya titigil sa kakaiyak kaya labis ang pag-aalala nila Ate Easter pati na rin si Madam Felicia sa kaniya. We did not expect na ang masayahing tao na kagaya ni Alisha ay may mas malaking problema ang tinatagu-tago sa likod ng masayahin nilang ngiti na palaging suot sa araw-araw. "Nasaan nga pala si Alisha? Bakit hindi mo kasama?" bungad na tanong ni Ate Easter, pagkababa na pagkababa ko sa hagdan. "Tulog pa, ate, hindi ko na lamang ginising para makapagpahinga siya iyak ba naman ng iyak kagabi.""Why? What happened?" biglang tanong ni Madam
Cammie."Alisha," naiiyak kong paggising sa kaniya. Munting ungol lamang ang sinagot niya sa akin, may lagnat pa siya at hindi pa talaga magaling. Kagabi, dalawang beses ko itong pinunasan ng panyong binabad sa maligamgam na tubig at pagkatapos iniiwan ko na lamang na nakapatong sa noo niya. Nang mag-umaga na'y pinainom ko ulit siya ng gamot para tuloy-tuloy ang paggaling ng lagnat niya, may interrogation pa na magaganap pagkagaling niya kaya kailangan niyang maalagaan ng maayos. "Alisha, gumising ka na! Bahala ka pagkagising mo hindi na ako dito magtatrabaho," pagmamaktol ko. "Ha?!" bigla itong bumangon, epic. "Bakit saan ka na magtatrabaho?"Binalot ang silid ng tawa ko kaya hindi ako nakasagot sa tanong niya, pagtingin ko sa hitsura niya nakanguso na ito at nakalagay ang kamay sa ulo. Nahinto ako sa pagtawa dahil sa munting daing niya. "Anong nangyari? Masakit ba ang ulo mo? Ayos ka lang?" "Kasalanan mo
Cammie."Ate West," pagtawag ko sa attention ni Ate Wester, kasalukuyan itong nagluluto. "Bakit?" "Wala pa sila madam?" tanong ko. "Ibig kong sabihin maaga po bang uuwi sila dito?" "Hindi ko rin alam, Cams, kaya nga maaga din akong nagluto baka sakaling mamaya nandito na sila." Tumango-tango ako, baka nga mamaya o mamayang tanghali pa umaga pa naman. "Maglilinis na ako, ate." Tumango ito kaya tumalikod na ako. Paniguradong nalinisan na nila Ate Ading ang kwarto ng mga anak ni senator kaya sa pool na lamang ako dumiretso. Wala namang dumi bukod sa may mga dahong lumulutang sa pool habang sa garden naman hindi ko na diniligan ang mga bulaklak dahil alternate ang pagdidilig iyan ang bilin sa amin. . . .Nakalinya kami ngayon dito sa harapan ng pinto para i-welcome pabalik ang mga anak nila madam. Hinihintay namin na pumasok sila kaya nang makapasok sila napatayo kami ng maayos. Ang unang puma
Wala pa nga ako sa kalahati sa paglilinis dito sa condo ni Sir Aciaean ay pawisan na ako, may aircon naman sana dito pero ayaw kong buksan baka magalit si Sir, masungitan na naman ako ng nilalang pinaglihi sa sama ng loob. "Now, clean this whole mess," nilibot pa ni Sir Aciaean ang paningin niya sa buong condo. Napuno ng mga alikabok ang bawat ibabaw ng mga gamit sa condo ni sir at mainit dito sa loob dahil nakasarado pa ang lahat ng mga bintana na may mga kurtina. "Copy that sir. Ako na po ang bahalang maglinis," sumaludo pa ako sa kaniya, sinamaan niya lang ako ng tingin kaya nagtaka naman ako. "That's your job, so better clean this place properly," naglakad ito palapit sa pintuan. "Don't you ever dare touch my things and as much as possible don't enter your filthy foot in my room without my permission."Maka-filthy ka, eh mas filthy ang bibig mo! Dahil masunurin ako natapos kong linisan ang condo ni Sir Aciaean nang hindi nilinisan
Pagkatapos kong maglinis ay sinubukan kong magluto ng binili ko na instant food. Wala pang stock ng pagkain ang condo ni sir dahil kakadating niya lang, maghihintay na lamang ako ng budget para makapag-grocery. Hindi ko rin alam kung nasaan si sir dahil kanina umalis ito ng walang paalam, maaga pa akong nasungitan. Naalala ko tuloy ang pinaka-unang pagsusungit niya sa akin kaninang umaga habang nasa mansion pa kami. Inutusan ako nitong ako lang dapat ang maglagay sa mga bagahe nito papasok sa kotse niya at take note mabibigat lahat ng maleta niya, sinakto niya talagang walang tutulong sa akin dahil may kaniya-kaniyang trabaho sila Alisha. Ganoon din ang nangyari pagdating dito sa condo, apat na maleta ang bitbit ko mula unang palapag hanggang sa ikalimang palapag at take note ulit sinasamaan niya lamang ako ng tingin kapag nagrereklamo ako. Nakatulog ako sa sofa habang nanonood ng palabas, nagising na lamang ako nang makaramdam ulit ng gutom. A minute after kong
"Good afternoon, sir." Bati ko sa amo ko na prenteng nakaupo sa sofa habang ang tv ay naka-on at siya naman ay nakatingin sa akin ng masama. "Cook for me," masungit nitong utos bago tumayo't lumakad papasok sa kwarto niya. Wow just wow. Hindi man lamang ako nito tinulungan sa pagpasok nitong grocery kay sarap niyang kurutin hanggang sa ma-satisfied ako. "Sir, anong lulutuin ko?" of course pagkain. Ako na lang ang sasagot sa sarili. Nakaloloka pa lang magkaroon ng among kagaya niya hindi pa ako nakakaisang linggo sa pagtatrabaho pero pang one month na itong kasungitan niya. Mamaya ko na lamang aayusin itong grocery magluluto muna ako ng sinangag at sinigang para ngayong tanghali, nahihimigan ko kasing wala pa itong kain simula kaninang umaga. Sa kalagitnaan ng pagluluto ko lumabas si dakilang masungit hindi ko nga alam bakit nila sinasabi na playboy ito na ang sungit-sungit nga. "Sir, kumakain ka ba ng sinangag at
Pagkatapos kong maglinis ay sinubukan kong magluto ng binili ko na instant food. Wala pang stock ng pagkain ang condo ni sir dahil kakadating niya lang, maghihintay na lamang ako ng budget para makapag-grocery. Hindi ko rin alam kung nasaan si sir dahil kanina umalis ito ng walang paalam, maaga pa akong nasungitan. Naalala ko tuloy ang pinaka-unang pagsusungit niya sa akin kaninang umaga habang nasa mansion pa kami. Inutusan ako nitong ako lang dapat ang maglagay sa mga bagahe nito papasok sa kotse niya at take note mabibigat lahat ng maleta niya, sinakto niya talagang walang tutulong sa akin dahil may kaniya-kaniyang trabaho sila Alisha. Ganoon din ang nangyari pagdating dito sa condo, apat na maleta ang bitbit ko mula unang palapag hanggang sa ikalimang palapag at take note ulit sinasamaan niya lamang ako ng tingin kapag nagrereklamo ako. Nakatulog ako sa sofa habang nanonood ng palabas, nagising na lamang ako nang makaramdam ulit ng gutom. A minute after kong
Wala pa nga ako sa kalahati sa paglilinis dito sa condo ni Sir Aciaean ay pawisan na ako, may aircon naman sana dito pero ayaw kong buksan baka magalit si Sir, masungitan na naman ako ng nilalang pinaglihi sa sama ng loob. "Now, clean this whole mess," nilibot pa ni Sir Aciaean ang paningin niya sa buong condo. Napuno ng mga alikabok ang bawat ibabaw ng mga gamit sa condo ni sir at mainit dito sa loob dahil nakasarado pa ang lahat ng mga bintana na may mga kurtina. "Copy that sir. Ako na po ang bahalang maglinis," sumaludo pa ako sa kaniya, sinamaan niya lang ako ng tingin kaya nagtaka naman ako. "That's your job, so better clean this place properly," naglakad ito palapit sa pintuan. "Don't you ever dare touch my things and as much as possible don't enter your filthy foot in my room without my permission."Maka-filthy ka, eh mas filthy ang bibig mo! Dahil masunurin ako natapos kong linisan ang condo ni Sir Aciaean nang hindi nilinisan
Cammie."Ate West," pagtawag ko sa attention ni Ate Wester, kasalukuyan itong nagluluto. "Bakit?" "Wala pa sila madam?" tanong ko. "Ibig kong sabihin maaga po bang uuwi sila dito?" "Hindi ko rin alam, Cams, kaya nga maaga din akong nagluto baka sakaling mamaya nandito na sila." Tumango-tango ako, baka nga mamaya o mamayang tanghali pa umaga pa naman. "Maglilinis na ako, ate." Tumango ito kaya tumalikod na ako. Paniguradong nalinisan na nila Ate Ading ang kwarto ng mga anak ni senator kaya sa pool na lamang ako dumiretso. Wala namang dumi bukod sa may mga dahong lumulutang sa pool habang sa garden naman hindi ko na diniligan ang mga bulaklak dahil alternate ang pagdidilig iyan ang bilin sa amin. . . .Nakalinya kami ngayon dito sa harapan ng pinto para i-welcome pabalik ang mga anak nila madam. Hinihintay namin na pumasok sila kaya nang makapasok sila napatayo kami ng maayos. Ang unang puma
Cammie."Alisha," naiiyak kong paggising sa kaniya. Munting ungol lamang ang sinagot niya sa akin, may lagnat pa siya at hindi pa talaga magaling. Kagabi, dalawang beses ko itong pinunasan ng panyong binabad sa maligamgam na tubig at pagkatapos iniiwan ko na lamang na nakapatong sa noo niya. Nang mag-umaga na'y pinainom ko ulit siya ng gamot para tuloy-tuloy ang paggaling ng lagnat niya, may interrogation pa na magaganap pagkagaling niya kaya kailangan niyang maalagaan ng maayos. "Alisha, gumising ka na! Bahala ka pagkagising mo hindi na ako dito magtatrabaho," pagmamaktol ko. "Ha?!" bigla itong bumangon, epic. "Bakit saan ka na magtatrabaho?"Binalot ang silid ng tawa ko kaya hindi ako nakasagot sa tanong niya, pagtingin ko sa hitsura niya nakanguso na ito at nakalagay ang kamay sa ulo. Nahinto ako sa pagtawa dahil sa munting daing niya. "Anong nangyari? Masakit ba ang ulo mo? Ayos ka lang?" "Kasalanan mo
Cammie"Ali, namumugto ang mga mata mo," tumabi ako sa pagkakaupo niya sa higaan. "May masama ka bang nararamdaman sa katawan mo? Humiging ito't umiling bago ito tumayo. "Maliligo lang ako, Cams."Tanghali na siyang nagising sa kakaiyak kagabi, hindi ko na siya inabala pang gisingin kanina para na rin makapagpahinga siya. Iyak ng iyak kagabi kung hindi lamang siya nakatulog hindi siya titigil sa kakaiyak kaya labis ang pag-aalala nila Ate Easter pati na rin si Madam Felicia sa kaniya. We did not expect na ang masayahing tao na kagaya ni Alisha ay may mas malaking problema ang tinatagu-tago sa likod ng masayahin nilang ngiti na palaging suot sa araw-araw. "Nasaan nga pala si Alisha? Bakit hindi mo kasama?" bungad na tanong ni Ate Easter, pagkababa na pagkababa ko sa hagdan. "Tulog pa, ate, hindi ko na lamang ginising para makapagpahinga siya iyak ba naman ng iyak kagabi.""Why? What happened?" biglang tanong ni Madam
Cammie‘‘What?! Pumayag ka talaga?’’‘‘Oo nga, paulit-ulit?’’ Naiinip kong sagot, kanina pa ito naninigurado sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang naging reaction ni Alisha. Kanina nga habang nasa opisina ni senator inalok niya akong maging personal maid sana ng pangatlo niyang anak na si Aciaean. Noong una ay hindi ako pumayag, mahirap na baka totoo talaga iyong kwento ni Alisha sa akin about kay Sir Aciaean lalo na rin at hindi ko pa nga ito nakilala. Kalaunan ay inalok ulit ako ni Madam Felicia, inalok niya ako na siya na lamang ang magpapaaral sa akin sa susunod na pasukan, tataasan niya rin ang sahod ko nang sa gano’n ay madali kaming makabayad sa mga utang namin at kung papayag ako pa nga ako ay maaaring sila na lamang ang tutulong sa amin na mabayaran ang lahat ng mga utang namin. Sayang ang opportunity na lumalapit sa akin, chance na rin ito para mabayaran ang mga utang namin. Magiging yaya lang naman ng anak nila, hindi ba? K
Sir Aciaean. Tatlong araw ang lumipas simula nang magsimula akong magtrabaho sa isang sikat at magaling na senator sa bansa. Naging maayos naman ang lahat sa tatlong araw na pagtatrabaho ko dito, mababait ang mga kasamahan kong kasambahay. Gano’n din si Alisha. Sa mga kasama ko sa pagtatrabaho si Alisha nga ang naging malapit sa akin, isa na rin sa unang rason ay magkaedad kami at kaming dalawa ang minsang nakakasundo. Naninibago man sa paligid ay nakakaya ko namang mag-adjust, lalo na’t hindi ako sanay na mawalay sa mga magulang ko. Lumaki akong nasa tabi palagi ang mga magulang, lumaking sa kanila nakadepende. Kaya rin nahihirapan ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong malayo ako sa tabi nila, ayos lang naman sana na isang buwan lang ako malalayo sa kanila pero isang taon akong magtatrabaho kaya nakakapanibago. ‘‘Ngayon pala ang uwi nila, senator?’’ tanong ko kay Alisha habang nagdidilig ng mga bulaklak. Napatingin naman ako sa kanya,
ElsherBumaba ako sa Elsher Subdivision dahil ito ang nakasulat sa address na ibinigay ni Ate Rosea sa akin. ‘‘Salamat po, manong.’’ Ngumiti lamang ito. Tinungo ko ang guard house para makapasok at makapagtanong kung saan banda ang mansion ni Senator Elsher. Wala man lamang nakalagay na house number itong address na ibinigay sa akin, sa dami ba naman ng nakatayong bahay dito sa subdivision ay talagang maliligaw ako. ‘‘Magandang hapon po. Saan po d’yan ang bahay ni Senator Elsher po?’’ tanong ko habang ginagamit kong pamaypay ang aking kamay dahil sa sobrang init. ‘‘Anong kailangan mo kay senator, iha?’’‘‘Ako po kasi iyong kinuhang pamalit na kasambahay, kuya.’’ Magalang kong sagot dahil alam kong hindi ako makakapasok kung hindi ko maayos na masagot ito. ‘‘Lakarin mo lamang ‘yang daan, iha. Kapag may nakita ka sa dulo ng kalsada na kulay neutral ang mansyon at may gate na malaki ay ‘yan na nga ang bahay na hinahanap mo.